Kiss

21 1 0
                                        

K A R L O

"Cute at laging kalaro ng anak ko? Ah! Si Lara iyon. Anak ni Linda iyon, apo ni Leo yung may ari ng malaking sakahan. Kaya lang alam ko lumipat na silang mag ina sa Maynila." Sabi ni Aling Marites nang tanungin ko kung anong pangalan ng batang iyon.

Kilala ng lahat ang mga Del Rosario dahil sa kanila ang pinakamalaking sakahan dito sa lugar namin.

Lara Del Rosario.

Pumunta ako sa kabilang purok. Alam kong nakaalis na si Lara pero gusto ko lang puntahan kung saan siya dating nakatira.

Tumayo lang ako sa labas, tinatanaw ang loob ng bahay nila. Walang tao. Nakaalis na nga talaga si Lara.

Hindi ko namalayang linggo linggo ko na palang ginagawa iyon. Umaasang baka dumalaw si Lara sa Lolo niya.

"Hahaba ang leeg mo niyan kakatanaw."

Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. Pagharap ko ay Lolo ni Lara iyon. Para bang nahuli niya ako sa isang krimen na hindi ko alam kung ano.

"Uhm..." Napakamot ako ng ulo, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Ano bang tinatanaw mo riyan, hijo? Linggo linggo kitang napapansin. Tatanaw ka, at kapag hindi mo nakita ang tinatanaw mo, umaalis kang malungkot."

Wala nang saysay na magsinungaling pa ako sa sitwasyon kong ito.

"Uhm.. tinitingnan ko lang po kung nandiyan si Lara."

"Ang apo kong si Lara? Bakit?"

Kinuwento ko sa kanya ang usapan namin ni Lara sa playground.

Napangiti lang ang Lolo niya.

"Ano bang pangalan mo, hijo?"

"Karling po. Kayo po si Tatay Leo diba?" Ngumiti ako sa kanya. Tumango siya saka ngumiti rin sa akin.

"Lumipat na ang anak kong babae at apo ko sa Maynila. Hindi ko alam kung kailan sila makakadalaw pero sa tingin ko matagal na panahon pa iyon dahil kailangan nilang mag adjust sa Maynila. Mahirap magpabalik balik dito."

Nalungkot ako. Napayuko ako.

"Ayos lang po iyon, alam ko naman po iyon. Hindi pa rin naman po ako handang ligawan si Lara." Pagbibiro ko sa kanya.

Natawa si Tatay Leo ng malakas.

"Ganito na lang, Karling. Kapag dumalaw si Lara babalitaan kita. Ayos ba iyon?"

Simula noon, dinadalaw ko na parati si Tatay Leo. Tinutulungan ko siya sa pagsasaka minsan. Medyo naiinis lang sa akin ang anak niyang si Ely dahil nagseselos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bukas, Baka Pwede Na (Under Major Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon