Boys-20

406 8 0
                                    

Daniel's POV.

Naiinis ako naiinis talaga ako kase pasukan na naman tss.. hindi ako naiinis kay katreng kase hindi ako nag seselos -.- tama hindi ako nag SESELOS

"psst.."

Patuloy parin ako sa paglalakad narinig ko'ng may sumisit-sit pero hindi ko pinansin iyon. Baka kase hindi naman ako ang tawag

"psst.."

Naiinis talaga ako! Pero bakit nga ba ako naiinis >.<

"KULOGOOO!"

Napahinto ako sa pag-lalakad ng may sumigaw, Lumingon ako saglit at nakita ko ang barkada na nakatingin sakin habang si katreng naman ay nakapamay-awang sakin?! Problema ng mga to?

"PARE?" kaway ni katsumi sakin pero tinaasan ko lang to ng kilay

"BABE WHERE ARE YOU GOING?!" sigaw ni julia habang nakalagay ang dalawang kamay nito sa pagitan ng kanyang mga pisngi.

"HOY DANILO ANO'NG TRIP YAN?!" seth

Tumatawa sila habang ako ay hindi parin magets kung ano'ng punto ng mga to. Nilibot ko saglit ang piningin ko sa hallway at kung di ako nag kakamali ay nasa dulo na pala ako. Siguro kung hindi ko pa narinig na sumigaw si katreng ay posibleng nauntog na ko sa matayog na pader ng hallway na to.

"tss.."

Hindi ko sila pinansin bagkus inilagay ako ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko at preskong kumaliwa papunta sa garden.

"bahala sila ditch na lang muna ko tsk badtrip!"

Kath's POV.

Nagulat ako ng hindi kame pansinin ni dj gayun din ang barkada. Napasinghap na lang si julia habang pinag mamasdan ang boyfriend nito'ng lumalakad patungong garden ng school

"problema nun?" kats

"what's wrong with him?" julia

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at tsaka humarap sa kanila.

"ako ng bahala"

"10 minutes na lang start na hayaan na lang muna natin siya kath" lester

"per-" naputol ang sasabihin ko ng bigla ako'ng hilahin ni julia palayo sa kanila

"i'll go with you na besty baka need din ako ng babe ko.."

"hayaan na natin si katreng" jc

Nabaling ang tingin naming lahat kay jc habang ako naman ay biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Kinakakabahan ako sa mga salitang pakakawalan ni jc hindi ko talaga alam kung bakit bigla ako'ng nakaramdam ng kaba.

"i mean hayaan natin si katreng na pumunta kay kuya malay niyo isang batok o suntok lang niyan mapasunod na niya si daniel diba?" jc

Seryoso lang kaming nakiknig sa kanya ng tumawa ng malakas si katsumi -.-

"galing mo bro, tama si jc hayaan nating si bestfriend na ang sumugod sa lalaking yun"

"sigurado kaba katreng?" seth

"oo" tipid na sagot ko

"ok so ano tara na guys? julia tara na" seth

Napa-frown si julia sa sinabi ni seth at padabog na bumalik sa barkada.

"pero paano si babe? sasamahan ko na lang si besty"

"si bestfiend na bahala dun isang sunt-" kats

"SHUT UP KATSUMI GUSTO MO BA IKAW SUNTUKIN KO?"

"woooah? chill joke lang" pahayag ni katsumi habang naka-peace sign napailing na lang ako at tumingin kay lester na seryoso ang mga titig sakin

"sige na kath basta bilisan mo lang ha.." lester

Tumango lang ako at nag pakawala ng isang ngiti habang nag wawave paalis sa kanila. Tss ang kulogo na yun masyado ako'ng pinapahirapan babatukan ko talaga siya ng isang daang beses?! >.<

Nasa dulo na ako ng hallway ng libutin ko ang tingin ko sa buong garden ng maabutan ko si daniel na nakupo malapit sa fountain at diretso lamang ang mga tingin nito habang seryosong nakikinig sa ipad niya.

Lalapit na sana ako ng may biglang babae'ng yumakap dito na ikinagulat ni daniel. Unti-unti ako'ng lumapit sa kanila hanggang sa mapagtanto ko kung sino'ng babae yun

"mara?"

Bumalik na ang pinsan ko galing france na kapatid ni seth na bestfriend ko nung mga bata kame na may gusto kay daniel ng mga elementary pa kame? paano na to?!

"KULOGOOO!"

Sumigaw ako sa abot ng aking makakaya hanggang sa pareho silang napalingon sakin habang si mara ay malapad ang mga ngiti at si daniel naman ay halatang gulat sa pag tawag ko.

One of the Boys ( KathNiel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon