Para akong lulubog sa kinatatayuan ko. Sa totoo lang hindi naman big deal ang ponytail ko, diba? Ang big deal ay kung saan iyon nawala at paano iyon napunta kay Sir Karlo. Paanong explanation ba ang gagawin ko kay Christian?
Pakiramdam ko nawala ang kulay ko sa mukha ko at naging white canvas.
Tinignan ko ang reaksyon ni Sir Karlo. Nagdilim ang mukha niya pero ngumiti rin siya agad kay Christian.
"Nailaglag niya ang ponytail niya during class, mali ba na isauli ko sa kanya iyon?"
Bilib ako sa pagiging kalmado ni Sir Karlo pwera sa isang bagay na nakita ko. Namumuti na ang knuckles nya sa sobrang higpit ng pagsara niya sa palad niya. Nagagalit siya pero nakangiti pa rin. Wait, bakit siya ang nagagalit? Hindi ba dapat si Christian ang magalit? I'm confused.
Umiwas ng tingin si Christian. Nahiya siya bigla sa naging reaksyon niya.
"A-Ah.. Pasensya na po, Sir." Napahawak sa batok si Christian. If only he knew what's this all about.
"Walang problema." Ngumiti si Sir Karlo saka tumalikod. Nagaalala ako sa galit na tinatago ni Sir Karlo. Bakit ganoon?
"Ano bang problema mo, Christian?" Hinampas ko siya ng bahagya sa braso. Paano kung napahamak siya dahil sa pananalita niya kay Sir Karlo? Mamaya ipatawag siya ng Dean or kung ano man. Ayaw ko na siya ilagay pa sa alanganing posisyon. I'm lying and he'll be in trouble because of me.
I'm still confused about sa feelings ni Sir Karlo. Why? Why me?
"Iba kasi ang tingin niya sayo." Napaisip sandali si Christian. "Hay, ewan. Kumain na nga lang tayo." Nauna siyang maglakad sa akin. Nagagalit din siya?
Ano bang problema? Ikaw, Lara. Obviously. It's funny how guys know things without actually talking about those things. They just know. Para bang nasa psychological warfare silang dalawa. I just can feel the tension kahit natapos na ang incident na iyon.
Walang imik si Christian habang kumakain kami. Kilalang kilala ko na siya. Sigurado akong may iniisip siya. Wala rin akong maisip na sabihin kaya tumahimik na lang din ako saka nag focus sa kinakain ko.
"Are you sure na hindi ka dinidiskartehan nung Karlo na iyon?" Nagulat ako dahil wala nang 'Sir' ang pagtawag niya kay Sir Karlo. Para na akong hihimatayin sa kaba.
"B-Bakit mo ba iniisip iyan?"
Kumunot ang noo ko. Halos hindi ko na makuha ang pagkain ko dahil nanginginig ang kanang kamay ko. Bakit ba ako nagiguilty? Si Sir Karlo lang naman ang may feelings. Siya ang umamin. I didn't feel anything, did I?
"Kasi babe, iba talaga ang tingin niya sayo. Alam ko iyon dahil lalake rin ako. Alam ko ang mga tinginan na ganoon. Special class mo na lang kaya ang Filipino subject mo? Ayaw ko siyang maging prof mo."
This is the first time na nagsasabi ng ganito si Christian. He's insisting something to me. He's never been like this. He's just always supportive and never jealous. I mean, nagseselos siya of course but in rare occasions. Very rare.
"Ano bang pinagsasasabi mo, babe? Hindi ako dinidiskartehan ni Sir. Naririnig mo ba ang sarili mo?" E ikaw ba Lara? Naririnig mo ba ang sarili mo? Kakaamin lang sayo ng Prof mo. Hello?
"Ganoon din ang tingin ko sayo nung crush kita. Hindi mo kasi naiintindihan babe." This is really bothering him. Pati ako nai-stress na.
"Babe can you stop? Kung may gusto man siya o wala sa akin. Does it matter?" Nainis ako bigla. Ayaw ko na 'tong usapan na 'to dahil palaisipan pa rin sa akin si Sir Karlo.
Napatingin siya sa akin. Nagulat siya sa reaksyon ko dahil bihira akong magalit.
Hinawakan niya ako sa kamay.
"I'm sorry, babe. I know it doesn't matter, because I trust you. He's just so inappropriate. He also looks serious.. about you. I don't know, I just can feel it. Natakot lang akong mawala ka."
Hindi na ako sumagot pa. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pwede ko namang sabihing 'hindi ako mawawala sayo' but i can't. I really can't at this moment. I'm so overwhelmed. I'm overthinking all of these.
------
Uwian na rin sa wakas! Favorite time of the day.
Binuksan ko ang locker ko dahil ayaw ko nang magdala pa ng kahit anong libro pauwi.
May nalaglag na maliit na kulay puting papel. Ano kaya iyon? Pinulot ko iyon at may nakita akong sulat.
Sumasakit ang puso ko tuwing tinitignan ka lang sa malayo
Gusto kong pagmasdan ng matagal ang mga ngiti mo
Maaari bang pagbigyan mo akong makasama ka?
Sabado ng umaga, lumuwas ka ng Nueva Ecija
Hihintayin kita.
- K
Kahit initial lang ang nakalagay. Alam kong siya iyon. Alam kong si Sir Karlo iyon. Ang pagiging makata, ang choices ng words. Niyayaya niya ba akong mag date? Bakit? Akala ko ba tapos na ang mga kalokohan?
But i smiled.
I love the old fashion way of courting.
WAIT. Hoy Lara! May boyfriend ka, right? Anong you love you love dyan? May gusto ka ba kay Sir Karlo ha? Nagkakamali ka yata ng nararamdaman.
Okay. Once and for all, pupunta akong Nueva Ecija. Lilinawin ko ang nararamdaman ko. Sasabihin ko sa kanya na mali ang ginagawa niya. Mali ang ginagawa namin. Mali ang magkacrush sa estudyante at vice versa. He's so inappropriate.
Once and for all, aayusin ang mga baluktot na nangyari. This is all wrong. Nadadala lang ako ng emosiyon ko. This is nothing.
Hindi na tamang kiligin ako. Hindi na tama ito. Tama na, Lara. Tama na ang kalokohan.
Aayusin ko ang gulong ito.
-----
BINABASA MO ANG
Bukas, Baka Pwede Na (Under Major Revision)
Romantizm"Oh shit. I am in love with my professor." She said it out loud but she couldn't hear it. Her heart beat was louder. Lara Del Rosario was alarmed when her Lolo had a heart attack because Ramon Ardante, which is the Governor of their town went in th...
