"Ano kayang pinaguusapan nila?" Tanong ko kay Ely habang nakatingin sa labas dahil naguusap si Lolo at si Sir Karlo. Sumama kasi si Sir Karlo dito sa bahay namin, kakausapin niya raw kasi si Lolo. Magkaibigan daw ang tatay niya at si Lolo. Teka, bakit hindi niya nabanggit iyon sa akin kanina? O baka naman.. sabihin niya ang tungkol sa pagsali ko sa samahan? Bakit ba hindi ako mapakali?
"Hindi ko rin alam. Nagulat nga ako magkakilala kayo ni Karling, at professor mo pa." Sabi ni Ely.
"Karling?!" Natatawa kong tanong sa kanya.
"Oo Karling ang palayaw niya rito."
"Kung dito pala siya nakatira, bakit hindi ko siya nakikita?"
"Sa kabilang purok siya nakatira kaya hindi mo nakikita."
"Hindi talaga ako mapakali, puntahan ko kaya sila?" Ang sama talaga ng kutob ko, baka kasi sinabi ni Sir Karlo na inulit ko ang subject niya. Pero baka hindi? O baka sinabi niya kay Lolo ang pagsali ko sa samahan? Hay bakit ba ganito?
"Alam mo namang ayaw ni Tatay na nakikisali tayo kapag may kausap siya. Bakit may ginawa ka bang kalokohan sa eskwelahan kaya hindi ka mapakali?"
Hinampas ko si Ely sa braso.
"Hoy grabe ka! W-Wala no!"
"Hoy, Lara tiyuhin mo pa rin ako ah!" Nanlaki ang mga mata ni Ely, natawa ako sa kanya.
Hindi na nagpaalam si Sir Karlo nakita ko lang siyang nagmano kay Lolo saka siya umalis. Pumasok si Lolo, nakaabang kami kung magkukwento siya tungkol sa pinagusapan nila ni Sir Karlo pero hindi siya nagsalita. Wala, naupo siya sa lamesa at binuklat ang dyaryo niya. Mukhang wala talaga siyang balak magkwento.
Sinenyasan ko si Ely na siya ang magtanong kay Lolo.
"Ah 'Tay, ano pong pinagusapan niyo ni Karling?"
"Maghain ka na at nagugutom na yan si Lara."
Wala talagang balak si Lolo magsalita. Ugali na niya yan, magagalit pa iyan kapag tinanong ko pa.
Tumunog ang cellphone ko may nagtext sa akin.
Dumaan ka sa amin, sabay na tayo pumunta sa headquarters. - Kiko
Oo nga pala kailangan ko na kumain at maghanda dahil may rally kami mamaya. Nagreply ako ng okay sa kanya. Kung paano niya nakuha number ko? Hindi ko rin alam, magtataka pa ba ako? Napa-background check nga ako ni Sir Karlo.
Nagtataka ako kung bakit hindi nagtatanong si Lolo kung bakit ako umuwi dito. Wala siyang tinanong kaya okay na rin para sa akin iyon.
Nagbihis na ako para sa lakad namin mamaya. Spaghetti strap tank top, high-waisted pants saka sandals lang ang suot ko. Naka-cap din ako dahil mainit. Nagdala ako ng sling bag at doon ko nilagay ang cellphone ko at wallet. Wala naman na ako sigurong kailangang dalhin.
Hindi ko alam ang ipapaalam ko kay Lolo pero bumuntong hininga muna ako bago ako lumabas ng kwarto. Bahala na, kapag nagtanong, sasabihin ko na lang pupunta ako sa bayan magiikot.
Nakaupo sila ni Ely sa sala at nanunuod ng TV.
"Lo, alis muna po ako." Kumunot ang noo ni Ely.
"Saan ka pupunta? E wala ka namang kaibigan dito." Tanong ni Ely. Hindi naman sa hindi ako friendly, kumbaga may mga naging kaibigan naman ako nung bata ako pero syempre nakalimutan ko na sila at ganoon din sila sa akin. Wala na akong balita sa kanila.
Tinignan lang ako ni Lolo mula ulo hanggang paa.
"Sige, pero magpalit ka ng rubber shoes."
What? Bakit?
![](https://img.wattpad.com/cover/148002906-288-k673567.jpg)
BINABASA MO ANG
Bukas, Baka Pwede Na (Under Major Revision)
Romance"Oh shit. I am in love with my professor." She said it out loud but she couldn't hear it. Her heart beat was louder. Lara Del Rosario was alarmed when her Lolo had a heart attack because Ramon Ardante, which is the Governor of their town went in th...