Chapter 13

107 9 2
                                        

Alexa's POV

"Asan na daw siya?" Ang tinutukoy ni Josh ay si Carla.

"Wala pa siyang rinereply eh." Sagot ko. kanina pa kami nagaantay dito. Ang usapan kasi 10:00 nandito na Pero naka30 minutes na wala pa siya dito.

"bagal talaga ng baklang yun kahit kelan!" umiinit na naman ulo ng lalaking toh eh. nalaman ko na kapag kaclose mo toh Ganun pa rin siya,masungit pero at times makulit at masiyahin.

Ang Tagal ni Carla. Ano bang nangyari dun? tas di pa siya nagrereply alam namang ako yung nag text hiningi kasi namin number ng isa't-isa kahapon para kapag may kailangan matetext or macacall.

"Ayan na si Carla oh!" -gab

"Bat ang Tagal mo?"- Josh

"Oo nga." -Chad

"Sorry mga fafa. Secret mga fafa."

"nu bayan! masasapak ko tong baklang toh eh!"

"Wag po fafa josh. Maawa ka."

"Halika na nga!" at umalis na kami.

------------------------------

Pagkadating namin sa bahay ni Josh nakita kong ang laki,ganda at linis ng bahay nila! grabe!

"Wow! Ang bongga ng bahay niyo fafa!" -Carla.

"Kuya!" May batang babae na lumapit kay Josh.

"Oh.bakit?"

"Kanina ka pa tinatawagan ni mama sa phone mo."

Tiningnan ni Josh ang phone niya.

"Oo nga noh....bakit ba siya tumawag?"

"Aba malay ko! Tanong mo sa kanya."

"hahaha geh na akyat ka na sa kwarto mo."

"Huh? Bakit?"

"Uy Stacey musta na?" Kilala pala siya ni Chad?

"Ayos lang kuya."

"Ah ganun ba? halika dito may ipapakilala ako sayo." Sumunod naman si Stacey kay Chad.

"Ito si ate Alexa or lexa."

"Girlfriend mo kuya?" ANO?!?!?! namula tuloy ako sa sinabi ni Stacey.

"Hindi!" Sabay naming sabi nii Chad pero siya kalma lang.

"Soon to be girlfriend ko si-Aray!" - Chad

"Baliw!"

At nagtawanan silang lahat except kay Josh.

Si CRUSH kasi eh!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon