Ponytail

27 2 0
                                        

Ang weird lang sa pakiramdam, iyong maramdaman mo ang hindi mo dapat maramdaman. Gulo ko ba? 

Nakaupo ako sa may garden ng school. Hindi na ako nakapasok sa klase ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Parang sasabog na ang utak ko. Magulo rin ang buhok ko. Hindi ko alam saan ko naiwan ang panali ko, natanggal ba iyon sa kakatakbo ko.

"Dahil ako ang babaeng iyon."

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya, at tumayo ako bigla. Maling mali. Hindi dapat ito.

"L-Lara.." Nagaalala ang tono ng boses niya. "Sorry." Umupo siya mula sa pagkakahiga niya.

"Iisipin ko na lang na hindi nangyari ito, Sir Karlo." Nalungkot ang mga mata niya nang tawagin ko siyang Sir. Kumirot din ang puso ko. Alam ko hindi ko siya dapat sinasaktan ng ganito, pero hindi pwede. Maling maramdaman niya iyon sa akin. Magkaibigan.. hindi ko masabing kaibigan ko siya dahil madalas kaming mag away, hindi ko rin maintindihan ang pakikitungo niya sa akin. Minsan okay kami, madalas hindi. 

"Itetext ko na lang si Kiko para malaman nilang okay ka."

Nakayuko lang siya, napakalungkot niya. Gusto kong mag stay at i-comfort siya, pero bakit pa? Ang sama ko, hindi ko man lang naisip si Christian, hindi ko man lang naisip ang mararamdaman niya. 

Once na umalis ako rito, alam kong hindi na kami babalik sa dati.

Nalungkot ako. Para akong dinudurog. 

"Lara.." Bulong niya, para bang pinipigilan niya ako.

"Magpapanggap akong hindi ito nangyari, huwag kang magalala." Ngumiti ako sa kanya.

"Hindi ko inaalala ang trabaho ko." Sabi niya saka ngumiti rin sa akin. "Salamat sa pagpunta mo rito. Salamat." Tumulo ang luha niya. 

HALA, ang sakit. Bakit ang sakit? Bakit ayaw kong magpaalam? Bakit ayaw kong umalis? 

Halos kaladkarin ko ang sarili ko palabas ng apartment niya. 

Ayaw kong umalis pero kailangan.

Tumulo rin ang mga luha ko. Bakit ako umiiyak? Para akong nakipagbreak. Hindi ko mapigilan, nasasaktan ako. Pinili kong umuwi na lang.

-----

"Kanina pa yan natutulog. Paguwi pa lang, dumiretso na agad yan sa kama niya. Ni hindi nga humalik sa akin pagdating." Sabi ni Mama pagbukas niya ng pinto ng kwarto ko. Nakatalikod ako habang nakapikit at nakahiga, para hindi makita ni Mama na umiiyak ako. Si Christian panigurado ang kausap niya, dahil pabango pa lang alam ko na. Hindi ko hinahawakan ang phone ko kapag uwi ko kaya hindi ko nakita ang mga text niya.

Palihim kong pinunasan ang luha ko, saka ako pumikit uli. Para kung sakaling silipin man ako ni Christian ay makita niyang tulog ako. Hindi ko rin naman maipapaliwanag sa kanya ang nararamdaman ko. Ano naman sasabihin ko? Umamin sa akin ang professor ko, nireject ko siya dahil hindi pwedeng maging kami tapos nasaktan din ako nang umiyak siya. Duh!

"May nangyari po ba kanina?" Tanong ni Christian kay Mama.

"Hindi ko alam pero matamlay na siya pagdating. Wala ba siyang nabanggit sayo?"

"Huling usap po namin kanina pang umaga, hindi po kasi siya nagrereply. Inisip ko baka nasa klase siya." 

"Subukan mong gisingin, ikaw nang bahala." 

"Sige po Tita." Narinig kong isinara na ni Mama ang pinto.

Hindi ako handa na harapin si Christian pero gusto ko siyang yakapin.

Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama.

"Babe.. Babe.." Tinapik tapik niya ako sa balikat.

Hindi ko alam kung haharap ba ako sa kanya nang maga ang mata ko. 

"Babe.. Nakauwi na ako. Dumiretso ako agad dito." Bulong niya sa akin. Dahan dahan akong humarap sa kanya.

"Umiyak ka ba?" Kumunot ang noo niya.

Umiling ako pero mukhang halata naman.

"Anong nangyari? May nangyari ba?"

Umiling lang ako saka ako yumakap sa kanya ng mahigpit, then i had a mental breakdown. Humagulgol ako habang nakayakap sa kanya.

"Miss lang kita, babe." Sabi ko habang umiiyak.

"Hindi nga? Babe!" Yinakap niya rin ako ng mahigpit.

"Miss lang talaga kita, babe. Ang tagal mong wala." Sana hindi na ako pumunta doon. Sana hindi ko siya nasaktan. 

Natawa siya. 

"Ang babe ko talaga nagdadrama pala." Hinimas niya ang likod ko. I really find comfort with him. Gumaan ang pakiramdam ko. Naramdaman kong tama ang desisyon ko.

"Sshh tahan na. Nandito na ako." Hinalikan niya ako sa noo, saka pinunasan ang luha ko.

"Wag ka na ulit aalis." Sabi ko sa kanya. 

"Hindi na." Ngumiti siya sa akin. Saka niya ako hinalikan sa labi, nawala lahat ng nararamdaman kong sakit.

-----

Nasa labas lang ako ng classroom, ano ba papasok ba ako? Ano,  ibabagsak ko na naman ang Filipino? Una, dahil madami akong absent. Ngayon, dahil umamin sa akin ang professor ko. Bakit? Bakit ba ako umiiwas? Siya nga ang dapat mahiya!

Papasok na dapat ako, kaya lang umatras ako. May nabunggo ako sa likod. 

Pag tingin ko, siya.

Si Sir Karlo.

Nanlaki ang mga mata ko. Napangiti siya, iyon bang cute na ngiti. Yung ngiting ako lang ang nakakapansin.

"Pumasok ka na, Lara. Hindi ako nangangagat." Tumawa siya ng bahagya, saka pumasok sa classroom. Ang pula ng mukha ko, alam kong mapula ang mukha ko. 

Kahapon lang, umiyak siya. Ngayon, sobra makangiti. Bakit ba ako pa naiilang? E siya naman ang may feelings sa akin.

Nakayuko akong pumasok. Hindi ko siya tinitignan. Paano kaya ako makikinig kung hindi ko siya titignan? 

Nagtuturo siya ng matiwasay, bakit ba parang ako lang ang apektado? Ano ba ineexpect mo, Lara? Na hindi siya papasok dahil sayo? Gandang ganda ka naman sa sarili mo!

Nang matapos na ang klase, isang malaking relief para sa akin. Akala ko ba aarte ako na walang nangyaring ganoon? Hindi ako papasa bilang best actress.

Niligpit ko na ang mga gamit ko. Nagtama ang mga mata namin ni Sir Karlo. 

Ngumiti siya sa akin, hindi ko mapigilang hindi ngumiti pabalik. 

Huwag mo akong akitin, Sir Karlo. Huwag kang ngingiti ng ganyan. Tinignan ko ang cellphone ko nakita ko na may text si Christian, siya na lang daw ang pupunta rito sa classroom para sabay na kami kumain. Kain na naman. 

Lumabas na ako ng classroom, nagliligpit pa si Sir Karlo ng gamit niya sa loob at may iilan pa akong kaklase na nagstay pa doon. 

Hinihintay ko si Christian sa tapat ng classroom namin. Mas malapit kasi dito sa building namin ang canteen. Ang tagal niya, nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Lumabas na rin si Sir Karlo, pero huminto siya sa harapan ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko, amoy na amoy ko na naman ang cologne niya.

"May naiwan ka." May kinuha siya sa bulsa niya. Panali ko iyon sa buhok. Hindi ko napansin na natanggal iyon nang hilahin niya ako para yakapin habang nakahiga kami. 

HAY! Naalala ko na naman. Sobrang pula na ng mukha ko.

Iniabot niya iyon sa akin, saka ngumiti.

"Bakit nasa kanya ang panali mo?"Nakakatakot ang boses na iyon, para akong nanginig.

I saw Christian, glaring at us.

*****

Bukas, Baka Pwede Na (Under Major Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon