Confession

29 2 0
                                    

I saw him shivering.

Panic mode. Ano gagawin ko? Wait isip Lara, isip. nakakumot siya at nanginginig.

Sabi ni Mama kapag daw mataas ang lagnat dapat nilalagyan ng cold compress sa noo, para bumaba ang init. Kailangan ko ng bimpo, saka.. nagpapanic ako.. saka.. basin. Tama! Luminga linga ako sa kwarto niya saka ko nakita ang drawers na tingin ko may lamang damit or something. Pagbukas ko, iba nakita ko. Feeling ko nagblush na naman ako. BRIEFS ang nakalagay doon. Sinara ko agad iyon saka tinignan ang susunod na drawer, nakita ko mga medyas.. saka may ilang panyo saka bimpo. Kinuha ko agad iyon.

Pumunta ako sa may kusina. Walang basin? Sa tabo na lang. Nilagyan ko iyon ng tubig iyon, may yelo kaya sa ref? Tinignan ko pero wala puro tubig lang ang laman. Hindi talaga siya kumakain sa bahay? Ni hindi man lang siya nagluluto? Puro sandwich lang?

Bumalik ako sa kwarto niya. Binasa ko ang bimpo na hawak ko saka ko nilagay sa noo niya. Nanginginig pa rin siya. Kumot? Kailangan pa ba ng kumot? Naghanap ako sa drawers niya, may nakita akong isa pang kumot bagong bago pa iyon kasi nakaplastik pa. Kinumot ko iyon sa kanya. 

Pinunasan ko ang mukha niya. Uminom na kaya siyang gamot? Kumain na kaya siya? Sobrang nagaalala ako parang sasabog ang puso ko. Kanina pa lang na hindi ko siya nakita sa school.

May bigas kaya siya? Makakagawa kaya ako ng lugaw?

Nang mahinto siya sa panginginig, kumalma ako kahit papaano kaso hinipo ko ang noo niya ang taas pa rin ng lagnat niya. Kailangan niyang kumain bago siya uminom ng gamot. 

Pumunta ako ulit sa kusina. Kinalkal ko ang mga lalagyan doon, pati ang mga cupboard. May nakita kong bigas, nakapack pa. Maalikabok iyon, halatang hindi niya ginagalaw. Napakunot ang noo ko dahil hindi siya kumakain ng tama. May mag condiments naman siya, halos walang bawas lahat. Pinusod ko ang maikli kong buhok. May apron kaya siya? Sa bahay niya sa Nueva ecija kasi wala. Hay Lara, hindi nga nagluluto tapos mageexpect ka ng apron?

Let's do this!

Nang maluto ko na ang lugaw kumuha ako sa isang bowl. Saka naghanda ako ng tubig.

Gamot, tama gamot. May gamot kaya siya dito? Tinignan ko sa may cupboard ulit kung may gamot siya. Pati sa mga drawers, then I saw the first aid kit. Kaparehong kapareho nung nasa headquarters ng Kapit-Bisig. Napangiti ako, naalala ko na ginamot niya ang sugat ko. Nagalala siya sa akin. HOY LARA ANO BA! I snapped out of it.

Dinala ko na lahat sa kwarto niya ang pagkain. Inilapag ko iyon sa bedside table.

Ang peaceful talaga ng mukha niya kapag natutulog.

"Karlo.." Tinapik ko siya sa balikat. "Karlo.." Tinapik ko ulit siya sa balikat. Dahan dahan niyang binuksan ang mga mata niya.

"L-Lara?" Halos pabulong niyang sabi. Ngumiti ako sa kanya.

"Mamaya ka na magtanong, kumain ka muna at uminom ng gamot."Kinuha ko ang pagkain niya saka hinipan iyon.

Hirap siyang naupo. Nanghihina siya.

"Kumain ka muna." Akma ko siyang susubuan.

"Ako na.." Mahina niyang sabi, nahihiya siya sa akin. Ang cute. Pero hindi niya kinain iyon tinitigan niya lang.

"Kumain ka na, para makainom ka nang gamot." Hindi niya ako tinitignan. Ito na naman po siya sa pagiging cold. 

"Bakit ka nandito? Paano mo nalaman ang address ko?" Namamalat malat pa ang boses niya. Tinignan niya ako, hindi ko mabasa sa mukha niya ang reaksyon niya.

"Hindi ka pumasok, tapos tumawag sa akin si Kiko hindi ka raw nila macontact. Nagaalala sila sayo. Saka.. pati ako nagalala. Tinanong ko kay Ma'am Heidi ang address mo sabi ko may kailangan akong ipasa sayo."

Bukas, Baka Pwede Na (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon