Chapter 17- Quiz Bee
ALEXA'S POV
*CRRRIIIINNNGGGG CRRIIIIINNNGGGGGG*
Pagkalabas na pagkalabas ng guro namin biglang pumasok si bes at niyakap ako.
"Oh. bakit?" tanong ko.
"Wala lang. Ingat ka bes ah!"
"Oo! Halika na! Samahan mo ko papunta sa van." yep. van ang gagamitin naming pangtravel.
"Okie Okie!" nakangiti niyang sabi.
Naglakad kami habang nagkwekwentuhan. Tiningnan ko ang relo ko, 3:50pm pa lang naman. 4pm pa kami aalis.
"Grabe bes! Swerte mo! Makakasama mo si Josh!! kaso malas mo din...."
"Huh? Paano naman ako naging malas?"
"Eh kasi naman kasama mo si Chad."
"Hoy! Wrinkles! Anong sinasabi mo kay lexa?"biglang sumulpot si Chad sa likod ni rie.
"Sinasabi ko lang naman sa kanya na ang malas niya kasi kasama ka niya!" binelatan niya si Chad.
"Weh?? Nagseselos ka lang kasi di ka kasama eh at dahil mas marami kaming time ng bestfriend mo." - chad.
"Ayoko naman sayo eh kaya okay lang kung kayo ang magsama!" - Rie.
"Wala naman akong sinabi na ganun gusto mo ko ah! Ang ibig ko lang sabihin ay maaagaw ko ang bestfriend mo at mas magiging close kami. Ikaw ahhhh may tinatago ka palang pagnanasa sa akin ayieeee! Ang gwapo ko kasi eh." - Chad.
Ewan ko ba kung bakit pero may naramdaman akong kakaiba habang naguusap sila......
"Heh! bes halika na nga! Ang lakas ng hangin dito. Dun tayo oh!" hinila naman ako ni rie papunta malapit kay Josh.
"Oy wag naman kayong mang-iwan oh!" -Chad.
Natawa na lang ako sa pagiging isip-bata ni Chad.
"Uy! Josh!" tawag ni rie sa kanya.
Tumango lang si Josh saamin habang naka poker-face siya.
Ang bipolar talaga niya.
"Halika na. Aalis na tayo. Sakay na kayo sa van." sabi saamin ng principal at nauna nang pumasok.
"Bes sige aalis na kami eh. Bye. Lavya." paalam ko kay rie.
"Ah sige. ingat ka ah!"
"Paulit-ulit bes?"
"Hehe. peace" nagpiece sign pa si bes. Adik tlga toh.
Naghug kami at pumasok na ako sa van. Nakita kong andun na si Chad,Gab at Carla.
Ang seat na natitira na lang ay yung katabi ng kay Chad kaya doon ako umupo.
"Sabi na nga ba eh..." Napatingin naman ako kay Chad.
"ano?" pagtatanong ko.
"Sabi na nga ba.......Dito ka pa din uupo sa tabi ko eh! ayiieeee." at bigla na lang niya akong hinug.
"Tongeks! Malamang! Wala nang ibang upuan eh!" sabi ko habang inaalis ang pagkayakap niya saakin. Ang saya ng loko.
"Ang cute cute cute mo talaga lexa ko!" nakangiti niyang sabi. May umubo naman kaya napatingin kaming dalawa ni Chad sa taong yun.
BINABASA MO ANG
Si CRUSH kasi eh!
Teen FictionANG STORYANG ITO AY HINDI TUNGKOL SA GUSTO KO SIYA, GUSTO NIYA RIN AKO. MU NA KAMI. HINDI. ANG STORYANG ITO AY TUNGKOL SA GUSTO NIYA SIYA PERO GUSTO RIN NUNG ISA SIYA TAPOS YUNG ISA NAMAN YUNG ISA YUNG GUSTO. ANG GULO NOH?? PAANO NA KAYA ANG LOVELIF...