Dumiretso agad ako sa ospital kung saan naka-confine ang Lolo ko.
"Kamusta si Lolo?" Pagtatanong ko sa tiyuhin ko na si Ely. Nagiisang anak lang si Mama, kaya naman nang matagpuan ni Lolo si Ely, inampon niya ito.
Matanda si Ely sa akin ng limang taon. 24 years old na siya pero hindi na ako nangongopo sa kanya dahil magkalaro kami ng mga bata pa kami.
Nakita siya ni Lolo na nakahiga sa tabi ng kalsada at sumasakit ang tiyan. Siya raw ay nawawala, at hindi na nahanap pa ng kanyang mga magulang. Pagkatapos noon, inayos ni Lolo ang mga papel ni Ely at legal niya itong inampon. Kaya siya ay lumalabas na tiyuhin ko, pero hindi ko siya itinuring na tiyuhin. Okay lang naman iyon para kay Lolo at Mama.
Mabait at tahimik lang na lumaki si Ely, mapagmalasakit. Nakuha niya lahat ng katangian ni Lolo. At ang kanyang mga magulang? Hindi namin alam, hindi namin nahanap. Pakiramdam namin ay iniwan talaga siya roon at wala nang planong balikan.
"Hindi pa rin siya nagigising, pero sabi ng doktor magiging maayos na raw siya." May punto ang pagsasalita ni Ely na dati ay pinagkakatuwaan namin. May punto rin ako dati pero nang lumipat kami sa Maynila ni Mama, natanggal ko iyon.
Napakapayapa ng mukha ni Lolo, at kitang kita na sa kanya ang bahid ng katandaan. Mapayat, maputi na ang buhok, at kulubot na mga balat. Naupo ako sa tabi niya, at hinawakan ko ang kanyang kamay na puro kalyo dahil sa pagsasaka. Hinalikan ko siya sa noo. Stable ang kanyang paghinga at wala namang nakalagay sa kanya na kahit ano bukod sa dextrose.
"Katulad ng dati, pinipilit pa rin nilang papirmahin si Itay sa kasunduan na ibinebenta na niya ang lupa. Tumaas ang presyon niya kaya siya inatake sa puso. Nagulat ang mga Ardante sa nangyari, tumawag lang sila ng ambulansya dahil ayaw nilang sila ang maghatid kay Itay sa ospital dahil alam nilang magiging usap-usapan iyon ng mga tao. Mga walang hiya sila, Lara. Sinisigawan nila si Itay, para kaming basurang itinataboy sa sarili naming lupa. Kung may laban lang tayo sa kanila, kung marami tayong impluwensya at pera.. hindi nila tayo kukulitin."
Halos mangilid ang luha ni Ely sa kanyang mga sinasabi, yinakap ko siya.
"Ely, may hihingin akong pabor sa iyo." Pabulong ko sa kanyang sinabi kahit na alam kong hindi pa nagigising ang aking Lolo at kaming dalawa lang naman ang tao sa kwarto na iyon.
"Parang nakakatakot yang hihingin mong pabor.." Siguro ay kitang kita sa mga mata ko ang galit.
"Isali mo ako sa Kapit-Bisig."
Napakunot siya ng noo at nanlaki ang kanyang mga mata.
"Ano?!" Halos maisigaw niya ang pagtatanong niya ng ano sa akin.
"Hindi ba may kaibigan ka sa Kapit-Bisig? Isali mo ako."
"Ano bang pinagsasasabi mo, Lara? Naririnig mo ba ang sarili mo? Alam mong mga aktibista ang Kapit-Bisig. Alam mong delikado ang mga ginagawa roon."
"Aktibista? Ipinaglalaban lang nila kung ano ang tama. Gustong kong ipaglaban kung ano ang tama. Gusto kong ipaglaban si Lolo, sa nangyari sa kanya hindi na ako mananahimik pa."
"Alam ba yan ni Ate? Alam ba niyang gagawain mo yan? Lara, baka nabibigla ka lang dahil sa mga nangyari. Kumalma ka muna."
"Hindi mo na kailangan pang sabihin kay Mama. Kung ayaw mo akong ipakausap sa kaibigan mo, ako na lang mismo ang hahanap ng paraan." Kinuha ko ang backpack ko saka tumalikod sa kanya. Bago pa man ako makalabas ng pinto, nagsalita siya.
"Hindi mo sila mahahanap at hindi kita ilalapit sa peligro. Pasensya ka na."
"Pwes, ako ang maglalapit sa sarili ko sa peligro."
BINABASA MO ANG
Bukas, Baka Pwede Na (Under Major Revision)
Romance"Oh shit. I am in love with my professor." She said it out loud but she couldn't hear it. Her heart beat was louder. Lara Del Rosario was alarmed when her Lolo had a heart attack because Ramon Ardante, which is the Governor of their town went in th...
