(Jeje's P.O.V)
"Siiiiis may chika ako!"
Andito ako ngayon sa office ko, at bunganga lang naman ni Martha ang bumungad sakin.
"Ano nanaman yon? Dalian mo tambak ako ng pipirmahang papeles"
Umuwi kasi kaagad kayo nung reunion eh!"
"Tapos?"
"Sinabi ni Althea na babalik na siya sa states kasi 3 weeks preggy siya dai!"
Althea lang pala! Kala ko importante.
"Yun lang?"
"Inamin niya ding balak sana niyang agawin ka kay Denise, kaya buti nalang at wala na siya dito! Kaloka si ateng!"
Kapal naman talaga ng mukha
niya para gawin yon"Wala akong pakialam kung matuloy man ang plano nya. As if naman magpapa agaw ako at papayag si Denise na agawin niya 'ko noh!"
"Hep hep! Teka nga lang..."
Parang tanga si Martha na tinitignan ako mula ulo hanggang paa..
"Bat parang iba suot mo? Bat par----"
"Tanga! Ganto naman talaga lagi kong suot pag papasok"
"I mean iba na ang tindig mo sa suot mo sis! Lalaki kana ba ulit?"
And boom! Martha got me
"I... I think so"
"Kyaaaaaaaaaaaaah!!!!! Nag balik loob kana ulit sis! Omg what a great great news!"
Napatawa nalang ako sa reaksiyon ni Martha na kulang nalang magpakain sa buong kumpanya
At alam kong kakalat to kila mommy at ate na nasa California pa din until now.. sakit sa ulo din ni Martha!
"Sir Jericho line 4 po kay Ma'am Jeremiah"
Agad akong nagulat dahil bat tatawag ang ate?
Pinindot ko agad ang #4 kahit nagtataka pa din ako
"I missed you deaaaar!" It's been a while since huli kaming nag usap ni ate. She's always busy with her kids kasi
"I missed you more ate miah!"
"Awwww. Anyways mamaya na ang flight namin nila Dad. Can you fetch us? With your wife?"
Eto na ata ang time para ma'meet ni Denise si ate na matagal na niyang gusto makausap. And good thing ate is back. May katulong na din ako dito sa company namin na nakaka stress na din
Pagtapos naming mag usap ni ate tumawag naman ako sa bahay para masabihan ko si Denise na aalis kami.
"Hello Babe!" Masiglang sagot niya. I miss her voice agad
"Wag kana magluto mamaya. May susunduin tayo sa airport"
"Sino naman babe?"
"Sila mom at ate. 14 hours ang byahe kaya pag uwi ko alis na agad tayo"
"Waaaaaaw! Mame'meet ko na din si ate Jerimiah juice ko!"
"Yeah yeah. Don't ware sexy thing ah? Bye muah"
Hilig kasi magsot ng sexy, naaakit tuloy ako lagi hmmmp.
Sinimulan ko na ang trabaho kong pirmahan ang mga tambak na papeles dito at didiretso na ako sa board meeting.
I'm the new CEO of Sanchez Corporation
Buhay CEO! Ang challenging!
Dati pinipilit ko lang gawin tong trabaho ko, pero ngayon I'm starting to loving it! Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko para sa company namin.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong BAKLA
RomancePROLOGUE Denise Loii Fernandez Ay isang ulirang at mapagmahal na ate sakanyang kapatid. Dahil bata palang ay naiwan na sila ng magulang nila, naging masipag etong magtrabaho para sa ikabubuhay nilang magkapatid. Pero.... Isang lumang kasulatan ang...