(Denise Loii's P.O.V)
Maaga akong nagising ngayong araw, 5:40 am palang ngayon at agad na akong pumunta sa banyo upang mag ayos.
Pero bigla akong napatigil sa pag lalakad nung makita ko ang mala anghel sa lupa na kagwapuhan ni Jeje!
Maaga akong natulog kagabi kaya hindi ko napansing walang damit si Jeje at tanging panjamas lang!
"Mr abs.. kailan ko ba kayo mae'experience? Huhu" si Jeje lang ang nakilala kong bakla pero maalaga pa din sa katawan niya! Goooosh!Tinuon ko nalang ang pansin ko sa pagpunta sa banyo para makausad na ang buhay ko.
"Lintek! Ang hirap mamili kung anong lulutin..." naisip ko kasi na baka sawa na si Jeje sa mga niluluto ko tuwing umaga kaya nahihirapan ako huhu
Nagsimula naman akong gayahin yung chowfan ng chowking at sinabayan ko na din ng home made chicken nuggets para effort diba? HAHAHAHAHA
Mayamaya pa ay naramdaman kong pababa na si Jeje mula sa kwarto
Ang sarap lang magmura dahil ang gwapo gwapo talaga kahit bagong gising! Kaso naka bathrobe na siya ngayon at hindi na topless! Huhuhu
"Good morning babeeeee!" masiglang bati ko sakanya
"Good morning too..
Ano yang niluluto mo dyan?"
Lumapit siya saakin at sinilip kung ano ang niluluto ko"Ahh tinry kong gayahin yung chowfan ng chowking eh tas gumawa ako chicken nuggets"
"Antaray naman pala!"
"Syempre! Baka sawa kana sa mga niluluto ko tuwing umaga eh" malungkot na sabi ko naman
"Gaga! Di ako magsasawa sa mga luto mo, kasi kahit nga simpleng ulam napapasarap mo ng bongga!"
Kinilig ako don ah?!
Pagtapos kong prituhin yung nuggets kumain na agad kami ni Jeje at pinag timpla pa siya ng kape. Well, ganyan talaga pag mahal mo! Gagawin ang lahat hihi.
"By the way.. sabi ni daddy kagabi wag kanang mag aral. Siya na ang bahala sa studies mo total graduating kana diba?"
"H-ha pero sayang naman at 4months nalang naman na"
"Sundin nalang natin.
Wag ka mag alala pwede pa naman kayo magkita nung bff mong si CALEB!""Oh bat si Caleb agad?"
"Wala"
Asuuuuus! Seloso talaga pag dating kay Caleb oh! HAHAHAHAHHAHA
"This is your first day bilang my HOUSE WIFE"
Hindi na ako naka sagot sa sinabi ni Jeje! Biglang tumalon talon yung puso ko nung marinig ko yung "my HOUSE WIFE" anakngtukneneng naman oh! Umaga palang parang bung araw na yung kilig ko juice ko!
Hinalikan ako sa pisngi ni Jeje at umalis na papuntang trabaho.
Nagsimula na din akong maglinis linis dito sa bahay dahil ito ang first day ko bilang isang house wife ni Jericho Dylan Sanchez! Hihi kilig mats!
Maaga naman akong natapos sa paglilinis dahil puro labahan lang naman ang problema dito sa bahay dahil hilig magpalit lagi ng damit 'tong si Jeje!
Bigla ko namang napansin na may nag vibrate sa lamesa
"Martha pokpok is calling" naiwan ni Jeje ang phone niya! Nako naman oh.
"Hello Martha"
"Denise! Itabi mo lang yung phone ko ah? Naiwan ko pala. Ge bye" bayon?! wala malang I love you at babe manlang? Hays
Umandar nanaman ang pagka kulit ko at nabuksan ko naman agad ang phone niya! Expert talaga ako manghula ng mga password eh!
Pinuno ko ng mga selfie ko ang gallery ni Jeje! At dahil lakas ng tama ko, naisipan kong gawing wallpaper yung isang selfie ko at ginawa kong lock screen yung pinicturan ko kaninang wedding picture namin na naka display sa kwarto at dito sa sala. Sana ay hindi mabadtrip nanaman sa ginawa ko si Jeje HAHAHAH
Sinunod ko ang utos sakin na itabi nalang ang phone at nanood ng Netflix mag isa.
"I'm home" napaka manly na ng boses ni Jeje ah?
"Hiiii! Pahinga kana, you want massage?"
"No thanks gurl! Asan na phone ko?" HAHAHAHA tignan natin kung ano magiging reaskyon nito
"Ayan oh"
Ayan na, nasa kamay na niya"Aba pota! Anong kabaliwan 'to?! At wallpaper kita tas screen lock ko yung wedding pic natin ha?!"
"Aba! Pwede na yan! Para malaman nilang lahat na AKIN kana!"
"Subukan mong ibahin yan at di na kita lulutuan ng masarap! Hmp" pag iinaso ko sakanya. Sana umubra yon! Dahil alam ko naman kung gaano kamahal ni Jeje ang mga luto ko Hahahaha
"Tssss oo na. Nakuuuuuuu talaga Denise!"
Umakyat ng padabog si Jeje, ang galing ko talagang manakot kahit kelan eh Hahahaha
"Babe.."
"Hmmm?" nagbabasa ako ng libro ngayon, at ngayon ko lang din na realized na ang sweet naming dalawa! Naglalaro ng Mobile Legends si Jeje habang nakaupo at ako naman nakahiga sa hita niya habang nagbabasa. Omg diba ang sweet? Waaaaaah
"Bukas may high school reunion kami, at allowed magdala ng asawa kaya no choice isasama kita"
"Aba no choice mo to! Sige sasama ako bukas babe! Para mapakilala mo din ako sakanila diba?"
Gaya ng dating gawi, inismiran lang niya ako.
Kailangan ko maging alerto bukas! Dahil feel ko andon nanaman ang Althea na 'yon sa reunion! Sana lang ay di mag krus ang landas naming tatlo ay nako!
Vote//Comment// hihi
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong BAKLA
Любовные романыPROLOGUE Denise Loii Fernandez Ay isang ulirang at mapagmahal na ate sakanyang kapatid. Dahil bata palang ay naiwan na sila ng magulang nila, naging masipag etong magtrabaho para sa ikabubuhay nilang magkapatid. Pero.... Isang lumang kasulatan ang...