Agenda 39

19 7 1
                                    

Agenda 39

Fool

It was Monday again, muntik makalimutan ni Lyian na wala nga pala sa Music Room ang Chaos dahil sa concert nila. Kakatapos lang nila maglunch sa cafeteria at tatayo na sana sya nang maalala nya nga. Meron pang thirty minutes bago matapos ang lunch period kaya hinahayaan nilang gawin ang mga gusto nilang gawin.

"Rinrin, okay na ba yung pinapagawa ko sayo?" tanong nya.

"You're not the boss of me," Clio rolled her eyes.

"Yes or no, Rinrin!"

"Yeah, ayos na yun kagagahan mo, you can check the printing later." napapalakpak si Lyian sa sagot nito.

Perfect!

"You?" humarap si Lyian kay Xign.

"Yep, I reserved the art gallery through my awesome connections," Xign grinned.

"Sa wakas nagkaron rin ng silbi ang pagiging malandi mo," side comment ni Clio.

"The proper word is pagiging "habulin", Rinrin," Xign winked at her, umakto namang nagsusuka si Clio.

"Who is it this time?" pinanliitan sya ng mata ni Jane tsaka ni Alli.

"Bernice something, I don't remember her last name," Xign shrugged.

"Bernice Halliwell? The art curator?" tanong ni Clio.

"Yeah, that one!"

"She's like 3 years older!" Alli exclaimed. She and Clio met her when they went to an exhibit. She was nice. Her paintings are very empowering and elegant. Busy noon sa pasosyalan si Lyian at Jane, naglalandi si Xign, at si Nano ay nakadikit kay Yvo habang nag-iikot sa exhibit.

Xign just shrugged, the rest just shook their heads. Wala talagang pinipiling edad ang pagiging malandi.

"Chill guys, not her. Her sister."

"Brenna?" tanong ni Clio. Kasama nya kasi ito during Elective nila. She's quite talanted, pero hindi angkop sa taste nya ang mga gawa nito. It's too pink, too girly, too sickeningly sweet.

Ew.

"Well speaking of Brenna, I have to go meet her for ice cream." sabi ni Xign tsaka umalos na.

Napanguso naman si Alli nang marinig nya ang salitang "ice cream". Kahit na malapit na ang balik nila James mula Japan ay namiss nya ang late night adventures nya kasama ito. Hindi rin naman sya makabalik sa ice cream parlor dahil sumunod sa Japan ang gunggong na nagngangalang Crayon Alonzo. Inggit na inggit sya nang tumawag ito na nasa airport na daw sya papuntang Japan. Nagsend pa ito ng picture having an airplane pillow on his neck. Nakapeace sign pa ito at nakawink habang kita sa likod nya sila James na naglalakad sa airport.

Nangako na lang ito na bibigyan sya ng pasalubong pag-uwi at talagang sasakalin nya ito kapag hindi. Aba! How dare he let her wallow in envy!

But on the bright side, nakabawi naman sya ng tulog.

Napaorder tuloy si Alli ng ice cream.

--

"Did you hear the news?"
"Oo nga eh! I can't believe it!"
"Gosh ako naman sana ang idate ni Xign next week!"

Naging alerto ang pandinig ni Merida nang marinig ang pangalan ni Xign mula sa estudyante na kumakain sa katabi nyang table. Merida didn't mean to eavesdrop, sadyang malakas lang ang pagkukwentuhan nito.

Xign is going out with someone?

Biglang nanglata si Merida nang marinig ito. She thought they had something special pero...

Blackrose AgendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon