Me vs. My Ego

40 2 0
                                        

Wait. Wait. Wait. Recap nga tayo. *insert rewind sound*

Tumawag ang Mama ko sa'kin, dahil inatake ang lolo ko dahil sa mga Ardante. Nagulat ako at the same time nagalit, kaya nagmadali akong umuwi ng Nueva Ecija. Gusto kong labanan ang mga Ardante, kaya pumunta ako sa bahay ng kaibigan ni Ely, na si Kiko, na miyembro ng Kapit-Bisig.. pero ang endpoint nagpaka-spy ako at sinundan ko siya, nahuli niya ako. Desidido kong sinabi na sasali ako ng Kapit-Bisig na isang samahan ng mga aktibista at itinuturing na rebelde ng aming lugar. Dinala niya ako sa lungga nila para sa approval ng supremo nila sa aking pagsali.. at ang lider nila o ang tinatawag nilang Supremo ay si..

Si Sir Karlo?!

Teka lang namamalikmata ba ako? Paanong ang professor ko sa Filipino, na nakakabwisit, na kakapahiya lang sa akin, na back subject ko ay ang Supremo ng Kapit-Bisig? Napakaliit naman yata ng mundo. Seryoso ba 'to?

Nakita ko na nagulat siya, pero pilit niyang tinago iyon lalo na kay Kiko.

"Magkakilala kayo, Supremo?" Pagtatakang tanong ni Kiko kay Sir Karlo.

"Iwan mo muna kami, Kiko." Sinabi yan ni Sir Karlo nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hindi naman nagatubili si Kiko na umalis. Pareho lang kaming nagulat ni Sir Karlo, I kept a straight face pero hindi ko alam kung bakit parang gusto ko nang umatras. Ayaw ko na nga siyang makita sa school, dahil sa kung anong ka-creepy'han niya at pagpapahiya niya sa akin tapos siya pa ang leader dito? What?!

"Hindi ito ang lugar na dapat mong puntahan kung nabobored ka, Lara." He smirked. What the, ano bang tingin niya sa akin ha? Aray, nainsulto ako. Para talagang gusto ko na siya sapakin.

"Hindi ako bored kaya ako nandito, Sir Karlo." Hindi ko inalis ang titig ko sa kanya, hanggang sa siya na kumalas sa tingin niya sa akin.

"Umalis ka na, Lara." Tumalikod siya sa akin saka naupo sa may table niya.

"Bakit ba nagdududa lahat sa akin? Dahil ba babae ako? Hindi ba, ikaw nagsasabi lagi sa klase natin na ayaw mo ng patriyarkal na lipunan kahit lalake ka, hindi mo ba paninindigan ang mga itinuturo mo sa amin?" Natawa siya sa sinabi ko, iyong tawang nakakainsulto.

"Nakikinig ka pala sa mga sinasabi ko? Akalain mo. Pero may karapatan pa rin akong paalisin ka, dahil ako ang Supremo rito. Umalis ka na, hindi mo lugar dito." Inayos niya ang mga papel sa harapan niya, busy busyhan. Hindi niya ako tinetake seriously, nakakainis.

"Hindi ako aalis, dahil may ipinaglalaban ako." Natawa ulit siya saka umiling iling.

"Alam mo ba kung anong samahan itong pinapasok mo? Ang samahang ito, ay para lamang sa may paninindigan. Paano ka lalaban kung wala ka namang paninindigan?"

Iyong tingin niya sa akin ay para akong batang paslit na ipinipilit lang ang gusto ko.

"Sa subject ko pa lang, na isang minor subject, hindi mo mapasa tapos gusto mong lumaban? Nagpapatawa ka ba, Lara?"  

Luh, naiiyak na ako. Alam mo 'yung pahiyang pahiya ka na sa sarili mo. Hanggang dito ba naman? Nasa labas na kami ng school pero ganoon pa rin ang tingin niya sa akin. Nakakagalit.

Gusto ko na lang umalis dito, at saka magmukmok sa bahay. Gusto ko agad i-text si Christian habang binabash si Sir Karlo. Gusto ko i-drop yung subject niya, dahil inis na inis ako sa kanya, pero bakit hindi ako makaalis ako sa kinatatayuan ko? Dahil ano? Dahil ba pag umalis ako dito pinatunayan ko na lang na totoo lahat ng sinabi niya?

"Ginawa mong basehan ang subject mo para i-judge ako?" Naiinis, nagagalit na ako sa kanya.

"Bakit hindi? Inulit mo ang subject ko na Filipino dahil bihira ka pumasok, late magpasa ng projects, late ka sa final exam, wala kang recitation. Hindi ba sapat na basehan iyon? Ikaw na mismo ang magsabi sa akin." 

Bukas, Baka Pwede Na (Under Major Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon