Wala pang isang oras nakatulog na si Sir Karlo. Nakasandal lang siya at nakapikit, napangiti ako. Ang cute niya matulog, ang peaceful ng itsura niya. Tama ba namang titigan ang professor, Lara? Tumingin ulit ako sa labas, pero gusto ko talaga siya panuorin matulog. Kung tinatanong niyo anong itsura ni Sir Karlo, gwapo siya. Legit na gwapo. Malaking mga mata, matangos na ilong, magandang mga labi, tan na balat. Buhok niya ay barber's cut na bagay sa pahaba niyang mukha. Siya ang perfect example ng tall, dark and handsome.
Kaya lang masungit, moody, unpredictable, at sobrang sarado niya sa pakikipagclose base sa pagkakakilala ko sa kanya sa school. Madalas nakikita ko siyang magisang kumakain. Seryoso rin lagi ang mukha.
Syempre makulit ako, kaya tumingin ulit ako sa kanya, nagulat ako nang makita siyang nakadilat na. Feeling ko namula ang mukha ko.
"Bakit?" Tanong niya sa akin. Anong bakit? Bakit ako nakatingin? O bakit ako nagbablush?
"P-Po?" Nauutal ako, mygahd. Puro kasi ako kalokohan ayan tuloy.
"Bakit ka nakatingin? May dumi ba ako sa mukha?" Ahhh nacoconscious siya.
"A-Ah wala, nakatulog ka kasi agad. Akala ko tulog ka pa rin."
"Pagod kasi." Ngumiti siya sa akin, ako lang ba? Ako lang ba talaga nakakapansin ng ngiting iyon?
Pero wait, nagugutom ako. Tumunog ang tiyan ko, ang lakas.
"Nagugutom ka?" Feeling ko hindi na nawala ang pamumula ng mukha ko, nakakahiya talaga. Hindi kasi ako kumain bago umalis, hindi rin ako nagbaon ng pagkain. Nasa highway kami kaya walang nagbebenta ng pagkain sa bus. Hays.
"Ah.. medyo po." Nahihiya kong sabi kay sa kanya. Kinuha niya ang bag niya sa paanan, saka kinalkal iyon.
"Oh ito, sandwich. Pagpasensyahan mo na yan at napipi na sa bag ko." Inabutan niya iyon sa akin, nakakahiya naman tanggapin.
"A-Ah wag na, Sir. Sa inyo yan e, saka may aakyat naman mamaya na vendor." Ngumiti ako sa kanya.
Nilapag niya iyon sa lap ko, saka niya uli kinalkal ang bag niya.
"Dalawa naman ang baon kong sandwich. Kain na tayo." Ngumiti siya sa akin. Ang bait niya, ibang iba sa pagkakakilala ko sa kanya sa loob ng classroom. Ngumiti rin ako sa kanya saka nagpasalamat. Tuna sandwich iyon, siya kaya may gawa nun? O baka.. asawa niya? Hala, bakit ba ako naiintriga? Dati naman hindi ko inuusisa ang mga ganitong bagay, wala nga akong alam tungkol sa kanya.
"Uhm, Sir. May asawa na po ba kayo?" I blurted out, parang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Gusto ko magfacepalm. Ano ba namang klaseng tanong yan, Lara? Baka kung ano pa isipin niya. Hays.
Medyo natawa siya sa sinabi ko. Ang cute ng tawa niya, hindi katulad nung isang tawa niya na nakakainsulto.
"Wala pa akong asawa, Lara." Inabutan niya ako ng tubig, na baon niya rin. Sanay na sanay siyang bumiyahe alam niya ang mga dadalhin niya. Pero dahil nagtanong na rin ako itutuloy tuloy ko na.
"Ah.. so kayo po gumawa ng tuna sandwich na 'to?" Natawa ulit siya.
"Nakakatawa ka talaga, Lara. Dahil lang sa sandwich naisip mong may asawa na ako?"
"Eh.. opo." Napakamot ako ng ulo.
"Ako lang gumawa niyan, bakit masarap ba?"
"Pwede na." Natawa kaming dalawa.
"E sino mo naman kasama mo sa bahay?" Nandito na lang din tayo, edi usisain ko na. Chismosa level god.
"Ako lang magisa sa bahay, dahil nasa malayo ang Mama ko. May apartment din ako sa Nueva Ecija, doon kami dati nakatira ni Mama nang magkasama."
BINABASA MO ANG
Bukas, Baka Pwede Na (Under Major Revision)
Romance"Oh shit. I am in love with my professor." She said it out loud but she couldn't hear it. Her heart beat was louder. Lara Del Rosario was alarmed when her Lolo had a heart attack because Ramon Ardante, which is the Governor of their town went in th...
