"Anong nangyari sayo?" Bumungad sa akin si Ely, nakatayo siya sa pintuan namin at halatang hinihintay niya ang paguwi ko. By the looks of it, alam na niya siguro ang tungkol sa pagsali ko sa samahan.
"Ah..wala." Wala ako sa mood mag explain sa kanya dahil I feel like breaking down sa harap ni Ely pero ayoko makita niya akong ganoon. Dumiretso ako sa ref namin para uminom ng tubig. Sinundan niya ako doon.
"Anong wala? Alam ko na ang lahat. Sa akin ka pa talaga nagsinungaling? Sabi mo hindi mo sila nahanap. Bakit nilihim mo pa sa akin ha?" Hindi nagreregister sa utak ko na nagagalit sa akin si Ely dahil sumasakit talaga ang puso ko. Walang puso talaga iyon si Karlo. Nakakagigil, masaydong mapanakit.
"Nasaan si Lolo?" Luminga linga ako wala si Lolo.
"Nakikinig ka ba sakin ha?!" Bumungtong hininga ako.
"Nagkatulakan kanina, tinulak ako ng pulis kaya ako nasugat sa tuhod."
"Tignan mo na! Pasali sali ka pa kasi sa rally na yan! Yang samahan na yan ay hindi humihingi ng permit dahil naniniwala daw sila na karapatan nila ang sabihin ang kanilang mga saloobin. Kalokohan! Mga rebelde yang mga iyan, hindi ka pa ba nadala sa sinapit ni Kiko dati? Ano bang nasa isip mo, Lara? Gusto mong ipaglaban si Lolo? Itong lupa natin? Sila nga hanggang ngayon wala pa ring napapala e! Ano naman kayang maiaambag mo ha? Magiging pabigat ka lang katulad ng nangyari sayo ngayon!"
Bam!
Para bang may nag snap sa utak ko. Unbearable pain. Nanginginig kong nilapag ang baso sa lamesa dahil baka mabasag ko iyon. Nanginginig ako hindi ko alam kung dahil sa kahihiyan o sakit.
Tuloy tuloy na ang pagtulo ng luha ko. Alam ko naman sa una pa lang na wala akong maiaambag, na wala akong kwenta, na isa lang akong estudyante na tamad mag aral, na bumagsak sa Filipino. Alam ko namang pabigat lang ako, akala ko lang kasi.. akala ko lang magkakaroon ako boses.
Nakatayo lang ako, na-freeze na ako sa kinatatayuan ko habang umiiyak. Siguro hindi talaga ito ang lugar para sa akin. Kalokohan nga naman.
"Ah..Lara, s-sorry. Nagaalala lang--"
"Okay lang." Halos wala kong boses na sabi kay Ely. Iika-ika akong pumasok sa kwarto, aayusin ko na ang bag ko para makauwi na ako ng Maynila.
Ayaw ko na dito.
Ayaw ko na sa lugar na ito.
Napukaw ako sa pagiisip ko nang mag ring ang phone ko. Tumatawag si Christian.
"Babe.." Pagsagot ko.
"Babe, hindi ka man lang nagtetext nagaalala ako sayo. Kamusta ka na dyan? Si Lolo mo, kamusta?" Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang boses ni Christian.
"Pasensya ka na, babe. Okay naman si Lolo. Uuwi na ako dyan ngayon."
"Ha? Akala ko hanggang bukas ka pa dyan? Gagabihin ka sa byahe, bukas ka na ng umaga umuwi."
"Ah.. gusto ko na kasi umuwi."
"Bakit? May nangyari ba? Okay ka lang ba?" Napangiti ako, dahil nagaalala sakin si Christian. Alam na alam niya talaga kapag may hindi magandang nangyayari sa akin.
"Wala, okay lang ako babe." Alam kong hindi siya maniniwala sa sinabi ko pero wala na akong energy mag explain pa.
Pumasok si Ely sa kwarto, nagpaalam ako kay Christian na ibababa ko na ang phone.
"Hinahanap ka ni Kiko." Nagaalangan din si Ely kausapin ako dahil alam niyang nasaktan ako sa mga sinabi niya. Tumango lang ako nang hindi ko siya nililingon.
Naghihintay sa may garahe si Kiko, ano naman kayang sadya niya sa akin?
"Okay ka lang ba, Lara? Malala ba ang sugat mo?" Tinignan niya ang tuhod ko.
BINABASA MO ANG
Bukas, Baka Pwede Na (Under Major Revision)
Romance"Oh shit. I am in love with my professor." She said it out loud but she couldn't hear it. Her heart beat was louder. Lara Del Rosario was alarmed when her Lolo had a heart attack because Ramon Ardante, which is the Governor of their town went in th...
