Boys-22

396 11 0
                                    

Daniel's POV.

"salamat kulit buti na lang malakas ka dun sa prof."

Hindi parin nag babago si mara makulit parin siya kahit minsan nakakainis ang pagiging CLINGY niya. Pero kahit ganon hindi ko magawang magalit lalo na at kapatid siya ng kaibigan ko.

Kakatapos lang namin mag asikaso ng requirements ni mara para makapasok dito sa school namin, Nung una hindi payag ang dean namin dahil hindi niya nadala ang FORM 137 niya pero pinakiusapan ko at sinabi ko'ng kapatid siya ni seth at pinsan ni katreng kaya ayun pumayag na din.

"tss wala yun, ano gutom kana ba?"

"oo eh canteen tayo?" mara

Ngumiti lang ako dito at sabay na kameng nag lakad patungong canteen. At ano pa nga ba aasahan ko naka-kapit na naman siya sa braso ko! Hinayaan ko na lang yun dahil wala pa naman siya gaanong kaibigan dito.

Masayang nag kwekwento sakin si mara hanggang makarating kame sa canteen. Natatawa ako sa lahat ng sinasabi niya, akalain mo yun kaya pala bumalik dito kase na kick out siya sa school niya dun sa france.

Matagal na daw nangyari yun pero ngayon lang daw siya umuwi, sinulit daw muna niya ang france bago bumalik ng pinas.

Nakipag-away pala kase siya kaya na kick out..

"lupit mo buti hindi nakalbo yung kaaway mo?!"

Ngumisi lang ito at umirap sakin sabay tawa.

"aba ano'ng akala niya mag papatalo ako? NO WAY?!" mara. Natawa ako sa pag mamaladita nito at umiling na lang

Nasa canteen na kame ng may tumawag sakin umangat ang tingin ko at nakita ko si katsumi na kumakaway samin.

"PARE, PIGLET" katsumi

Muntik na ko'ng tumawa ng malakas ng makita ko ang expresyon ni mara ng tawagin siya ni katsumi.

"the hell ano'ng tinawag niya sakin?! ang nerd na yun humanda siya sakin?!"

"chill hahaha namiss mo ata mortal enemy mo?!" pagbibiro ko dito

Napangiwi naman siya sa sinabi ko at binatukan lang ako?! Brutal talaga GRABE -.-

"hell no?!" mara

Nakalapit na kame sa kanila, seryoso lang ang mga tingin nila samin kaya minabuti ko'ng ako na muna unang bumati sa kanila.

"yow" simpleng bati ko

"hello piglet.." katsumi

"shut up nerd tss! hi seth" mara. Sabay wave at ngiti sa kapatid niya

Bumaling ang tingin naming lahat kay seth pero seryoso parin to habang nakatitig sa burger niya ilang saglit pa ay tumayo ito at dire-diretso'ng nag lakad palayo samin.

"hala ka ginalit mo na naman!" katsumi

Ilang taon na rin pero hindi parin tanggap ni seth na may ate siya at si mara yun.

"shut up ner-Oww hello there julia long time no see.." sarcastic na sabi nito habang nakatingin kay julia

Ohh don't tell me??

"oh hi there too BITCH.." julia

"tss hanggang dito ba naman hard ka parin?!" mara

BOOM. Gotcha i knew it >.<

"i'll go ahead na guys hindi ko masikmura atmosphere dito!"

Padabog na umalis si julia sa canteen pero bago yun matalim niya muna ako'ng tiningnan pero hindi ko pinansin iyon.

"hala ka ulit piglet ginalit mo din siya!" katsumi. Habang winawagay-way nito ang index finger niya

Hindi siya pinansin nito at inirapan lang siya.

"kamusta mara" lester

"fine. You look good gwapo ka parin" aniya sabay ngiti kay lester

"thanks.." simpleng sagot nito

"hello welcome back" jc

Lumapit sa kanya si mara at kinurot ang dalawang pisngi nito na ikinangiwi ng kapatid ko.

"hi baby boy ang cute mo na para ka ng si danny.." masayang tugon nito sa kapatid ko

Uupo na sana ako ng biglang tumayo si katreng. Saglit ako'ng tumingin dito pero inarapan lang ako tss.

"ahm una na ko kausapan ko muna sila seth at besty.." katreng. Akmang aalis na si katreng ng hawakan siya sa wrist ni lester

"samahan na kita?" lester

Nakayuko lang ako at hinihintay ang isasagot ni katreng.

"no need samahan mo na lang muna sila dito.."

Naramdaman ko ang pag tango ni lester. From my peripheral view nakita ko'ng nag lalakad na si katreng palayo sa table namin.

Kath's POV.

Ano ba nangyayari sa kanila? I mean between julia and mara? yung kay mara at seth naman sanay na ako sa away kapatid nila at eto pa ano namang eksena yung ginawa ni danilo sakin kanina? Hanggang ngayon hindi parin nag sisink-in sakin kung bakit na lang nagalit yun at take note FIRST TIME niyang magalit.

At ano namang dahilan? BIPOLAR aleeert -.- basta humanda siya sakin ang sakit kaya nung ginawa niya!

Pabalik na ko sa classroom para hanapin si seth, siguro mamaya na lang si julia mas importante sakin ngayon ang pinsan ko.

"katreng?"

"ay kulot?! sabay hawak sa dib-dib ko ginulat mo naman ako seth"

"tss di halata huh?!" sarcastic na sabi nito

Lumapit ako sa kanya na kasalukuyang nakaupo sa ilalim ng hagdan.

"ano'ng trip yan bakit dito ka nag tatago?"

"wala gusto ko lang mapag-isa" seth

"ah kaya pala tinawag mo ko ganun?" matawa-tawang sabi ko

Umirap lang ito sakin at isindal ang ulo sa gilid ng hagdanang inuupuan namin, pumikit ito saglit sabay buntong hininga!

"nakakainis talaga!"

"hmm?"

"haaays! bakit ba kase nandito na naman siya? bakit ba kailangan pa niyang umuwi, alam naman niyang ayaw ko sa kanya diba? bakit nag pupumilit pa siya?! ayoko siyang maging kapatid!" seth

Sigh. Iniisip ko lang kung bakit at ano ang dahilan kung bakit ganun na lang ang ayaw nito kay mara samantalang mabait naman si mara at sa nakikita ko wala naman siyang dapat ika-ayaw dito?

Lumapit ako ng kaunti kay seth at isinandal ang ulo ko sa balikat nito. Ganito kame ka-close ni seth at naiintindihan namin ang isa't-isa

"wala namang masama kung bumalik siya diba? malay mo namimiss niya yung mga pambu-bully mo? bakit hindi mo itry na maging ok kayo? kase sa loob ng 18 years na nakasama kita hindi ko alam kung ano'ng dahilan at ayaw mo kay mara? at sa nakikita ko hindi naman masamang tao si mara? kapatid mo siya mahal ka niya bakit hindi mo siya subukang mahalin katulad ng pag mamahal niya sayo?"

Naramdaman ko ang muling pag buntong hininga ni seth pero napalitan din agad ito ng sunod-sunod na pag hikbi.

"hindi mo pa kase alam chandy, at kung sabihin ko man sayo baka hindi mo ko maintindihan?" seth

Ngayon ko lang nakitang umiyak si seth sa loob ng maraming taon na nag kasama kame lagi siyang nakangiti.

One of the Boys ( KathNiel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon