Agenda 16

24 8 1
                                    

Agenda 16

Mark My Words

They managed to escape their parents' nagging and scolding on Sunday Brunch. Sinabi lang nila na sa Castille Tower sila nagstay kaya hindi sila nakauwi noong Friday at Saturday, which is a lie of course. Doon sila nagstay sa hospital room ni Yvo. At Sunday Brunch ay pinaglongsleeves at loose pants nila si Yvo which is to their relief ay palaging nakapants si Yvo so they won't be suspicious. Yun nga lang halos maubos yung isang tube ng Fenty Beauty foundation ni Lyian just to cover Yvo's bruises.

"Ano nanamang kalokahan ang ginawa nyo't paika-ika si Yvonne?" usisa ni Tita Verona, Yvo's mom.

"Tita kasi... uhm... " sagot ni Lyian. Patay! Ano sasabihin ko?!

"Natapilok po sya." dugtong ni Jane with a nervous laugh.

Tumaas naman ang kilay ni Tita Verona. Alam nito na hindi mahilig sa heels si Yvo at umalis rin ito ng bahay nila ng nakaflats di bale na lang kung sadyang shunga si Yvo na kahit nakasneakers lang ay matatapilok.

"Ano po kasi Tita! Ah... Nagfashion show po kami nung nagsleepover kami!" sabi ni Jane dahil mukhang di ito naniwala sa sinabi nya kanina. Si Lyian naman ay agresibong tumatango sa bawat salitang binibitiwan ni Jane.

"Yes, Tita! Kahit si Xign nga napagsuot namin ng heels!" gatong ni Lyian, "Daig na daig nya si Couz! Right, Cousin Yvo?" Lyian nudged Yvo pero saktong sa pasa nya ito natamaan.

Patay ka sakin mamaya Lyianna Ingrid!

Pilit na tumango naman si Yvo. Pagtalikod ng Mama nya ay tinadyakan nya ng malakas si Lyian. Impit tuloy nyang pinigilang sumigaw babatukan na sana nya si Yvo pero lumingon ang Mama nito.

"Jane hija, dito ka na maglunch."

"Sure, Tita! Tutulungan lang po namin si Yvo iakyat yung gamit nya then we'll follow." sagot ni Jane.

Tumango naman si Tita Verona at sumama na sa ibang bisita.

Pagkadating nila sa kwarto ay nag-alburuto na agad si Lyian.

"That hurt Couz!"

Yvo just rolled her eyes on Lyian. Di na talaga nawala ang pagka drama queen nito mula bata pa lang sila. Kahit noong hindi pa sila magkakakilala ni Nano ay brat na ito.

Unica hija kasi. Tsk.
   
--

Bago pa makababa si Xign ng sasakyan ay nasamid sya sa sarili nyang laway.

May chicks nanaman sigurong nakaisip sakin.

Clio, Xign, Alli and Nano checked the area of the drag race pagkagising na pagkagising nila on Saturday, which is around 6AM because someone might already tamper with the site if they go there late. Dapat yung tatlo lang pero nagpumilit sumama si Nano. Sila Jane at Lyian naman ang sumama kay Yvo.

From the looks of it, mukhang kinuha lang ng organizer iyong gamit nila at iniwan na lang basta ang venue. Yvo's car is still exactly where it crashed last night. Wearing hoodies and masks, the four begun their search.

The car was completely crushed. Halos hindi na makilala ang matte black Bugatti convertible ni Yvo because of the impact. It was a miracle that Yvo only suffered minor injuries but then again, ilang beses na rin silang muntik mamatay dahil sa mga kalokohan nila. It's like their bodies already adjusted for them because of all the shit they've done.

Agad nilang chineck yung sasakyan ni Yvo at mukhang mahihirapan silang hanapan ito ng trace given it's current situation.

"Found anything yet?" tanong ni Alli sa tatlo pero wala rin silang natagpuan.

Blackrose AgendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon