K A R L O
Ang lakas ng loob kong yayain siya ng date. Ngunit magsisisi ako kung hindi ko bibigyan ng pagkakataon ang sarili ko na makasama siya kahit sa araw lang.
Sabi ko sa sarili nung araw na inaalagaan niya ako nung may sakit ako, palalayain ko na siya. Palalayain ko na ang sarili ko sa nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko na siya guguluhin dahil may karelasyon na siya at nakikita ko namang mahal niya ang lalaking iyon.
Ngunit.. nakikita ko rin, tuwing tinitignan niya ako sa mga mata ko ay parehas lang kami ng nararamdaman sa isa't isa.
Magulo. Sobrang gulo.
Isang malaking misteryo pa rin ang pakiramdam na ito. Saan. Kailan. Paano. Bakit.
Lahat ng mga katanungan nasa isip ko. Isasantabi ko muna ito dahil nandito siya sa tabi ko. Nakahawak sa aking braso. Nakangiti sa akin. Gusto kong hilingin na sana 48 hours ang bumubuo sa isang araw para kasama ko pa rin siya bukas.
Ang ganda niya. Sobrang ganda niya. Nakabestida siya at nakaheels pa. Pinaghandaan niya ang araw na ito. Paano ko kaya siya pakakawalan ng ganito?
"Ano naman kayang mayroon sa mundo mo? Excited na ako." Ngumiti siya ng napakaganda. Well, maganda naman talaga siya kahit anong ngiti pa ang gawain niya.
"Huwag ka masyadong mag expect. Hindi tayo sa mamahaling restaurant pupunta. Hindi rin sa kung ano mang ineexpect mong date."
Tumagilid ang kanyang ulo na tila ba siya ay nagtataka, ngunit ngumiti rin agad.
"Kahit saan pa iyan, okay lang. Excited pa rin ako." Napangiti ako sa sinabi niya.
Naglakad kami sa isang bakanteng lote kung saan nakaparada ang kotse ko. Nakatakip lang iyon dahil hindi ko naman ginagamit.
Nakita ko na nagulat siya sa nakita niya pero hindi siya nagsalita.
"Oo may kotse ako. Hindi ko lang ginagamit. Mahal din ang gas." Ngumiti ako sa kanya ngunit puno pa rin ng pagtataka ang kanyang mukha.
Tinanggal ko ang cover ng kotse saka ko binuksan iyon. Pinagbuksan ko siya ng pinto saka ako sumenyas na sumakay na siya.
Para siyang naging estatwa sa kinatatayuan niya. Ano kaya ang problema niya?
L A R A
Kahit sino naman ay pwedeng magkaroon ng kotse. Pero si Sir Karlo ay may kotse? Hindi basta kotse, sports car. Legit na sports car. Seryoso ba? Nagcocommute siya lagi. Tinitiis niya ang siksikan sa bus tapos may kotse naman pala siya.
Naalala ko rin ang jacket na pinahiram niya sa akin. Mamahalin iyon sabi ni Mama. May nabubuong ideya sa isip ko na ayaw kong bigyan ng pansin. Ang pagkakakilala ko sa kanya ay simple lang ang pamumuhay at independent na tao. Tuna sandwich ang panawid gutom at lider ng isang samahan kung saan pinaglalaban ang tama at pinaglalaban ang mga karapatan ng mga tao.
Pero... Sir Karlo.. sino ka ba talaga?
"Lara.." Tawag niya sa akin. Nasemento na yata ang paa ko sa kinatatayuan ko. Nagising ako bigla sa mga iniisip ko. Hindi, hindi mali ito. Bakit ko ba iyon iniisip? E ano naman kung mamahalin ang mga gamit niya? Hindi ko pa naman siya kilala talaga.
"A-Ah.. Sasakay na." Ngumiti ako sa kanya pero puno ng pagtataka ang isip ko. Hay ewan! Isasantabi ko muna ang mga iniisip ko. Kailangan magkalinawan na talaga kaming dalawa. Ano ba talagang nangyayari at nagkakagusto siya sa akin?
Pagkasakay namin. Pinatugtog niya ang Passenger Seat by Stephen Speaks.
Tumingin siya sa akin saka ngumiti. Ang gwapo niya.
Hindi lang dahil gwapo siya physically. Ang gwapo niya dahil kahit ang cold niya makitungo alam kong napakabuti niyang tao. Ang gwapo niya dahil kaya niyang ipaglaban kung ano ang tama. Ang gwapo niya kasi ang gentleman niya. Sandali nga, bakit ko iniisip na ang gwapo niya? Gumising ka nga, Lara. Bakit ka ba talaga nandito?
Sinabayan niya ang kanta saka ngumiti ulit sa akin. Para akong lumulutang sa saya. Nasa kotse lang kami, nakikinig sa music pero bakit ba pakiramdam ko hawak ko ang mundo. Bakit sobrang saya ko? Umiwas ako ng tingin sa kanya, saka napailing. MALI. Mali ito.
Ang haba ng binagtas namin para makarating lang sa lugar na ito. Isang bangin, tanaw ang buong Nueva Ecija. Ang ganda. Ang hangin. Ang aliwalas ng paligid. Nauna akong bumaba, tumayo siya sa tabi ko.
"Pumupunta ako rito kapag hindi ko na kaya ang bigat ng mundo. Ngayon, pumunta ako rito dahil sobrang saya ko. Sa sobrang saya ko, gusto ko hawakan ang kamay mo."
Parang halos mawalan ako ng hininga sa sinabi niya. Bakit parang sasabog ang dibdib ko sa mga sinasabi niya? No, no, wait. Kailangan ko na sabihin kung ano ang pinunta ko rito.
Hindi ako ngumiti sa kanya saka tumingin ng diretso sa mga mata niya.
"Sumama ako rito para linawin sayo ang lahat, Sir Karlo. May boyfriend na ako. Mahal ko si Christian. Gusto ko sanang tigilan mo na itong kalokohang ito. Hindi ko alam bakit ka nagkagusto sa akin, hindi ko na gustong alamin pa. Sana naiintindihan mo."
Nakita ko sa mga mata niyang nasaktan siya, expected ko na iyon.
Tumango siya.
"Alam kong mali ako, Lara." Yumuko siya sandali saka tumingin ulit sa akin. "Pero nakita kita ulit. Hindi ko mapigilan ang sarili ko."
Anong ibig niyang sabihin? What the heck? Napakunot ako ng noo. Stalker ba siya? Bakit ang creepy niya? Natakot ako bigla.
"15 years old ako noon, nakaupo ako sa swing sa playground. May batang nagsabi sa akin 'lagi kang malungkot. Wala ka bang kalaro? Gusto mo laro tayo? Kaso pupunta na kami sa Maynila e. Gusto mo sumama ka na lang sa amin?' Tinanong ko siya pabalik, 'Bakit? Lagi mo ba akong tinitingnan para malaman mong malungkot ako palagi?' Ngumiti siya sa akin. 'Ikaw lang ang pogi dito, saka 'yung mukha mo laging lukot, minsan umiiyak ka pa.' First time kong tumawa noon, tawang totoo. 8 years old lang ang batang iyon, at sobrang cute. Lagi ko rin siyang nakikitang naglalaro sa playground na iyon pero wala ako hulog makipagkaibigan noon. Nagulat talaga ako ng nilapitan niya ako. Siguro dahil aalis na siya o baka crush niya ako."
Tumingin sa akin si Karlo saka ngumiti. I don't like where this is going. I feel bad about this.
"Ang huling sabi sa akin ng batang iyon bago siya tawagin ng nanay niya, 'Kapag nahanap mo ako sa Maynila, ligawan mo ako ha? Sasagutin kita agad, para maging masaya ka na.' Tumango lang ako saka ngumiti sa kanya. Pinagtanong ko kung sino ang batang iyon, nalaman ko ang pangalan mo at umalis na nga kayo papuntang Maynila. Nang magtrabaho ako sa University, naging estudyante kita. Hinding hindi ko makakalimutan ang pangalan mo, Lara. Simulan nun, hindi ka na maalis sa isip ko. Hanggang sa sumali sa samahan, doon na lumalim ang nararamdaman ko sayo."
"H-Hindi ko matandaan... Wala akong naaalala. Kaya pala tinanong mo ako sa klase kung hindi ba kita naaalala." Umiling ako. This is surreal. Did I really met him before?
"Alam ko. Okay lang. Ako ang mali rito. Gagraduate ka na this year, gusto ko lang makilala mo ako. Pasensya na, Lara." He gave me a sad smile.
"I-I'll just pretend that this never happened." Ang awkward nito grabe.
"Kung iyon ang gusto mo, Lara. Alam ko sobra ito para hilingin ko pero bago tayo bumalik sa Manila, okay lang bang makasama kita ngayong araw bilang kaibigan? Sayang naman ang araw natin pareho kung babalik na tayo agad. Please?"
Bakit ba kapag tinititigan niya ako ng ganoon, hindi na ako makatanggi sa kanya? Tutal malinaw na rin naman ang lahat kahit ba para akong lumulutang sa mga sinabi niya, tumango ako.
"Okay, let's hang out. Sayang outfit ko."
*****
BINABASA MO ANG
Bukas, Baka Pwede Na (Under Major Revision)
Romansa"Oh shit. I am in love with my professor." She said it out loud but she couldn't hear it. Her heart beat was louder. Lara Del Rosario was alarmed when her Lolo had a heart attack because Ramon Ardante, which is the Governor of their town went in th...
