(Denise Loii's P.O.V)
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag ibig~
Lintek! Ang ingay naman ng alarm na yan! Sigaw ko. Alas otso na ng umaga, naghilamos agad ako at nagluto ng umagahan at baon ni Desiree kasi alas onse ng umaga ang pasok niya.
"Bye ateng! See yaaah leytor!!!" Ang hyper ng kapatid ko talaga! Hah ang saya at solo ko ang bahay at makakapag linis akong payapa at walang binubulyawang tamad na kapatid hehe.
Tatlong oras akong naglinis at oras na para manood ng dinownload kong Taiwanese drama sa phone ko
"Hiho sarap ng buhay ko ngayong araw!" Sabi ko sa sarili ko at tumawa na parang demonyo."Tao po! Tao po!" Aba! Kung kelan hayahay na ako, saka naman may istorbo! Buwisit naman oh. Inis na sabi ko sa utak ko.
Dali dali kong binuksan ang pinto kahit labag sa loob ko"Denise Fernandez tama ba?" Tanong ng isang babae na medyo nasa 40's na ata ang edad at naka formal na damit ito, mukhang mayaman sya unang tingin palang hahah
"Ahh opo ako nga, ano po ang kailangan ninyo?" Tanong ko sakanya.
"May dapat kang malaman saakin ija na makapag pabago ng buhay mo" Masayang sabi ng babae saakin. Anodaw?! Nanalo kaya ako sa lotto? Araw araw ako tumataya baka this time eto na!
"Tuloy po kayo, pasensya na at maliit lang ang bahay namin" nahihiyang sabi ko sakanya at inalok sya na umupo.
"Oh ija, ayan basahin mo" abot nya saakin ng isang lumang papel na mukhang dekada na ang tagal nito.
"Ako si Heraldo Fernandez na sumasang ayon na kapag ang panganay kong apo ay lumagpas na sa kinse anyos, ay ipakakasal ko sa panganay na apong lalaki ni Alberto Sanchez at magmamahalan sila habang buhay at magpaparami ng aming lahi.
Pinirmahan Ni: Heraldo Fernandez
Saksi: Alberto Sanchez, Amanda Sanzhez
Araw ng Kasunduan: Julyo 14, 1958"Agad nanlaki ang mata ko mga nabasa ko, hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng nakasulat sa lumang papel na iyon.
Heraldo Fernandez sya ang lolo taba ko! Papa sya ng papa ko hahaha.Pero teka--- totoo nga ba? Ipakakasal ako? Sa taong di ko pa nakikilala?!
"Binigay saakin yan ng daddy ko tatlong araw bago sya mamatay, sabi nya hanapin daw kita at ipakakasal ka sa anak kong lalaki" sabi nya na may kasamang malawak na ngiti, mukhang masaya sya sinasabi nya at TOTOO nga! Pero hindi ko alam kung maniniwala talaga ako o hindi eh?
"Misis, paano po ba ito nangyari? Sino po si Alberto Sanchez? At bakit kailangan kong ipakasal sa-sa sa anak niyo?" Tanong ko sa babaeng kausap ko na sobrang saya. Hays sana all masaya.
"Ganto kasi yan ija, yung lolo heraldo mo at ang daddy ko ay matalik na magkaibigan simula mga bata palang sila, parehas sila ng babaeng mahal yun ay ang mom ko." Nagulat ako don dahil wala manlang nakwento saakin si lolo taba noong buhay pa siya tungkol sa bagay na 'to!
"Pero sa kasamaang palad ija, piniling pakasalan ni mom si daddy na kinalungkot ng lolo mo. Kaya biglang naisip ni dad ang alok na ipakasal ang mga panganay nilang apo pambawi manlang ng dad ko sa masakit na dinanas ng lolo mo" at bigla nya akong niyakap
"Ahh ahm mm edi ibig sabihin po ba nito totoong ikakasal ako sa anak ninyo?" nagtatakang tanong ko sakanya
"Aba oo! Kaya tara na at kunin mo na ang mga importanteng gamit dito at doon kana saamin ngayon titira!" may halong excitement na sabi nito saakin
"Pero yung kapatid k--" hindi ko na naituloy dahil hinila na nya ako palabas at wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa nanay ng magiging asawa ko?!
Vote//Comment// hihi
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong BAKLA
RomancePROLOGUE Denise Loii Fernandez Ay isang ulirang at mapagmahal na ate sakanyang kapatid. Dahil bata palang ay naiwan na sila ng magulang nila, naging masipag etong magtrabaho para sa ikabubuhay nilang magkapatid. Pero.... Isang lumang kasulatan ang...