Part 13(Curious Cat)

1.7K 39 0
                                    

Kasalukuyan akong nandito sa dating bahay ni Jeje sa mansion nila.

Inimbitahan kasi ako ni Mommy na doon nalang ako mag lunch sakanila total ay maagang pumasok si Jeje.

"Nagustuhan mo ba ang ulam Denise?" Tanong nito
"Opo naman! Matagal na din akong huling naka kain ng carbonara hehehe"

Sa totoo lang kaya din ako pumayag na kumain dito ay gusto kong magtanong kay mommy Danica yung tungkol sa ex-girlfriend ng asawa ko.

"Ahmmm mo-mommy.. pwede po bang magtanong ako? About po kay Jeje.." nahihiya kong sabi sakanya

"Sure ija, ano ba yon?"

"Mommy, kaya po ba naging gwapong bakla si Jeje ay dahil sa nangyari sakanila ng ex-girlfriend niya?" Gosh! Sana alam niya ang kwento dahil gusto ko na talaga malaman eh HAHAHAHAHHAHA

"Oo tama ka. First girlfriend ni Jeje si Althea, naging sila noong 2nd year highschool silang dalawa. Ang pagkakaalam ko mahal na mahal siya ng anak ko pero nung college na sila, nalaman ni Jeje na niloloko siya ni Althea dahil may boyfriend itong isa na nasa America at balak din ni Althea na pumunta at doon nalang din mag aral sa America kasama ang isa pa niyang boyfriend"

Bigla akong nasaktan.. ewan ko ba bigla kong nilagay ang sarili ko sa sitwasyon non ni Jeje. Paano kung saakin mangyari yon? Kaya siguro siya naging bakla dahil sobra siyang nasaktan sa ginawa sakanya nung Althea na yon!

"Kahit anong pagmamakaawa ni Jeje kay Althea hindi pa din siya nito ang pinili. Yon din ang dahilan ng pag rebelde ni Jeje noon at sumanib sa kapatiran ng kabaklaan" dagdag nito
"Kaya sana Denise, kung mamahalin mo si Jeje, lagi mo itong iparamdam sakaniya. Malay natin bumalik ang tiwala niyang magmahal ulit ng babae"

Bigla akong napatulala sa huling sinabi ni mommy... dapat iparamdam at ipakita ko lang sa Asawa ko na mahal ko siya para mahalin niya din ako hihi

"Opo! Ako na pong bahala mommy!" Masayang sagot ko sakaniya

"Mabuti yan! At dalian nyo nang gumawa ng anak at excited na kami! Kaya dapat mag anak ka lang ng mag anak ha? Hehehe"

Ano ako? Baby factory?! HAHAHAHAH

Iniwan na ako ni mommy dahil may aasikasuhin pa daw siyang mga papeles. Naglibot libot nalang muna ako dito sa mansion na 'to.

Bigla kong nakita sa bungad ng bahay na 'to yung napaka laking family picture nila Jeje.
Lumapit ako para makita ng maayos.

"Woooooow! Ang ganda naman, kamukhang kamukha ni Jeje"

Hindi ko pa kasi nakikita yung ate ni Jeje dahil nasa California na ito naninirahan kasama ang pamilya nito pero sabi ni Jeje ngayong taon daw ay babalik ng bansa ang ate niya tumulong sa mga negosyo nila.

Kung titignan mong mabuti ay parang mag kambal si Jeje at ang ate niya, halos magkamuka talaga sila tila ba girl version ito ni Jeje. Ngayon ko lang nalaman na Jeremiah Danei Sanchez Andersen pala ang pangalan nito.

Excited na akong makilala siya! Sana ay kasing bait niya din sila mommy at daddy.

Pagkatapos kong puntahan si mommy sa office room niya ay umuwi na din ako. Wala naman akong pasok ngayon at maglalaba nalang ako sa bahay.

"Grrr nakakapagod talaga maglaba! Makahilata nalang nga!" Halos tatlong oras ang paglalaba ko sa sobrang dami ng damit ni Jeje! Sa isang araw ba naman ilang beses siya nagpapalit dinaig pa ako.

"Hey! Buksan mo!" Nakauwi na pala ang babe ko hihi!

"I miss youuuuu" bungad ko sakaniya matapos ko siyang pagbuksan

"Bat parang pagod na pagod ka girl?" Tanong nito

"Naglaba lang naman ako noh!"

"Antaray naman! Don't worry akiz nalang magluluto leytoooor" kinilig naman ako sa sinabi niya. Para kasing normal kaming mag asawa at hati sa mga gawaing bahay hihihi

"Para ka nanamang baliw! Mag isang ngumingisi" pag tataray nanaman niya

Umakyat na si Jeje agad sa kwarto magpapahinga na siguro siya dahil 13 hrs siyang nasa trabaho. Kawawa naman ang hubby ko :<

*kriiiiing* *kriiiiing*

"Sino naman kayang tatawag saamin?!" Inis na sabi ko at sinagot ang tawag

"Hello?" Sabi ko sa linya ng telepono

"Hi, can I talk to Mr. Jericho Sanchez?"

"Wait lang po, tatawagin ko lang"

"But wait- who are you pala?" Nagtatakang tanong niya. Sa pagkakaalam ko ay babae 'tong kausap ko at sino naman kaya 'to?!

"I'm the beautiful and sexy wife of Jericho" at hindi ko na pinakinggan ang sagot niya dahil tinawag ko na si Jeje

"Baaaaaaaabe! Jeje! May naghahanap sayo!" Sigaw ko

"Tekaaaa lang eto na!"

Pinapanood ko lang si Jeje na na may kausap sa telepono.. pero bigla akong nanigas sa narinig ko

"Bat ka napatawag Althea?"

Althea? Diba siya yung sinabi ni mommy kanina saakin na ex girlfriend niya?

Napakagat nalang ako ng labi at umakyat nalang sa taas. Ayoko marinig ang pag uusap nila. At hindi pwede angkinin ng Althea na yan ang asawa ko!

Vote//Comment// hihi

Ang Asawa kong BAKLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon