Agenda 34

28 6 1
                                    

Agenda 34

Pudding

Today is the last day of Clio's out of school adventure kaya tuwang-tuwa sila.

As usual, hinahunting nanaman ni Lyian si Jaze at si Jaze naman ay nagtatago. Ang mga members naman ng Chaos ay nag-aabang ng grasya na dala ni Lyian. Kahapon lang ay nakatanggap sila ng "Cookie Basket" na may edible gold leaf at kahapon rin ay naubos na nila ito.

Tulad ngayon, may bitbit na isang box ng red velvet cupcakes si Lyian at papunta na ng tambayan ng banda. Hindi pa sya nakakakatok ay pinagbuksan na agad sya ng pinto ni Houston.

"Hi, Lyian! Looking good." he aimed for a hi five at hindi naman ito binigo ni Lyian.

I love my life. sabi ng isip nya sa sandaling nagdaop ang palad nilang dalawa ni Houston. Na sinundan rin ni Jéan, Alistair, Ramses, at Van. James is nowhere found in the room. Oh well, time to look for who she came for.

"Where's J—"

"Jaze is outside." sagot ni Jéan kahit hindi pa tapos ang tanong nya.

Isa lang naman ang ipinunta nya dito, and that is Jaze. Though minor reason rin ang makita ang banda. To be surrounded by her favorite band in one room is heaven for a fan like her kulang na lang talaga iyong hinahanap nya.

Kahit gusto nyang barahin ito na napakalaki ng outside na tinutukoy nito ay di na ginawa. Tsaka na kapag super duper mega ultra close na sila. Though napapansin nya na medyo nagiging komportable na sila sa isa't isa. They even hang out at the playground the other day. Nakahanap rin ng kajamming si Yvo which was nice to see. Unlike the times that she will just approach to get what she wants. Nevertheless it was fun.

Konting push pa!

"Where specifically?" tanong nya.

They shrugged as response. It made her pout. Here she goes again.

Saan ka nanaman nagpunta, Jaze Klynt ko?

Since Idika will be gone for a month, it will be the perfect time for her to make a move. Go for gold, beeyotch! Bago pa sya maka-isip kung saan ay bumukas ang pinto. She turned to the door, hopeful na si Jaze na iyon but when she saw who it is ay nanliit ang asul nyang mga mata.

It was Jane na may dalang dalawang box ng pizza the boys cheered in return. Nabura ang ngiti nito at nanliit rin ang mata nang nakita si Lyian.

This bitch, all this time ay ganto rin ang routine? Lagot ka sakin, Jane Audrey.

Agad ring nabalik ang ngiti nito nang kuhanin ni Van ang hawak na box ni Jane at ipinatong doon sa may stage.

"Hindi ka ba nabigatan?" tanong ni Van dito at mukhang sincere pa ito.

"Hindi naman." sabay hawi ng buhok ni Jane.

Tong bruhang to! Pizza lang naman ang bitbit!  Naalala nya nong nagdala sya nang ice cream para sa mga ito, di hamak naman na mas mabigat yun! Well, technically hindi naman sya yung nagbuhat since nakaladkad nya si Drake na magbuhat nito para sa kanya. Pero kahit na!

Hindi sya makapaniwala na naunusan pa sya ng kaibigan. No no no, I won't lose! Dapat ay umarangkada rin ang pagiging dyosa ko! Pero pano ko magagawa yun kung wala dito ang prospect ko?!

Inabot ni Lyian kay Houston yung box ng cupcakes tsaka nagpaalam para mahanap nya si Jaze.

Mamaya ka sakin Jane Audrey Montevilla! Hmp!

--

San naman kaya ako pupunta?!

Naglakad-lakad pa sya kung saan sya makarating nang mamataan nya ang isang pamilyar na mukha.

Blackrose AgendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon