"Sir pinapasabi po ng mommy niyo na andyan na daw po sila sa sala" Sabi saakin ng isa sa katulong namin dito sa mansion na 'to!
Kalerkey naman itey! Andyaan na sila madir at noong palakang babae na iyon! Grrrr!Nagbihis ako ng maayos na t-shirt dahil ayoko makita ng impaktitang yon ang sexy body ko dahil kakatapos ko lang mag pushups sa room ko.
"Oh anak andyaan ka na pala!" Hinalikan ko si mom sa pisngi sabay smirk sa babaeng kasama nya
"Je, siya si Denise Loii Fernandez, ang babaeng papakasalan mo" tuwang tuwa na sabi ni madir! Grabe na 'to! Andaming gerlalu sa earth bat bakit mukhang impakta naman mapapangasawa ko?! Well, Mas dyosa pa din ako at hindi ako pakakabog!
"Oh ano? Bat ka naka nganga? Gwapong gwapo ka ba ha?!" Pag mamataray ko sa impakta
"Wow! Ang gwapo at hot mo! Kahit naka shorts at t-shirt ka lang partida ang gwapo! Ahhhhh!" Tili niya.
"Pwede ba?! Wag mo akong titigan at tumataas ang mga balahibo ko!" Pag mamataray ko ulit. Grabe naman kasi nakakairita tong babae na to! Hays nang gigigil talaga mygosh!
Anyways, akez pala si Jericho Dylan Sanchez 24 years old at inborn ang kadyosahan pak! My friends always called me "Jeje" at nakasanayan ko na siya ever since kaya di na ako sanay na ginagamit ang real name ko cuz it's so panlalaki and I don't want it! Ewwwwwwie!
Alam ko na 'tong kaganapan na 'to, bata pa lang akez lagi na akong sinasabihan ni papang about sa arranged marriage kineme na itey! Kung mamalasin naman talaga! Bat kasi hindi nalang ako naging babae?! At bakit hindi kasi nag asawa itong si tito na kuya ni madir kaya ako tuloy ang naging representative sa kasalang itey!Kaya pala tanggap nila ang pag sanib ko sa kapatiran ni Lady Gaga dahil alam nila sa bandang huli sa babae pa din ang bagsak ko?!
Naiimbyerna ako! need ko ng fresh air I need to go outside agad agad grrr!
Vote//Comment// hihi
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong BAKLA
RomancePROLOGUE Denise Loii Fernandez Ay isang ulirang at mapagmahal na ate sakanyang kapatid. Dahil bata palang ay naiwan na sila ng magulang nila, naging masipag etong magtrabaho para sa ikabubuhay nilang magkapatid. Pero.... Isang lumang kasulatan ang...