Marie's POV
It's been 1 week since nakabalik ako dito sa bahay. Sobrang saya ni Mom and Dad nang mag desisyon ako na magpakasal. Pero hanggang ngayon ay hindi ko parin kilala ang lalaking papakasalan ko.
"Uy Mars tulala ka naman dyan" sabi ni Venice.
Niyaya ko siyang mag mall dahil naloloka lang ako sa kakaisip sa bahay. Wala si Fars dahil isinama nina tito France papuntang Canada for a short vacation, sa weekends ay babalik na rin sila. Nakakalungkot lang dahil hindi namin siya makakasama sa birthday niya sa makalawa.
"W-wala" sagot ko. Nandito kami ngayon sa isang restaurant.
"Anong wala? Naiisip mo naman "siya" diba? Ay naku girl. Mabuti pa huwag ka nalang magpa stress debut mo na next week. Dapat ay mag beauty rest ka"
Oo nga pala next week na ang debut ko. Dati ay excited ako na dumating ang araw na yan pero ngayon hindi ko na alam. I feel nervous but I don't know why.
"I'm just too preoccupied Ven. There's so many things running inside my head"
"Si Mr. Thunder Vince Montreal ba?" Tanong nito habang abala sa pagkain.
"Ven, let's drink tonight" walang kagatol-gatol kong sabi at para maiba narin ang usapan.
"What? Kaloka ka Mars. Baka masira na yung kidney natin sa kakainum" nag-aalangang sabi nito.
"Sige na pretty please..." sabi ko na nag puppy eyes pa.
"Ay naku. Oo na, buti nalang talaga at wala sina Mommy sa bahay. Last na to ha, dapat sa isang taon ay isang beses lang akong iinum next time. Let's just consider this as your despidida de soltera!"
Napangiti naman ako. Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko😊. Agad akong nag txt kay Mommy na mag o-overnight ako kina Ven. Bahala na, I just want to forget everything just for a night.
"Ay wait Mars diba pupuntahan pa natin ang Venue ng debut mo"
"Oh I forgot... sige puntahan na muna natin" sabi ko. Nakalimutan ko kasi na kailangan ko daw e check ang venue sabi ni Mom if magustuhan ko raw.
Dahil nga sa matagal akong nawala ay rush na ang preparations."Let's go?" Yaya ni Ven na tumayo na sa upuan at nagpatianod nalang ako.
--------------------------
Nandito na kami ngayon sa QC events. Hindi naman malayo sa mall na pinuntahan namin ang lugar nato.
"Perfect! Ang ganda diba and the grand staircase, it would be dramatic!. I'm so excited Marie" naibulalas ni Ven.
"Yeah... ""Naku Mars malala na yang heartache mo huh. Tulala ka nalang lagi, tapos parang parang mas excited pa ata ako sa debut mo kesa sayo. Hmmmp!"
YOU ARE READING
MARIESTELLA (I'm Inlove With A Superstar BOOK 2)
De Todo"No dad, I won't marry that man. I don't even know him" mahinahon pero may diing sabi ko.