"Nadadalas yata ang pagluwas mo sa Nueva Ecija, nak?"
That caught me off guard. My mom can see right through me. Kakasabi ko lang nung huli na hindi na ako babalik doon pero here I am nagpapaalam na luluwas ako roon. Ano pa bang idadahilan ko? Magaling na si Lolo. Gusto ko pa ring labanan ang mga Ardante pero ang Kapit-Bisig ay hindi talaga para sa akin. Ano pa nga bang gagawain ko sa Nueva Ecija? Ano pa ang pwede kong idahilan? Hindi rin kami okay ni Ely.
"A-Ah.. ano po, masarap po kasi ang hangin doon saka nakakapagpahinga po ang isip ko sa stress sa school."
Aba! Pagaling ka na nang pagaling sa pagsisinungaling Lara!
"Dati ayaw mo roon dahil iyak ka nang iyak naaalala mo ang papa mo. Kaya nga tayo lumipat dito sa Maynila. Gusto mo rin kamong mag-aral dito. Ngayon naman luwas ka nang luwas. May nililihim ka ba sa akin, Lara?" Seryoso ang mukha ni Mama habang kumakain kami.
"W-Wala po."
"Hindi na nagkukwento ang Lolo mo at si Ely kapag tinatanong ko anong ginagawa mo roon. Sinasabi lang ay nanunuod ka ng TV. Sa tingin mo ba naniniwala ako roon?"
Tumingin ng diretso sa mga mata ko si Mama. Hindi ko alam ang isasagot ko. Sasabihin ko na ba sa kanya ang totoo? Kaya lang baka hindi na niya ako paluwasin? Bahala na..
"Ma, sumali ako sa Kapit-Bisig pero umalis na rin ako."
Nanlaki ang mata ni Mama. Namutla siya bigla. Alam ko nang ganito ang magiging reaksiyon niya. Wrong move yata ako.
"Anak naman! Ano bang naisip mo ha?!" Hinampas niya ako sa braso.
"Ma, umalis na ako sa Kapit-Bisig. Hindi po nababagay roon."
"E bakit luluwas ka ng Nueva Ecija? Ako ba'y niloloko mo Lara?"
Hindi ko pa rin kayang sabihin ang totoo kay Mama. Na nalilito ako sa feelings ko. Na crush ko ang professor ko at hihintayin niya ako para sa "date" namin.
"Huwag niyo na pong pagalitan si Ely at si Lolo. Ilang beses na po akong pinigilan ni Ely hindi po ako nakinig. Kaya kami nagkaroon ng alitan. Ngayon wala na po talaga ako sa Kapit-Bisig. Gusto ko lang pong lumuwas."
Napahinga ng malalim si Mama.
"Sigurado ka anak?"
"Sigurado po Mama. I'm sorry nagsinungaling ako." Tumayo ako saka yumakap kay Mama. "Gusto ko lang pong ipaglaban ang tama."
"Huwag ka na uling magsisinungaling sa akin, Lara. Ipangako mo."
I'll tell you mom once i confirm my feelings. I will tell you all.
"Promise Ma."
-----
Tulad ng dati hinatid ako ni Christian sa terminal ng bus. Malalaman ko na ang kasagutan sa mga tanong ko.
Yinakap agad ako ni Lolo nang makita ako.
"Ngayon, alam kong ako ang pinunta mo rito dahil wala ka nang hidden agenda." Tumawa si Lolo. Pero natawa ako dahil may hidden agenda pa rin ako.
"Lolo talaga." Natawa kami pareho. Si Ely ay may kinukuha sa ref. Hindi man lang ako binati.
Humarap siya sa akin saka ako inabutan ng orange juice. Hindi yung instant ah? Yung fresh orange juice.
"A-Alam kong paborito mo yan. Pinalamig ko na iyan nang malaman kong darating ka." Hindi siya sa akin makatingin ng diretso. Ngumiti ako sa kanya.
"Salamat." Saka ko siya yinakap. Naramdaman kong lumuwag ang paghinga niya.
"Sorry Lara sa mga nasabi ko saka---"
"Tapos na iyon. Hay gutom na ako may pagkain ba dyan?" Pagbibiro ko sa kanilang dalawa.
"Merong adobo." Ngumiti si Lolo.
Masaya ako at nagkaayos na kami ni Ely.
Pagkatapos namin kumain nagbihis na ako para sa pagkikita namin ni Sir Karlo. Mag dress kaya ako? Sige.. tapos ano kayang sapatos heels ba? Heels na lang no matangkad naman siya. Ilugay ko na lang ba ang buhok ko? O subukan kong ipusod? Wait, bakit ako nagaayos? Wth.
But I found myself putting some light make up on my face. After all ito na ang first and last date namin? Date ba 'to? NO. Lilinawin ko lang sa kanya ang nararamdaman ko. Para matapos na 'tong kalokohan na 'to.
Don't be distracted, Lara. You have to set things right today. You have to.
Wait, hindi ko alam kung saan kami magkikita ni Sir Karlo? Sabi lang niya lumuwas ako. Maghihintay siya. Saan kaya?
"Saan ka pupunta Lara?" Tanong sa akin ni Ely.
"Hindi mo ba halata sa suot niya? Makikipagdate iyan. Magbebestida ba iyan kung wala lang?"
Nagulat ako sa sagot ni Lolo. Ganoon ba ako ka-obvious?
"Date?! Kanino? Hindi ba may boyfriend ka na?"
"Hay naku, Ely! Magtigil ka na sa kakatanong! Sige na, Lara umalis ka na." Kumindat saka ngumiti sa akin si Lolo. Ano bang alam ni Lolo? Bakit parang may alam siya? Paano niya nalaman? Saka hindi siya nagagalit?
"Tay, bakit niyo pinapayagan yan? Hindi ba'y si Christian ang boyfriend niyan?"
"Bakit bawal bang makipagdate sa mga babaeng kaibigan? Date pa rin tawag doon. Pabayaan mo na iyang pamangkin mo, malaki na iyan."
Bago pa makasagot si Ely tumakbo na ako palabas. Ayaw ko nang marinig pa si Ely at ang mga tanong niya.
Naglakad ako hanggang sa hindi ako makikita ni Ely. Sa di kalayuan nakita ko na si Sir Karlo. Naka-porma siya. Ang gwapo niya. Legit.
Kumaway siya sa akin saka ngumiti. Napangiti rin ako. Pumunta ako papalapit sa kanya.
"Hindi mo man lang sinabi kung saan tayo magkikita." Reklamo ko sa kanya. Natawa siya.
"Dito ako naghintay dahil ayaw mong makita tayo ni Ely at ng Lolo mo. Dapat ba sinundo kita sa inyo?" He smiled playfully.
"Tss.." Inirapan ko lang siya pero natawa ako.
"Kinabahan na talaga ako na hindi ka darating. Pero nang marinig ko ang napakalakas na boses ni Ely na sinisita ka kung saan ka pupunta, sumaya ako. Pumayag kang makasama kita."
Namula na naman ang mukha ko at parang hinalukay na naman ang sikmura ko.
"S-So.. saan tayo pupunta?" Ngumiti ako sa kanya.
"Dadalhin kita sa mundo ko."
Ngumiti siya saka iniligay ang kanan kong kamay sa braso niya. Para doon ako kumapit.
Uhm, nasaan na ang paglilinaw ng nararamdaman, Lara?
-----
BINABASA MO ANG
Bukas, Baka Pwede Na (Under Major Revision)
Romance"Oh shit. I am in love with my professor." She said it out loud but she couldn't hear it. Her heart beat was louder. Lara Del Rosario was alarmed when her Lolo had a heart attack because Ramon Ardante, which is the Governor of their town went in th...
