McDonald's Makati
"Bye mga boi! Out ko na bukas ulit!" Paalam ko sa mga kasamahan ko dito sa McDonald's na part-time job ko. Pauwi na ako sa apartment na tinitirhan namin ng nakababata kong kapatid na babae, madaling madali ako dahil walking distance lang naman ang apartment namin at isa pa GUTOOOOOOM NA AKOOOOO!
Ako pala si Denise Loii Fernandez 22 years old, maputi, 5'4 ang height, sexy at sabi nila maganda daw ako? Pero sa tingin ko mukha lang akong basura, kagaya ng buhay ko.
Kapag may gusto akong makuha, hindi ako titigil hangga't hindi ko yon nakukuha, dyaan din lumalabas ang pagka baliw at pagkakulit kong tao HAHAHAHAHHAHAKasama kong naninirahan si Desiree Leii kapatid kong babae at 7 years ang tanda ko sakanya kaya mataas respeto nito saakin HAHAHAHAHHA
Wala na pala kaming magulang ni Des, namatay si mama nung pinanganak si des at si papa naman namatay sa aksidente. Wala na din akong kilala na kamag anak namin kaya wala akong magawa kundi ang kumayod ng maaga para mabuhay kami ng kapatid ko.
"Ate may ulam na dyaan, una nakong matulog late na" sabay halik sakin ng kapatid ko. Well, anong oras na din kasi ako nag out hindi ko tuloy sya nasamahan kumain.
Pagkatapos kong kumain ay naghilamos at toothbrush na agad ako at sumalampa sa higaan. Nakakapagod ang araw na 'to! Buti at MWF ang pasok ko sa school at bukas rest day ko
Nagdasal ako at natulog na at bukas panibagong araw nanaman ito.
Vote//Comment// hihi
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong BAKLA
RomancePROLOGUE Denise Loii Fernandez Ay isang ulirang at mapagmahal na ate sakanyang kapatid. Dahil bata palang ay naiwan na sila ng magulang nila, naging masipag etong magtrabaho para sa ikabubuhay nilang magkapatid. Pero.... Isang lumang kasulatan ang...