L A R A

63 1 0
                                        

"Sinabi ko na lang na nagkaroon kami ng alitan ni Ely, kaya sa inn ako nagpalipas ng gabi. Mamaya kung ano isipin kapag nalamang dito ako nagpalipas ng gabi. Baka.. maapektuhan ang trabaho mo."

Naisip ko na baka kapag nalaman ni Mama na close kami ni Karlo, magtaka pa siya o baka kung ano pa isipin niya.

Pagkasabi ko niyon, hindi ko alam bakit parang binuhusan ng malamig na tubig ang mukha ni Karlo. Biglang bumalik ang stern face niya. May nasabi ba akong mali?

"Karlo.. Okay ka lang?" Umiwas siya ng tingin sa akin, saka iniligpit ang mga pinagkainan namin.

"Okay lang ako." Hindi siya tumitingin sa akin, nawala na naman ang alter ego niya. Ito na naman ang main self niya. Ang cold na naman ng tono ng pagsasalita niya. Hindi ko na pinush tanungin kung okay lang ba siya dahil baka mabara na naman ako.

"Ihahatid na kita sa terminal. Icheck mo baka may naiwan ka." He said in a stern voice. More like teacher-like voice. May nasabi na naman ba akong mali? Bakit ba ganito na naman siya?

"Hindi ka pa ba luluwas? Hindi ka ba sasabay sa akin?" Sunday ngayon, may klase kami bukas. Bakit hindi pa siya sumabay sa akin?

"May aasikasuhin pa ako." Hindi niya sinasalubong ang tingin ko, ni hindi niya ako tinitignan. Is he mad? Again? Why? Hinihintay ko na i-elaborate niya ang sagot niya pero that's all i got. Ayaw ko nang tanungin pa dahil baka mag away na naman kami. Okay na kami e, okay nga ba?

Hinatid niya ako sa terminal, ni hindi niya ako iniimik kanina sa jeep.

"Ingat ka." Ni hindi man lang siya tumingin sa mga mata ko. Hindi man lang siya ngumiti. Tumalikod na siya saka naglakad palayo.

Anong problema niya? Gusto ko siyang habulin, saka ko itatanong ano na naman bang problema niya sakin? Kaya lang naisip ko, bakit ko gagawin yun? Bakit kailangan ko pa malaman ang sagot? Bakit ko pa aalamin?

"Hays, ewan." Sabi ko sa sarili ko saka ako sumakay ng bus. Sa may dulo, sa tabi ng bintana.

Sabi ko sa sarili ko, matutulog ako sa bus. Kakalimutan ko na ang Kapit-Bisig. Kakalimutan ko rin ang lugar na iyon at magaaral na lang akong mabuti. Pero nakareplay sa utak ko lahat ng nangyari kagabi.

"Nagalala lang ako sayo, nang makita kitang nasaktan.. nasugatan ka pa. Hindi ko alam pero sobrang natakot ako."

"Huwag kang umalis, Lara."

Hay bakit ko ba naiisip 'to? Ang pagtitig niya sa akin, pagpigil niya sa akin.

Pati ang itsura niya habang natutulog sa sofa. Napakapeaceful ng mukha niya.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo gawan kita ng tuna sandwich?"

Hay! Bakit ko ba naiisip yun? Bakit ganoon na lang siya makatingin sa akin? Pati pag tapos kong maligo nakatingin siya sa akin. Tiniis niyang matulog sa sofa kahit nakabaluktot siya dahil dun ako natutulog sa kwarto niya. Bakit? Bakit ba?

From napakathoughtful na Karlo to napakacold na Karlo. Bakit ba tuwing iisipin kong close na kaming dalawa saka siya magiging cold ulit? Saka niya ilalayo na naman ang sarili niya. Bakit ba? Mali na naman ba ako? Sumasakit na ang ulo ko kakaisip.

Nilamig ako bigla sa aircon ng bus. Hinalungkat ko ang backpack ko, tinignan ko kung may damit ba akong pwede kong gawaing balabal. Kinalkal ko hanggang ilalim hanggang sa may makita akong itim na damit. Hinugot ko iyon, hindi iyon basta damit.

Ito ang jacket na pinahiram sa akin ni Sir Karlo nung rally. Sobrang frustrated ko sa kanya, at kay Ely basta ko na lang hinubad at binalumbon iyon saka ko nilagay sa pinakailalim ng bag ko. Lukot na iyon dahil sa pagkakabalumbon ko.

Bukas, Baka Pwede Na (Under Major Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon