Chapter 16

96 8 0
                                    

Alexa's POV

Ang bilis ng araw. Friday na ngayon at naghahanda na ako dahil mamaya na kami aalis. Sunday ng gabi kami aalis doon at sabi nila wala daw kaming pasok sa monday,magpahinga muna daw kami.Ang kailangan ko lang naman ay damit, snacks at water.

Pagkatapos kong ayusin ang mga kailangan ko bumaba na ako. Nakita ko naman kaagad sina kuya Mark at Joshua.

"Oh. Alex galingan mo ah!" Si kuya Joshua.

"Syempre kuya" nakangiti kong saad.

"Geh. Kain ka na."

Sumunod naman ako kay kuya joshua.

Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ako at umalis na. Buti nga pinayagan ako nila kuya eh. Naaalala ko pa kung paano ako nagmakaawa para makasama. Si kuya joshua lang naman yung may ayaw eh.

~~~~FLASHBACK~~~~~

Pagkapasok ko sa bahay nakita ko sina kuya na may kanya-kanyang ginagawa. Si kuya joshua nanonood ng basketball habang si kuya Mark naman may kausap sa phone. Siguro chix yung kausap niya. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na ang kuya ko ay isang cassanova. Gwapo kasi yang mga kuya ko eh ewan ko nga kung bakit ako di ganun kaganda.

"Andito na ko!!!" Lumingon naman sila saakin. Si kuya Mark naman nagpaalam na sa kausap niya.

"Ang saya mo ata alex ah. Siguro may nanliligaw sayo." Si kuya mark talaga kung ano-ano iniisip.

"Huh?!?! Sino naman yan alex??? Bubugbugin ko para lumayo sayo." Nagiging overprotective nanaman si kuya joshua eh.

"Wala kuya. May good news kasi ako." Di sila nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"Kasama ako sa lalaban sa quiz bee."

"Ah ganun ba? Good for you."

"Pero kuya joshua....sa tagaytay kami matutulog next friday kami aalis tapos sunday ng gabi kami uuwi..."

"Bakit naman ganun? Bawal! Di ka sasali dyan. Baka may mangyari pa sayong masama."

"Ehhhh kuya naman eh. Malaki na po ako kaya ko na sarili ko." Pagdedepensa ko.

"Kahit na alex. Responsibilidad kita okay?"

"Alam ko yun kuya pero 15 na ako. Di na

Ko bata plssssssss" nag pout pa ako para pumayag siya.

"No. That's final alex."

"Plsss kuya kasama ko naman sina gab eh."

"No. Babae si gab at di ka niya maproprotektahan."

"Edi si Chad."

"Hmm....akin na phone mo." Binigay ko naman.

May pinindot siya sa phone ko at nilagay sa tenga niya yun.

"Hello. Kuya to ni alex."

"Alex. Alexa."

"Pwede mo bang....." At di ko na narinig ang mga sumunod niyang sinabi dahil pumunta siya sa labas at dun nakipag-usap.

Pagkalipas ng ilang minuto bumalik siya at bigla na lang pumayag. Di ko na inisip kung sino yung kinausap niya pero laking pasalamat ko sa taong yun dahil napapayag niya si kuya.

~~~~~END OF FLASHBACK~~~~~

Di na muna ako sumabay ngayon kay Chad sa pagpasok gusto ko kasing magcommute eh.

Sumakay na ako ng jeep at nagabayad. Maya-maya nakarating na ako sa school kaya bumaba na ako at naglakad papasok ng school. Dami kong dala isang malaking bag sa kanan kong kamay at ang backpack ko pa.

"Uy! Lexa! Ikaw pala yan! Sabay na tayong pumasok." Si Chad pala yung lalaki sa gilid ko.

"Ah sige." Ngumiti ako sa kanya. Napatingin naman siya sa kamay ko.

"Dami mong dala akin na nga yan." Kinuha niya bigla sa kamay ko ang

Malaking bag na hawak ko.

"Huh? Wag na. Akin na yan." Pilit kong inaagaw sa kanya ang bag ko.

"Wag ka nang makulit. Halika na."

"Sige na nga. Salamat na lang." Nagpatuloy kami sa paglalakad nang makarating

kami sa classroom namin. Andun na rin

si Josh.

"Uy josh!" Bigla naman siyang tumingin sa amin.

Ngumiti siya pero saglit lang. Minsan ko lang siya nakikitang ngumiti kaya naaamuse ako kapag ginagawa niya yun.

"Handa na kayo?" Tanong ko.

"Oo. Excited na nga ako eh." Sagot ni chad.

"Lagi naman akong handa eh." Sagot naman ni Josh. Baliw talaga.

"Class be quiet."

Dumating na pala ang guro namin kaya nagsiupuan na ang mga kakalase ko. Umupo ako sa upuan ko na katabi ng upuan ni Josh at nakinig na. Kinakabahan ako para mamaya siguro dahil bago saakin ang mga ganito na aalis ng school at pupuntang ibang lugar.

Pagtingin ko sa relo ko nakita kong 8:00 am na. 8 hours to go......

Si CRUSH kasi eh!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon