Part 15 (BITCH Day)

1.6K 39 0
                                    

(Denise Loii's P.O.V)

"Hey!" Tawag saakin ni Jeje

"Yes babe?"

"Gusto mong sumama saakin? Birthday ng beshy ko and mamaya na tayong 6pm aalis so you have to prepare na"
Agad naman akong na excite kasi ngayon palang ako yayayain ni Jeje! Kaya kahit hindi ko kilala mga makakasama namin sasama pa din ako basta't andyan ang Jeje ko!

"By the way, sa beach ang punta natin" dagdag niya at pumunta na siya sa kwarto at sinundan ko nalang

"AHA! May naisip ako!" Malakas na sabi ko.. di 'ko namalayang kasama ko nga pala si Jeje kaya narinig niya huhuhu

"Tssss crazy" yes crazy na kung crazy! Basta crazy sayo hihihi

Balak kong suotin yung bigay ni mommy na bikini, gamitin ko daw sana 'to sa honeymoon namin kung pumayag lang sana si Jeje na mag out of the country kami kaya lang hindi, so this time magagamit ko na 'tong alas ko!

I wear black ripped jeans and oversized t-shirt on top at tinirintas ko din ang buhok ko like usually kong hairstyle

Nakita ko namang naka sweat shorts at t-shirt at naka sunglasses naman 'tong asawa ko! Gosh makalaglag panty naman itoooo

"Ohhh ang gwapo mo naman lalo babe" manghang mangha na papuri ko sakanya

"Well I'm Jeje" at kinuha na ang mga gamit namin papunta sa sasakyan

"Susunduin pala natin yung tatlo kong friends ah? Isasabay natin sila kasi hindi na kasya sa isang van total naka kotse naman tayo"

"Sure no problem babe hehe"
Sabay smirk nito

Hobby na ata talaga ni Jeje ang pag smirk? Juice colored! Buti nalang gwapo siya sa lahat ng bagay! At idagdag pa ang malalim niyang dimples pag nag ssmirk siya

"Helloooooo atih girl!!!"
"Wassup Denise"
"Hey.. Denise Loii? Hehe"

Isa isang bati saakin ng tatlong kaibigan ni Jeje
Isang gay na si Martha, guy na si Cristoppe at ang girlfriend nitong si Alyssa

Nakita ko din silang pumunta noong kasal namin kaya hindi na bago sa paningin ko ang mga mukha nila, at mukhang makakasundo ko sila lalo na si Alyssa

"Hello sainyo! Nice meeting you again" bati ko din sakanila

"Kumusta naman ba 'tong friend namin sa kama Denise? Daks ba? HAHAHAHAHAH"

"Nakaka ilang gabi na kayo ha?" Tanong nina Martha at Cristoppe

Nakita ko namang namumula si Jeje sa pangangasar nila at sinamaan nito ng tingin ang dalawa HAHAHAHAHAH
Buong biyahe ay puro kwentuhan at soundtrip lang ang ginawa namin, may isang oras nalang pala ang layo ng pupuntahan namin at natulog nalang ako para more energy para mamaya HAHAHAHA

"Oyyy! Gising na, andito na tayo" rinig kong sabi ni Jeje

Sarap sa feeling na pag gising mo isang gwapong lalaki ang bubungad sayo! Juice colored lang!

Kinuha ko nalang ang mga gamit ko at sinundan si Jeje

"Okay so we're 36 lahat. Hiwalay ang room ng girls at boys ha? At sa mag asawang si Jeje, Denice, Carla, at Gelo hiwalay din kayo syempre walang forever HAHAHAHAHA" biro ng kaibigan ni Jeje na siyang may birthday

Nakakainis at hiwalay kami ng kwarto!

"Babeeeee gusto ko same room tayo uhuhuhuhu" pag mamaktol ko kay Jeje

"Manahimik ka! Ngayon lang tayo maghihiwalay ng higaan kaya PLEASE lang wag mo akong artihan gurl!"

"NOOOOOOO! Book nalang tayo ulit ng another room pleaseee" pag mamakaawa ko

"I said NO already Denise ha?! Same room kayo ni Alyssa kaya manahimik kana!" At pinisil niya ang cheeks ko at umalis na kasama sila Martha at Cristoppe

"Hayaan mo na yun! Maghiwalay naman kayo minsan HAHAHAHAH tara na sa room natin?" aniya ni Alyssa

Pagkatapos naming ilagay ang mga damit namin ay lumabas na ulit kami. Mag la'lunch daw pala muna kami bago maligo

Nilapitan ko naman agad si Jeje at nagsimula na ding kumain







"Sorry guys! I'm late na abutan ako ng traffic eh"

Halos maluwa ang mata ko nung nakita ko ang dumating

Alam kong si bruhang Althea yon! Kahit hindi ko pa siya nakikilala ay pinakita naman saakin ni mommy ang picture nilang dalawa dati ni Jeje!

Bakit inimbitahan yan dito?! Nakaka dagdag panira naman ng araw oh

Nagsibalikan nama agad kami sa kwarto pagkatapos kumain para mag bihis at
Naaalala ko pa ding kasama namin ngayon si bruha kaya kinakabahan akong landiin niya ang Jeje ko!

"Uyyy wag ka ngang tulala dyaan! Wag kang pakakabog kay Althea noh!" aniya ni Alyssa

"Oo naman! Subukan niya lang landiin asawa ko at kakalbuhin ko siya!"

"That's the spirit girl!"

Sinuot ko na agad ang bikini na bigay saakin, color black ito na may design ng cactus saktong sakto 'to kay Althea! And nagsuot nalang din ako ng maong shorts at binuksa bahagya ang zipper nito para intense diba?!

"Wow palaban din!"

"Syempre naman noh" sagot ko kay Alyssa

Excited na akong akitin nanaman si Jeje sa suot ko, malay natin mag book na siya ng sarili naming kwarto at dito na gumawa ng babies na made in batangas HAHAHAHAHA

"Ano ba namang suot mo?" Inis na tanong ni Jeje

"Malamang nasa magandang BEACH tayo, kaya dapat lang na ganto suot ko" pag didiin ko sa salitang BEACH sabay tingin kay Althea

Hinila ko nalang agad si Jeje papunta sakanila Alyssa dahil nandon karamihan ang mga couple

"Ano bang trip mo? At pati pag iihi ako eh dapat kasama pa kita?" Inis na tanong ni Jeje

"Andito ang ahas! Kaya dapat lang na bantayan ko ang ASAWA ko right?"

"Nako Denise, nababaliw ka nanaman ah"

Niyaya ako ni Martha bumili ng mga souvenirs sa isang shop malapit sa tinutuluyan namin, hindi niya daw kasi mahagilap sila Alyssa kaya ako nalang ang sinama niya.. iniwan kong kumakain si Jeje na mag isa lang kaya medyo panatag akong iwan muna siya

"Ikaw atih girl hindi kaba bibili? Aniya ni Martha

"Ahh hindi na, nasa bag ni Jeje ang pera ko eh"

Kahit sa totoo eh wala naman talaga akong pera, dahil lagi kong ginagamit ay ang card ni Jeje hmp!

Bumalik na si Martha sa room nila at ako nalang ang mag isa, pupuntahan ko na sana si Jeje nang may makita akong nakaka init ng dugo!

"Masaya na kayo niyan? At ikaw? Masaya naman ba?" Mataray kong sabi sakanila Jeje at Althea

Naabutan ko sila tumutungga ng San Mig Lights at nagtatawanan pa!

"Oo naman, wanna join?"

Aba pokesa 'tong Althea na 'to!

Agad ko namang sinamaan ng tingin si Jeje na kinagulat niya

"No thanks! Matutulog nalang ako" sagot ko sakaniya

Tang@$&_! Nakakainis! Madaling madali pa naman ako kanina kasama si Martha tapos maaabutan kong nag iinuman at nagtatawanan lang sila?!

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto namin ni Alyssa pero nakarinig ako ng pamilyar na boses

"Babe! Teka lang!"

Vote//Comment// hihi

Ang Asawa kong BAKLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon