Agenda 38
Corona Borealis
Nano stealthily walked out of the hideout to go back to Reál Ange Cemetery. Malalim na ang gabi nang mapagpasyahan nyang gawin ang kanyang agenda. And besides he couldn't take a wink of sleep sa kakaisip tungkol dito.
He immediately deleted the footage of him going out. Sandali lang naman sya pupunta but the guys might snoop around at baka magduda pa ang mga ito kung bakit sya umalis. Mahirap pa naman at may pagka human lie detector si Yvo at tsismosa si Lyian.
But he still needs to gets his hands on that chip.
Agad syang nakarating sa mausoleum ni Lawson. Hindi nya maiwasang umigting ang bagang nya at kumuyom ang kamao. Confusion and anger mixed in his system.
Why does it have a chip here? Matagal nang nananahimik na si Lawson, it's been seven years, for fuck's sake! Pero bakit meron nito?
Bakit?
Ano pa ba ang kailangan nila?
Maingat nyang inakyat ang parte kung saan man ang chip. Hindi sya pumwesto paharap dito dahil baka mamaya ay camera pala ito at baka mahagip pa sya. Kinalabit nya ito para kunwaring "natural" itong nahulog sa sahig para hindi paghinalaan ng naglagay nito na kinuha na nya.
He got ahold of the chip and placed it in a black canister. Iniopen na rin nya yung isa sa marami nyang spare laptops para ideactivate ito.
Nano kept so many laptops dahil pagkatapos nyang makuha ang impormasyong kailangan nya ay sinisira nya ito agad. For safety purposes. He's a hacker, alam nya kung gaano kadali makakuha ng access sa isang electronic device, at alam nyang mayroong kayang pasukin ang system ng laptop nya, that is IF they could get past with his security system. Pero mas mabuti na ring maingat sya.
Wala pang limang minuto ay tapos na nyang ideactivate ito nang hindi natetrace ng source gamit ang program na ginawa nya.
Nagpasya na syang lisanin ang lugar. One of these days ay pupunta sya sa isang park na mayroong maraming tao at malayo-layo para i-activate muli ang chip para matrace na nya ang source. Nagbabaka sakali sya dahil sa unang dalawang chip na nakuha nila ay wala syang natagpuan dahil ang source na mismo ang nagdeactivate at nagdelete ng data nito.
He was really disappointed.
Pero isa lang ang ibig sabihin noon. Andoon ito noong kinuha nila ang chip. Umigting ang bagang nya. Pero ngayon ay hindi na nya hahayaan iyon. Kailangan maunahan nya ito. Kaya nga pinagmukha nyang "aksidenteng nalaglag" ang chip mula sa kinaroroonan nito.
Bago pa man tumayo si Nano ay nakaramdam sya ng presensya sa likod nya. Kinapa na nya ang dagger na nasa bulsa ng jacket nya at pinakiramdaman ang Swiss knife na nakatago sa may sapatos nya.
Dahan dahan syang tumayo at akmang susugurin na ito ng dagger nang narinig nya itong magsalita.
"Chill, T. It's me."
Natigilan sya sa boses nito ito at the same time ay tila nabunatan ng tinik.
"What are you doing here, Em?"
"I should ask you the same question."
Nakajacket rin si Yvo at mask na bibig at ilong lang ang natatakpan kaya kitang kita nya ang pagtaas nito ng kilay.
"You still didn't answer mine."
You're not supposed to be here! You need to be where it is safe! You need to stay where I know you're protected! Gusto nyang isumbat dito pero itinikom na lang nya ang kanyang bibig.
BINABASA MO ANG
Blackrose Agenda
أدب المراهقينIt was all fun and games until shit gets serious Blackrose Agenda Started: April 2018