Seth's POV.
Inaya ko ang barkada sa party na pupuntahan mamaya syempre kailangan kasama ko sila dahil tropa rin naman nila ang may paparty, kanina ko lang din kase nalaman na ngayon ang dating nitong kaibigan namin.
Si juls ang dumating galing france, Si Julia Baretto na first love ng gagong si daniel hahaha, tingnan ko lang kung makapang asar kapa mamaya sa pinsan ko kapag nakita mo na ulit ang girl of your life.
Siguro kung di mo iisipin na tomboy si katreng ay di malabong mag kagusto sa kanya si daniel maganda naman pinsan ko jologs lang talaga -.-
Di ko na sinabi sa barkada kanina kase kailangan na rin namin mag madali, bahala na silang masurprise pag nakita na nila ulit si juls. :)
-
Kath's POV.
Pag kahatid sakin ni seth kanina ay naligo na ko at nag ayos ng sarili, ano kayang party yung pupuntahan namin?
Ang huling party kase na napuntahan namin ay nung umalis si juls papuntang france para dun na mag aral siguro last 3 years na yun medyo matagal-tagal na rin
Nag suot lang ako ng simpleng jeans at loose na shirt na may naka print na "the killers" sabay suot ng black vans at floral cup o diba ang gandang tomboy ko naman :')
Syempre hindi ako pwedeng mag pakalalaki talaga kundi nayari na ko nito ni ermats buti nga at wala dito si papa kundi mas lalong nayari na >.<
Lumabas na ko ng kwarto at bumaba sa sala para dun ko na lang hintayin sila seth
Kumuha muna ako ng maiinom sa ref habang nanunuod ng TV katabi ni mama.
"oh anak? may lakad kayo?"
"opo ma, may party daw kameng pupuntahan sabi ni seth" sabay inom sa mogu-mogu ko
"bakit ganyan suot mo?! bakit hindi ka mag dress" pfft. grabe?! dress? seryoso ba siya, sabagay di naman alam ni mama na isa ako'ng T-BOOM -.-
Tsk. sabi ko na nga ba, kaya minsan hindi ko mailantad ang sariling ako! di ko rin masabi na akoy isang tomboy, hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko pero hindi eh eto na yun ramdam ko na?! lalo na at puro lalaki ang kaibigan ko.
"ah hindi na mama, ok na to mas komportable ako" pag papalusot ko,
"ano kaba? mas bagay sayo ang dress halika at bibihisan kita!"
Sabay hila sakin ni mama paakyat sa kwarto ko,
"maaa! ano ba wag na nga sabi ok na to" maktol ko habang kinakaladkad ako ni mama at wala naman akong magawa -.-
"anong ok?! anak hello, party yun tingnan mo yang suot mo para kang tomboy jan eh! bakit tomboy kaba?!" ay letse, nahahalata na yata ko ni mama
"h-ha a-ah hindi noh babae kaya ako may crush nga ko eh" mabilis na sagot ko kay mama!
nakakainis naman eh, sana pala di na lang muna ako bumaba dapat pala hinintay ko na lang bumusina si seth kulot bago ako lumabas ng kwarto.
"oh yun naman pala eh! edi halika kana at aayusan kita ang ganda-ganda ng anak ko tapos mukhang lalaki? aba hindi ako papayag niyan"
P-A-T-A-Y O.O
Wala na ko'ng nagawa kundi ang mag paayos kay mama -.-
-
![](https://img.wattpad.com/cover/15312432-288-k558603.jpg)
BINABASA MO ANG
One of the Boys ( KathNiel )
Ficção AdolescenteSi Kathryn Chandria Bernardo pero mas kilala sa tawag na katreng ^^ meron siyang mga kaibigan na sobra kung pag kaguluhan at tilian ng karamihan. Isa na dito sila Seth Gothico ang pinsan niya na sobra kung maka-protekta sa kanya, si Lester Giri na c...