Chapter 18 - Quiz Bee

73 5 1
                                    

Alexa's POV

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Kinapa ko ang ilalim ng unan ko. Ayun! Si kuya Joshua pala ang tumatawag. Sinagot ko agad ang tawag niya.

"Oh kuya napatawag ka?" Di ko kasi ineexpect na tatawag siya saakin.

"Kumain ka na ba? Baka ginugutom ka nila diyan ah!"

"Di noh! Kagigising ko lang eh." OA ni kuya Joshua -__-

"Huh? Late mo na magising ah. 10:00 na kaya." Tiningnan ko naman ang relo ko. Oo nga noh? Sa bahay kasi 9 ako lagi nagigising. Siguro napagod lang ako sa byahe.

"Ay! Oo nga noh. Sige kuya maliligo na ako mamayang 1:00 na yung laban eh."

"Ah ganun ba alex? Osige tawag na lang uli ako."

"Sige po. Bye." At binaba ko na ang tawag. Tumingin ako sa paligid ko....tulog pa yung dalawang creatures. Buti naman. Kinuha ko na ang twalya ko at pumasok sa banyo para maligo.

Makalipas ang ilang minuto natapos na akong maligo kaya tinuyo ko na ang katawan ko gamit ang twalya ko.

Pagtingin ko sa salamin nanlaki ang mga mata ko at agad kong nasapok ang noo ko. "Tanga! Tanga! Tanga!!!!! Hayyyy!!!" Naiwan ko kasi ang damit ko sa labas! Paano na yan? Huhuhu naiiyak ako...paano ako magdadamit? Sa bahay kasi sa kwarto ako nagdadamit hindi sa banyo.

Kukunin ko ba? Hay nako! I need to take the risk. Wala akong choice kundi

A. Kunin ang damit ko sa labas at tumakbo pabalik dito sa cr.

Or

B. Tumira dito sa cr hanggang sa mabulok ako.

At dahil ayokong mabulok dito sa cr kukunin ko na lang ang damit ko.

Binuksan ko ng onti ang pinto....tulog pa din sila.

Lumabas na ako at binilisan ko.....undergarmets...check!....shirt...

check!....pants..check! Okay wala na akong ibang kailangan diba?? Sinara ko na ang bag ko at tumakbo pabalik ng cr.

Sinuot ko na ang undergarments ko kaso....may nawawala!! Hala! Asaan na yun?? Wait! Don't tell me.....nahulog?!?

*knock knock*

Huh? Sino ba yan? Di ba niya alam na i'm so frustrated dahil nawawala ang bra ko!

Di ko pinansin iyo at bumalik ako sa pagdrama ko pero kumatok uli siya.

Binuksan ko na ang pinto at nakita ko si Josh...............

.............holding my bra!!!!!!! Wahhh!!!! Gusto ko ng tumalon sa pinakamataas na building sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko....bakit di na lang ako kainin ng lupa ngayon?? God help me!!!! Dahil asa state of shock and embarrassment pa ako di ko agad nakuha iyon sa kamay niya.

"Uh....alexa...ummm...your-" nakahawak siya sa batok niya at mukhang nahihiya rin sa pangyayari.

Bago pa niya masabi ang salitang yun kinuha ko na agad yun sa kanya at malakas na sinara ang pinto.

Pagkatapos kong magdamit lalabas na sana ako kaso nahihiya ako...paano kung andun siya? Ay malamang andun siya! Kwarto niya din toh eh! Naglakad lakad pa ako sa loob ng banyo nang napagtanto kong lunukin ang pride ko at lumabas.

Paglabas ko kumakain na sila....si Chad,Gab,Carla at siya..... Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya tumalikod ako at kinuha ang phone ko para sana itext si Rie kaso bigla akong hinatak ni Carla.

"Gurl! Lapang na tayo! Portugal mo naman sa banyo!" Natawa naman ako sa sinabi niya. Minsan lang yan magbeki language pero syempre naiintindihan ko. Simple beki words lang naman yan eh.bumabalik nanaman toh sa pagiging beki eh! Ay nako!

Si CRUSH kasi eh!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon