(Jeje's P.O.V)
"Pota naman! Buhuhatin ko pa 'tong baboy na 'to!" Binuhat ko na si Denise mula sa kotse hanggang mahiga ko na siya sa kama
Hindi ko alam at bakit tinititigan ko si Denise.
"Ang ganda mo pala talaga" totoo. Ang ganda nga talaga ni Denise, yung ganda niya ang simple simple? Yung tipong di ka magsasawang tignan siya.
Special sakin si Denise dahil asawa ko siya, pero kung mahal siya? Ewan ko nalang.
Ang importante saakin ay wag kong sasaktan si Denise dahil special siya.
Hinayaan ko nalang na matulog si Denise. Hindi ko kayang palitan siya ng damit kasi nahihiya ako and isa pa nirerespeto ko din naman siya.
Bat hindi ko nalang mahalin pabalik si Denise? Total I'm trapped in this situation na asawa ko siya, na siya na makakasama ko hanggang pag tanda. Because there's no turning back in this situation.
Basta. Ewan. Magulo! Kaloka.
*beep beep* *beep beep*
Nagising agad ako sa alarm ko. Pag tingin ko sa pwesto ni Denise nakita ko siyang nakadapa at ang sarap ng tulog. Aba? Anong oras kaya balak gumising nito?!
Inayos ko nalang yung ilang strands ng buhok ni Denise na tinatakpan yung kagandahan niya at pumasok na ako sa banyo.
Isang oras akong naligo at borlog pa din ang bruha! Hala ang oa?! Naka tatlong shot lang siya kagabi HAHAHA
Bumaba ako papunta sa kitchen paradise ni Denise at magluluto ako ng giniling dahil malapit na ding mag tanghalian. Imagine 11:20 na tulog pa din asawa ko!
Nag ayos na ako ng plato at nag sandok ng kanin. "Gigisingin ko na nga ang bruhilya!" Padabog akong umakyat sa hagdan para gisingin si Denise.
"Oyyyy kakain na tayo, gising na" sabay yugyog sa katawan niya.
"Hmmmm"
"Bumangon kana, nagluto ako ng giniling" natawa ako dahil agad niyang dinilat yung mata niya
"Ano? Nagluto ka? Hala dapat ako nagluluto!" sigaw niya
"Wow ah? Kung di ako magluluto baka naman umabot na ng meryenda time yung lunch time natin!"
"Hihi sabi ko nga babe! Antayin mo nalang ako hilamos lang me" that smile. Sht nakaka taba ng puso yung malawak na ngiti ni Denise!
"Wow sherep me pele mogloto beyb" aniya ni Denise habang may pagkain pa sa bunganga niya.
"May alam din naman ako, pero mas masarap pa din luto mo"
Hindi ko maiwasang tignan ang bawat subo ni Denise, kitang kita sakanya na sarap na sarap siya. At yeah nakaka kilig!
(Denise Loii's P.O.V)
Matagal akong natapos kumain dahil inubos ko lahat ng ulam at kanin na luto ni Jeje. Gutom na gutom talaga ako sa dami ng sinuka ko kanina huhu
Sunday pala ngayon at walang trabaho si Jeje! Yieee sana mag date kami mamaya waaaah!
"Babe.."
"Hmmmm?"
"Ahhh.. sunday ngayon diba?"
"Yeah. At magpapahinga ako. Why?"
"Ayyy! Date tayo pleaaaase" hindi pa kami nag dedate ng maayos ni Jeje! Dahil palpak naman nung birthday namin eh.
"Ako tigilan mo ah? I want to rest"
"Hmmmp! Ok!"
Nakakabanas naman! Kahit 2hours na date lang oh!
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong BAKLA
RomansaPROLOGUE Denise Loii Fernandez Ay isang ulirang at mapagmahal na ate sakanyang kapatid. Dahil bata palang ay naiwan na sila ng magulang nila, naging masipag etong magtrabaho para sa ikabubuhay nilang magkapatid. Pero.... Isang lumang kasulatan ang...