Marie's POVKanina pa ako nakaupo sa harap ng lalaking to na ang ginawa lang ay titigan ako, yun bang hinuhubaran ka
Tss, manyak😒"Ah Sir a-ano po bang pag-uusapan natin?" Ang awkward talaga. Geeez
"Well I just want to tell you that you are not allowed to do the household chores anymore. I want you to be my personal assistant. Kahit saan ako magpunta dapat nandoon ka rin" he said while staring at me intently. Pati yata pores ng mukha ko ay hinahanap nito.
P-pero teka tama ba ang narinig ko na magkasama kami dapat, always? Talo ko pa ang aso nito..😑, parang biglang sumama ang pakiramdam ko kaya tumango nalang ako.
"S-sir may sasabihin ka pa po ba? Medyo sumama kasi yung pakiramdam ko"
Tumayo na ako pero nanghihina ang tuhod ko at napaupo ako ulit."Hey are you ok?" Nakalapit na pala si Thunder at inalalayan akong tumayo ulit. Nilagay niya ang kamat sa ulo ko "Fuck! you're burning Mariestella!" Napanic na ito at binuhat na ako. Hindi na ako nagreklamo, I feel so weak and the only way to survive is to hold on to him.
"Manang! Paki sabi kay Mang Ronie na ilabas na niya ang sasakyan sa grahe" narinig ko pang sigaw nito habang papalabas na kami ng bahay.
Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari dahil unti-unti ng nagdilim ang paligid ko.
-------------------------
Thunder's POV
Naramdaman kong nawalan na ng malay si Mariestella sa mga bisig ko. Shit! Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may mangyaring masama sa kanya.
Pinasama ko na si Manang para may umalalay kay Mariestella sa likod.
Ako na ang nag drive para mas mabilis. Panay ang sulyap ko sa likuran habang nagda-drive at panay din ang pagpunas ni Manang ng basang bimpo sa katawan ni Mariestella.
"Manang she'll be alright diba?" For the first time in for 4 years ngayon lang sko ulit nakaramdam ng ganitong klaseng takot.
"Oo iho, huwag kang mag-alala at mag focus ka sa pagmamaneho at baka tayo ay mabangga" I know I'm over the speed limit but all I want is to bring Mariestella to the hospital as fast as I could.
Mga 15 minutes lang at nandito na kami sa Makati Medical Center. Agad na pinasok nila si Mariestella sa ER.
"Sorry sir pero dito nalang muna kayo" ani nang isang murse na giniya kami sa upuan sa tapat ng ER.
"Please take care of her" he just nodded.
Mga 30 minutes siguro kaming naghintay ni Manang when finally one of the doctors came out.
"How is she Doc?"
"Mr. Montreal!" Bati ng Doctor, si Doc Revira pala ang family Doctor ng Montreal
"Relative mo ba si Mariestella Mr. Montreal?,""Actually Doc she's my fiance, kamusta na sya?"
Saglit lang natigilan si Doc Revira marahil ay nabigla ito that I'm getting married."Well iho, she's over fatigue and dehydrated. she needs atleast 1 week of rest just to regain her strength. You can transfer her now in a private room"
Tumango ako at nagpaalam na si Doc Rivera.
"Manang just stay here, aasikasuhin ko lang ang lilipatang room ni Mariestella"Thank God she's ok. Bakit ba kailangan niya pang mag-layas? Is that how she hates the idea of marrying me? Naikuyom ko nalang ang kamao ko sa naisip.
-----------------------
Marie's POV
Huh? Nagtaka ako nang pagmulat ko ng mata ay puting kisame ang nakita ko. Nasa hospital ba ako?
"Oh iha salamat naman at nagising ka na!" Masayang sabi ni Manang na kakapasok lang sa kwarto. "Alam mo bang pinag-alala mo kami ng husto ni Sir Vince?"
"H-ha si Sir Thunder po?" I remember before I passed out that he carried me in his arms. Pakiramdam ko ay namula ako kaya yumuko ako para hindi mahalata ni Manang.
"Oo iha, hindi nga mapakali si Sir. Umalis lang sya saglit pero babalik rin yun agad"
"Babalik? Naku Manang nakakahiya na po kay Sir. Pakisabi niyo nalang po na ok na ako. Hindi ko naman po kailangan ng bantay alam ko pong marami din kayong ginagawa Manang" sabi ko na nagbabakasakaling makalusot. Ang totoo naman talaga ay hindi ko kaya ang presensya ni Thunder I feel like he's sucking all my strength by simply looking at me.
"Aalis din ako iha dahil marami akong naiwang gawain. Hinihintay ko lang talaga si Sir Vince-" naputol ang sinasabi ni Manang nang pumasok ang lalaking iniiwasan ko sanang makita.
"Oh iho.. mabuti naman at nandito ka na. Ikaw na ang bahala kay Marie at aalis na ako. Iha magpagaling ka ha at mauuna na ako" tumango lang si Thunder.
"Thank you Manang" sabi ko nalang dahil na iilang na naman ako sa mga pares ng matang nakatitig sa akin.
"How are you feeling?" Tanong nito at umupo sa upuan na katabi ng bed. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Pakiramdam ko ay pinagpawisan ako ng malagkit.
"Relax I won't bite you. Hahahaha" bakit ang gwapo ng tawa niya?
"Ano ka ba naman Mariestella, huwag mong sabihing crush mo ang amo mo? Baka nakakalimitan mo siya ang pangahas na nagnakaw ng pinaka iniingatan mong first kiss kaya kaaway natin sya" suway ng utak ko sakin. Tsk, nabubuang na yata ako.
"O-ok na ako Sir, gusto ko na sanang bumalik sa mansion" sabi ko sa kanya na hindi nakatingin sa direksyon nito.
"No, you'll rest here for 1 week" he said.
"What?!... how am I supposed to rest here Sir. I'll be more comfortable at home. Please let's go home Sir-" Napatigil ako,😱
O.M.G did I just speak in English?I saw him smile for a second and then he's back in serious mode again. Baka buking na ako😭. Hindi pwede na malaman nina mama kung nasaan ako.
"Ok but in one condition.."
Seryosong sabi nito. Mabuti nalang at di na niya ako tinanong kung bakit ako matatas mag English eh sabi ko pa naman kay Manang na hindi man lang ako nakatapos ng Elementary. Napangiwi nalang ako sa kasinungalingan ko✌."A-ano po yun S-sir?" Nauutal kong sabi. Eh kinakabahan ako pag sya ang kaharap ko eh.
"I want you to stay in one of the guest room... one that's beside mine"
A-Ano raw??
--------------------------
Hi readers! Isang upadate lang ang kinaya ko kagabe. Nakatulog na ako habang ginagawa tong chapter 6.
Thank you in advance sa mga magbabasa. Don't foget to like and comment. Thank you!
YOU ARE READING
MARIESTELLA (I'm Inlove With A Superstar BOOK 2)
De Todo"No dad, I won't marry that man. I don't even know him" mahinahon pero may diing sabi ko.