Agenda 35

32 7 5
                                    

Agenda 35

Plan

"I'm telling you Jane Audrey, this plan of yours is—"

"A work of a genius?"

"Plain stupid," Clio rolled her eyes on Jane.

Today, Jane will finally use the package she asked Clio. And today, paulit-ulit syang pinapaalahanan nito na huwag ituloy ang plano nya.

Wednesday night they decided to have a sleepover at Casa de Montevilla, inexplain ni Clio ang bisa ng laman ng package ang all the trivial things about it for Friday— which means today. Ito namang si Lyian at Alli ay todo support pa sa plano nito. Palibhasa ay kagagahan nanaman ito.

Nakacape pa na red si Jane na pang royalty at may hawak pang scepter from Cartier. And instead of a crown ay turban ang suot nito na embroidered na isang tiara, so that's basically the same thing. Nagpadala pa sya ng isang 2-meter projector screen sa kwarto nya para sa presentation na ihinanda nya. Kompleto rin ito ng snacks. Popcorn, soda, chocolate bars, you name it.

Penelope wanted to join them since gusto nito na kung ano ang meron ang ate nya ay meron sya. Sinuhulan na lang ni Jane ang kapatid na bibilhan sya nito ng tiara.

The four, sprawled across the huge puffy bed. Clio wearing a gray set of pyjamas, Lyian in pink, Alli in mint green, and Yvo in light blue.

"So the plan slash agenda goes like this..." Jane started. Lyian and Alli moved closer to the edge of the bed para makita ng mas maayos ang PowerPoint presentation na ginawa ni Jane para lang sa agenda. Si Clio at Yvo naman ay sumandal na lang sa headboard.

Unang kita pa lang ni Yvo sa title nung slideshow na "Agenda F2F: From Friends to Fiancé" tapos picture ni Van ang background ay kumunot agad ang noo nya.

"This bullshit again?" sambit ni Yvo.

"Tell me about it," sabi ni Clio tsaka sumubo ng popcorn.

"Ehem, ladies. Shut the fuck up. Thank you." nanlisik ang mata ni Jane doon sa dalawa. "As I was saying... I, the fabulous, glamorous, fantastic, Jane Audrey Montevilla, will drink Rinrin's concoction once I return Van's notes, and then, Van will take me home. And then..." Jane squealed before she could continue. "Then Dad will be like, 'Pakasalan mo ang anak ko!"

Nagtatalon pa ito habang tumitili na sinabayan rin ni Alli at Lyian.

Yvo and Clio opposed the plan. And of course, kung saan si Yvo, doon si Nano. At ito namang si Xign ay sinulsulan pa ang gusto ni Jane. Via video chat ang pag-uusap nila since bawal ang boys sa sleepover. And for additional information, Xign was in the club when he answered the call with two girls clutching his arms at that. That manwhore. Who the hell parties on a schoolday? Definitely, Xign Alfonso Skull.

"Bruha ka! Ni hindi mo nga sinasabi sakin kung sino yung ka-date mo nung isang araw!" now it's Jane's turn to roll her eyeballs.

"Oooh, fishy."

Saktong kakadating lang nila Yvo at Lyian. Himala at maaga itong dalawa.

"Bitch, make kwento! Tatlong araw ka lang nawala, may pa-date date ka na pala ah!" sapak ni Lyian sa braso ni Clio.

"Date, my ass," tanging sabi ni Clio at nauna nang maglakad papuntang classroom. And as usual, hawi amg dinadaan nito.

"Where is Alli?" tanong ni Yvo nang mapansing wala pa ito. Another miracle.

Madalas ay magkakasunod lang dumating sila Jane, Clio and Alli pero ngayon ay wala pa ito. Naglakad na papuntang room ang tatlo nang magbell na. Kahit nag-uunahan na ang mga estudyante ay hindi pa rin nakalimutan ng mga ito na magbigay daan sa tatlo.

Blackrose AgendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon