Boys-25

382 10 2
                                        

Julia's POV.

Nakakatawa rin palang isipin na yung dati ko'ng kaibigan magiging kaaway ko ng dahil lang sa nag kasiraan kame?! Pero hindi ko rin naman siya masisisi kung pati ako nag padala sa sabi-sabi ng ibang tao diba,

"ibig mo'ng sabihin naging mag bestfriend kayo ng pinsan ko dun sa paris??" kath

"mm hm!" simpleng sagot ko

Nag pakawala ako ng isang malalim na hininga nung maalala ko yung araw kung pano kame naging mag kaibigan ni mara.

"ano'ng nangyari sainyo? bakit nung nag kita kayo kanina naging ganun yung eksena?! paki-explain nga nun?" kath

"bakit pa? tss mahabang kwento nga diba?!" iritang sagot ko

Nakatanggap naman ako ng isang batok kay kath pero tinawanan ko lang yun, HAHA ito'ng tomboy na to ang cute sa lahat ng tomboy siya yung cute ^^

"makikinig nga ako diba?! kahit kasing haba pa yan ng traffic sa edsa don't care basta sabihin mo lang sakin para saan pa at naging mag besty tayo diba?! malay mo maayos ko yang kaartehan niyong dalawa!!" kath

Umiling-iling ako habang natatawa sa pag mamaktol ni kath. Umayos ako ng upo at binalik ang picture sa bulsa ng skirt ko na kanina ko pa pala hawak. Yun yung kuha namin ni mara nung pareho kaming pasok sa TOP 10 fashion industry dun sa PARIS sa subject namin.

"sus ang sabihin mo lang chismosa ka, ginamit mo pa yang besty thingy natin huh?! HAHA pero de loko lang seryoso na. Oo naman naging matalik na mag kaibigan kame as in super Sis pa nga endearment namin eh.."

Tumingin ako sa ground floor habang pinag mamasdan ang buong university na to dito sa taas ng rooftop, Sumasabay pa ang malakas na hangin kaya narerelax ako ng sobra. Naramdaman ko ang mga kamay ni kath sa balikat ko, bahagya ako'ng napangiti sa pag lalambing ng kaibigan ko.

"sige nga kung mag sis kayo ng pinsan ko ikwento mo sakin makikinig lang ako promise.." kath

Minsan pala hindi rin natin maiiwasan balikan yung nakaraan lalo na kung paano ka naging masaya kahit sa saglit na panahon lang. Tumango ako kay kath at tsaka sinimulan ang pag kwekwento, tama siya kaibigan ko rin naman si kath bakit hindi ko itry sabihin sa kanya baka mabalik niya kame sa dati? Pero hindi na rin ako umaasa lalo na kung sobra yung galit sakin ni mara. Nasaktan rin naman ako bakit siya lang ba?!

"ok i tell you the whole story between us.." aniya ko habang sinasandal ko ang ulo ko sa balikat ni kath.

Flashback.

Kakarating ko lang dito sa paris ng  itry ko ang mag-uli.. Kung saan-saan ako pumunta, ine-enjoy ko ang bawat sulok dito at na eengganyo ako sa mga couple na sobrang sweet habang nag pipicture malapit sa eiffel tower.

"haays kung nandito lang ang barkada baka mas na enjoy ko to'ng pag sstay dito.." napa pout ako habang ina-alala ang barkada na kanina lang ay kasama ko pa

Nilabas ko ang iphone ko at tinapat sakin habang naka-front camera, itinaas-taas ko ito para makuhanan ko din ang tower sa likuran ko.

"bakit ba hindi ko nadala yung monopod tsk!! mukhang mag kaka-kulitiw pa ko nito sa kili-kili badtrip!"

Feeling ko konti na lang itatapon ko na sa sobrang inis yung iphone ko, dahil lang sa hindi ako makakuha ng magandang shot

"ayoko na badtrip talag-"

"excuse me?"

Nagulat ako ng may kumulbit sa balikat ko na kinalingon ko naman, Sa sobrang badtrip ko sa kanya ko nabaling yung pag kainis ko >.<

"what?!" mataray na tanong ko

"pinay ka?" nakangiting tanong ng babae sakin

Tiningnan ko to mula ulo hanggang paa! Infairness maganda siya, Maputi, matangos ang ilong, mapupula ang labi ah basta maganda siya parang half german?!

"hindi?! nag tatagalog nga diba?! tss utak please!" inirapan ko lang to at tsaka bumalik sa pag seselfie kuno ko.

Natawa to sa pag tataray ko pero humalikipkip din ito agad at tinaasan ako ng kilay.

"aba malay ko ba?! mamaya japanese, korean, american ka pala na marunong mag tagalog diba?! utak din please!"

Umiling lang ulit ako at tinalikuran na to hindi pa ko nakakalayo ng tawagin ako nito.

"wait lang miss, gusto mo ba kuhanan kita ng picture hindi yung pinipilit mo sarili mo makasama lang yung buong tower diyan sa pag seselfie mo? ikaw rin mahihirapan ka!"

Tss may mas makulit pa pala kay katreng at katsumi, ano ba problema ng babaeng hilaw na to?!  Yun lang ba gusto niya sige pag bibigyan ko siya!

"fine!" iritang sagot ko

Ngumiti ito ng malapad sakin at dahan-dahan lumapit, inabot ko naman ang iphone ko at madaling nag pose sa lente ng camera naka-ilang shot din ako nun. Nung tingnan ko ang mga kuha sakin napangiti ako sa sobrang ganda, Sa sobrang tuwa ko nakalimutan kong may kasama pa nga pala ako'ng makulit.

"ang ganda diba? by the way ako si Mara Montes.. And you are?" mara

"bwiset.." bulong ko habang iritang binubura ang isang kuha ko na kasama siya sa likuran ko, yun yung kuha ko kanina nung mag isa palang ako na nag seselfie!! photo bomer ang puchaa! >.< Pano naka peace sign pa habang nakadila!!

"huh?! buset ang name mo? ang cuuute hello buset ako si mara!"

"huh?! ano'ng sinasabi mo diyan?! buset bagang tigilan mo nga ako!" iritang sagot ko ulit sa kanya

"sungit mo naman ano ba kase name mo? gusto ko lang malaman?" nakangiting tanong nito

Ugh. Badtrip bakit ba lagi to'ng nakangiti? bakit ang kulit-kulit niya mas makulit pa siya kay katsumi swear! Sa sobrang inis ko napa-face palm na lang ako at iritang sumagot dito ng..

"wala sige salamat sa picture alis na ko!!"

Nag lalakad na ko palayo pero naririnig ko parin ang mga sigaw nito mula sa malayo. Grabe nakalunok ba ng megaphone yun?!

"HOY BUSEEET SANDALI.."  mara

End of flashback.

Hindi ko alam pero nakangiti pala ako habang nag kwekwento kay kath at eto namang katabi ko kanina pa pala tumatawa.

"grabe besty, seriously? yun ang first encounter mo sa pisan ko? ang cute naman HAHAHA.." kath

Binatukan ko to na kinainis naman niya,

"tumigil ka nga kahit ako hindi makapaniwalang ganun ang first encounter namin ni mara pero alam mo bang hindi pa yun ang huli, kase mas kinulit pa niya ko nung mag kita ulit kame!! Grabe badtrip yun.." natatawang sabi ko

Ngumiti naman si kath sakin habang ginulo nito ng konti ang buhok ko.

"kaya pala nung bumalik ka dito ka-ugali mo na si katsumi sobrang kulit mo na din yun pala nahawaan ka ng pinsan ko! HAHA ang alam ko kase masungit ka talaga at samin ka lang ng barkada ngumingiti.." kath

Napakamot ako sa batok ko habang ina-alala kung ano nga ba talaga ako dati? Tama si kath mukhang kay mara ko nga natutunan kung paano ngumiti sa ibang tao hindi lang sa mga kaibigan ko.

"oo nga eh.." tipid na sagot ko,

"oh ano'ng sunod na nangyari nung nag kita kayo?!" kath

Napangiti ako dito habang binabalikan yung mismong ikalawang pag kikita namin ni mara si paris.

One of the Boys ( KathNiel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon