Marie's POV
Anong gagawin ko ngayon? 30 minutes na mula nang lumabas si Thunder. Kanina pa ako pabalik balik lang dito sa loob kaya nag decide na ako na umupo sa table ko.Binuksan ko ang laptop and decided to open my social media accounts. Himala wala man lang bang naghahanap sakin? I check dad's instagram and walang bago post, ganun din ang kay mommy.
Why? Hindi ba nila ako pinapahanap? Nagtataka ka pa Mariestella eh kasalanan mo naman 😔. Pinunas ko ang mga luhang tumakas sa mga mata ko.
Ilang sandali pa ay nabaling ang attention ko sa nag pop up na message sa screen, it's Venice.
"Girl! Mabuti naman at nagparamdam ka na. Bumalik kami ni Farrah sa hospital pero nakalabas na kayo tapos tinatawagan ka namin pero cannot be reach ka"
Nag compose ako ng reply..
"Sorry bes hindi ko na alam kung nasaan ang phone ko nawala siguro after the incident. Ok na ako, I'm at Thunder's office, I am now his PA""What? Grabe, na promote ka agad-agad? Hmmmm... I smell something fishy Mariestella !" Mabilis na reply nito.
Napadako ang tingin ko sa maliit na screen sa tabi ng pinto. Doon siguro ako nakita ni Thunder kanina. I saw him entering his office kaya dali-dali kong sinara ang laptop.
"Be ready, you'll come with me. Pupunta tayo ng Tagaytay" bungad niya agad sa akin pagpasok niya.
"O-ok Sir.." kinakabahan ako, may bahay kami sa Tagaytay and once a week ay umuuwi kami doon. What if may makakilala sa akin?
-----------------------
Nandito na kami ngayon sa isang construction site sa Tagaytay. Mabuti nalang at nakatulog ako sa biyahe dahil kung wala ay baka hindi ko kayanin ang presence ni Thunder sa mahabang biyahe.
I learned that they're constructing a hotel na pag mamay ari rin ni Thunder. Saan kaya napupunta ang yaman ng lalaking to?
"Sir akala ko hindi na kayo darating" salubong sa amin ng isang lalaki na may dalang head gear protection siguro from falling objects.
Kinuha ni Thunder yun, ang isa ay nilagay niya sa ulo niya. Akala ko ibibigay niya sakin ang isa pero nagulat ako nang siya na mismo ang naglagay sa ulo ko.
"T-thank you sir..." nahihiya kong sabi.
"Stay with me, it's dangerous inside" he said. Tumango nalang ako.
At yun nga at pumasok na kami sa building. Busy ang lahat ng workers sa mga ginagawa nila habang patuloy na nag-uusap si Thunder at ang lalaking in charge sa project.
I don't know what am I suppose to do here. Wala naman akong dalang notebook or notepad to take down notes kaya nilibang ko nalang ang sarili sang pag-iikot ng mata ko sa buong lugar nang mahuli ang atensyon ko ng isang lalaki na nagpapahinga sa isang mahabang upuan. Sa likod niya ay may isang improvise hagdan na yari sa kahoy. Nakapatong dun ang kanyang tool box na sa tingin ko ay anong mang oras ay babagsak sa ulo niya. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at dali-dali akong tumakbo sa kina uupuan niya.
"Kuya! Umiwas ka!" Sigaw ko.
"Mariestella!" Narinig kong tawag ni Thunder pero deretso lang ako sa pwesto ni kuya. Kahit ang lalaki ay nagulantang din nang makita akong humahangos sa kanya.
Nakita kong mahuhulog na nga ang tool box kaya tinulak ko si kuya. Kaya bago paman bumagsak iyon ay nakaiwas na siya at sa kabutihang palad ay nakaiwas din ako.😥
YOU ARE READING
MARIESTELLA (I'm Inlove With A Superstar BOOK 2)
Random"No dad, I won't marry that man. I don't even know him" mahinahon pero may diing sabi ko.