Ang aga ng alarm ko, grabe.
4:00 am.
4:30 am.
5:00 am.
5:30 am.
6:00 am.
Syempre 6am pa rin ako nagising.
Ang bilis ko lang nagbihis, well mabilis na sa akin yung isang oras. 8am pa naman ang pasok ko kaya chill chill lang muna. Pero hindi ko rin magawang mag chill. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.
"Ang aga mo ng 15 minutes, anak?" Natatawang tanong sa akin ni Mama pagkalabas ko ng kwarto.
Nandoon na rin si Christian, kumakain ng almusal. Minsan hindi ko alam kung ako ba talaga ang anak o siya?
"Ha? 15 minutes na lang? Hindi mo man lang ako hinintay magalmusal!" Natawa lang sila pareho. Binilisan ko na nga para hindi ako ma-late tapos 15 minutes?
"Oo 'nak, kaya bilisan mo nang kumain." Tumakbo ako papunta sa lamesa saka nagmadaling kumain. Alam niyo yung pag kain, na late na late ka na, pero ayaw mong magutom sa school. Gutumin talaga ako, as in maya't maya.
"Babe, bawal ka kamong ma-late tara na." Punong puno pa ang bibig ko saka kami nag paalaam kay Mama na papasok na kami sa school.
"Mag-ingat kayo!"
Ang bilis magpatakbo ni Christian, pero limang minuto na lang talaga late na ako. Ang galing, Lara. Napakagaling. Nagalarm ka pa't lahat lahat, wala.
Hindi na ako nakapagpaalam kay Christian, hinubad ko na ang helmet ko saka ako kumaripas ng takbo papunta sa classroom.
Pagbukas ko ng pinto, nandoon na si Sir Karlo, tumingin siya sa relo niya.
"Sakto." Sinabi niya iyon nang hindi tumitingin sa akin. Napakasungit talaga. Napahingang malalim ako dahil sa hingal at relief na rin dahil day 1 ito ng aking pagsubok.
"Lara." Kinabahan ako nang tawagin niya ako.
"S-Sir Karlo..." Nakatingin lang ako sa kanya.
Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Hala? Ano 'to? Sobrang kaba ko hindi ko alam gagawain ko.
"May kanin ka pa sa buhok." Bulong niya sa akin. Pinipilit niyang itago ang ngiti niya.
"Hays.." Nakakahiya ka talaga, self. Tf! Tinanggal ko agad ang kanin sa buhok ko saka ako bumalik sa upuan ko.
Nagsimula na siya sa kanyang klase, and guess what? Nakikinig ako, yes, nakikinig akong mabuti dahil ako raw ang una niyang tatawagin. Kinakabahan ako, paano kung hindi ko masagot? Edi wala na, wala na akong pag-asang makasali sa Kapit-Bisig, pinatunayan ko na rin kay Sir Karlo na wala talaga akong kwenta.
"Lara." Nagulat na naman ako nang tawagin niya ako, ito na. Ito na siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang kakawala yung puso ko sa kaba.
"S-Sir.." Saka ako tumayo, lahat ng mga mata ng kaklase ko ramdam na ramdam kong nakatingin sa akin. Ganito pala mag participate sa klase no?
"Ano sa tagalog ang chalk?"
At tumigil ang mundo.. joke. What the hell? Ano sa tagalog ang chalk? Seryoso ba?
Sa dinami dami ng tanong na matatapat sa akin, "ano sa tagalog ng chalk?" pa ang talagang napunta sa akin.
Then something happened. I saw his soul. Don't get me wrong, lagi kong natititigan ang mga mata ni Sir Karlo, lalo na nung nasa Nueva Ecija kami but this is the first time na tinitigan ko ang mga mata niya, at nakita ko ang soul niya.
BINABASA MO ANG
Bukas, Baka Pwede Na (Under Major Revision)
Romance"Oh shit. I am in love with my professor." She said it out loud but she couldn't hear it. Her heart beat was louder. Lara Del Rosario was alarmed when her Lolo had a heart attack because Ramon Ardante, which is the Governor of their town went in th...