(Denise Loii's P.O.V)
Andito ako ngayon sa PICC kasama si Nathalie yung girlfriend ni Caleb. Ngayon na kasi ang graduation namin este ng mga dati kong kaklase.
Nakakalungkot dahil hindi ako kasama sa pag akyat sa stage at hindi ako makakasuot ng toga huhu
"Paki picturan at videohan nalang niyo ko ah? Bye!" Paalam naman ni Caleb saaming dalawa bago siya pumasok sa loob kasama ang mga kaklase ko dati
"Hey don't be sad hindi ako sanay" aniya ni Nathalie
"Nakaka inggit kasi Nathalie... pero hayaan mo na atleast graduate din ako hindi nga lang ako nakapag toga"
"Tama! Wag mo na isipin yan! Pasok na tayo sa loob"
"Kyaaaaaaah go Baby!" Napatingin lahat ng katabi at kaharap namin nung sumigaw si Nathalie sa pag akyat ni Caleb sa stage
Masyadong supportive talaga si Nathalie! At proud na proud siya sa boyfriend niya na Cum Laude. Yeah matalino kasi sobra si Caleb kaya he deserves it.
"Congratulations to the Bachelor of Arts in Tourism Management batch 2015-2016"
Hindi ko namalayang tapos na ang graduation at nagsimula na ang mga picturan ng mga estudyante dito at kasama na din kaming tatlo sa mga nakiki picture stage, back stage, with prof's , classmates at batchmates na nakikita namin HAHAHAHAH
Kahit na wala akong kaibigan sa klase ko bukod kay Caleb ay isa isa ko pa din silang binati dahil alam ko din ang hirap ng pinagdaanan nila makarating din dito sa araw na 'to
"Tara kain tayo! My treat" aya ni Caleb na nagpabuhay sa dugo namin ni Nathalie. Kanina pa talaga kami nagtitiis sa gutom lalo na ako
Pansin ko din last last week pa ako laging gutom eh! Yung tipong kakakain ko lang after 30 mins gutom nanaman ako!
"Tara oh! Dali i'm starving!!!"
Sa daming in'order ni Caleb halos ako lang ang nakaubos dahil busy sila ni Nathalie mag lampungan! Badtrip naman! Namimiss ko lang si Jeje kahit hindi kami ganyan eh huhu kainggit! Buti nalang madaming foods hmp!
Pauwi na kaming tatlo at uunahin daw nila akong ihatid dahil may pupuntahan pa daw sila sa Laguna sa parents ni Caleb
"Caleb dito mo nalang ako ibaba may bibilhin ako eh"
"Sure ka? Dalawang block pa ang layo mula sainyo baliw!"
"Oo nga dito nalang! Babye sainyo. Ingat kayo sa byahe at congrats Leb"
"Daming sinabi ah? HAHAHAHAHA sige salamat sa pagpunta.. ingat Loii!"
"Bye girl! See yah again!"
Sa totoo lang wala talaga akong bibilhin. Gusto ko lang maglakad lakad para makabisado ko din 'tong subdivision namin in case na maburyong ako sa bahay may alam na akong mapupuntahan diba?
"Putek naman! Sobrang init" nakalimutan kong summer na at sobrang init! Tapos kamalas malasan wala akong dalang payong! Shunga talaga huhuhu
Para na akong nahihilo sa sobrang init at nauuhaw na din ako.. ramdam ko din na parang naliligaw na ako at hindi na pamilyar yung mga bahay na nakikita ko.
"Hh-hindi ko na kaya.. ang init na"
Feel ko talaga parang sasabog ang ulo ko sa sikat ng araw! Ngayon ko lang na experience ang maglakad ng matagal sa initan! Nagsisisi tuloy ako na gumala muna dito sa subdivision imbis na magpahatid sa bahay!"Uhaw na ak--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko nalang na bumagsak na ang katawan ko sa daan.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong BAKLA
RomancePROLOGUE Denise Loii Fernandez Ay isang ulirang at mapagmahal na ate sakanyang kapatid. Dahil bata palang ay naiwan na sila ng magulang nila, naging masipag etong magtrabaho para sa ikabubuhay nilang magkapatid. Pero.... Isang lumang kasulatan ang...