"Jericho.. anak dahil may asawa kana ngayon, dapat ay ayusin mo na ang sarili mo hindi ba? Tanggalin mo na iyang mapula mong lipstick na mas mapula pa ata sa labi ni Denise!" Kausap ko ngayon si Dad may mahalaga daw siyang sasabihin tapos itey lang pala ang maririnig ko?! Kaloka akala ko pa naman ay tanggap na nila ang pagka babae ko!
"Eh daddy naman eh! Nasanay na ako sa ganitong awra huhuhu" pag iinarte ko
"Hindi pwede! Matagal na natin itong napag usapan! Na kapag nakapag asawa kana, dapat bumalik na yang pagiging lalaki mo Jericho!
Alam mong ikaw lang ang taga pamana ko dahil ikaw ang nag iisang anak namin na lalaki hindi ba? This time, pag bigyan mo naman kami ng mommy mo and especially your lolo.."Bigla naman akong napa tulala sa sinabi saakin dad. Malapit sa puso ko si Lolo dahil masyado akong spoiled sakanya na laging kinaiinggitan ni ate. Mahalaga kasi sa pamilya namin ang lalaking anak kaya siguro ganoon nila ako ka mahal.
Noong namatay si Lolo parang gumuho din ang mundo ko. Hanggang bago siya mamatay lagi niyang hinahabilin saakin ang sakal este kasal ng apo ng beshy niyaI have no choice kundi ang sundin si dad. Para naman 'to sa kagustuhan ni Lolo kaya gora! Pambawi man lang sa hindi ko pag aalaga sakanya noong may sakit siya dahil nasa California ako non.
"Su-sure dad, I'll do it for you and for lolo" sapilitang ngiti ko kay dad
"That's my boy" yakap saakin ni dad. Gosh BOY daw?!
After ng dramahan namin ni daddy ay nag liwaliw naman ako sa mall. Bibili na ako ng mga damit na dapat ay sinusuot ko.
Hindi ko alam at bigla akong pumasok sa J.CO bumili ako ng dalawang box para tig-isa kami ng bruhang si Denise.
Nung nakaraang araw pa kasi niya gustong kumain ng doughnuts pero dahil ayaw ko ipagamit ang mga cards ko sakanya no choice siya kundi ang mangarap nalang HAHAHAHAHA"Salamat sa doughnuts Caleb!"
Pamilyar yung boses na yon ah?! Pagtingin ko ay nakita ko ang magaling kong asawa na may kasamang fafa!
Aba ang landi ng bruhang 'to! Matapos niya akong pagsamantalahan eh makikipag landian lang sa iba?! At may pakain kain pa siya ng doughnut ah!
Bigla akong umatras at dali daling pumunta sa parking lot.
Badtrip! Sigaw ko. Mamaya saakin yang babaita na yan pag uwi niya.
Pagkauwi ko ay naligo agad ako, tinanggal ko na lahat ng mga lipstick at eyeliner ko dito sa kwarto ko. Hindi ko na dapat gamitin yan cuz I want changes! Charot
Pananamit lang ang iibahin ko 'no! But I'm still a member of LGBT community hihihi
"Okay na siguro 'tong suot ko" sabi ko sa sarili ko at tinignan ang hitsura ko sa salamin
Gosh. Hindi ako makapaniwalang suot suot ko 'to! And besides wala na akong lipstick huhuhu pero well gwapo este ang ganda pa din! Lakas maka natural beauty!
Agad akong bumaba sa sala para antayin ang bruhang si Denise dahil magtutuos kami ngayong gabi kala niya ha.
"Babe aymmmmm howwwwwwm!" Sigaw nito pagbukas palang ng pintuan namin
"San ka galing? Di ba 2:30 ang uwi nyo? It's 6:42 pm na" bungad ko kaagad sakanya
Gosh bat ang manly ng boses ko? Kadiri iwwww iwww!
Nakita ko namang namula na parang kamatis si DeniseMalakas talaga ang tama neto saakin nung una palang eh HAHAHAHAHHAHA
"Ah eh ano..."
"Che! Nakita kita kanina sa mall! May kalandian ka pa ha?! Oh ayan isaksak mo sa baga mo!" Inis kong sabi sakanya at padabog na nilapag sa mesa yung doughnuts at umakyat na sa kwarto.
Magsisinungaling pa 'tong babaita na ito eh! Mamatay sana siya dyan sa mga doughnuts na yon!
Vote//Comment// hihi
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong BAKLA
RomancePROLOGUE Denise Loii Fernandez Ay isang ulirang at mapagmahal na ate sakanyang kapatid. Dahil bata palang ay naiwan na sila ng magulang nila, naging masipag etong magtrabaho para sa ikabubuhay nilang magkapatid. Pero.... Isang lumang kasulatan ang...