chapter 1 (ang unang pagtatagpo)

1.7K 17 0
                                    

Chapter 1: ..(ANG UNANG PAGTATAGPO)

“Ate ang saya saya ko pag dito ka natutulog sa amin, kasi lagi mo kong kinukwentuhan eh” ang sabi ng pinsan kong si Selly

“so ano ibig mong sbhin nyan? Dito mo na naman ba ko patutulugin sa inyo..?”

“hehe! Ganun na nga! Sige na ate ohhhhhh, pleaseeee!” Ang sagot ng pinsan kong 14years old na si Selly

“Osha sige na nga, dito na ko matutulog!” -

“yeheeyyyyyyyy!” - Selly

Ang pinsan ko talaga, paborito ko patulugin sa kanila. Nawili kasi siya sa mga ikinukwento ko.. mapahorror, pacomedy, mapalovestory gustong gusto nya..

“Adingggg.. gabi na kumakain ka pa ng chiklet (bubble gum)! Mommy si adinggg ohhh ayaw pa matulog”

“hmm, inggit ka lng kasi ayaw kitang bigyan, bebe be belat! Ang sagot ni ading sa kanyang kapatid

“Magsitigil kayo, nag aaway pa kayo sa harap ng ate nyo di na kayo nahiya..” ang sabi ng mommy nila na kapapasok lang sa kwarto para ayusin na ang higaan nila

“Ayos lang ako tita, sanay na ko sa kanila”

“hay naku Kris, makukulet tlga yang mga pinsan mo kaya minsan napapaiyak na lang ako sa kakulitan nila. Osha ikaw na lang bahala dyan sa mga pinsan mo at matutulog na ko.”

“sige ako na po bahala tita, good night po”

Habang nag uusap kami ng auntie ko, si ading pala ay may ginagwa ng katarantaduhan, idinikit nia ang bubble gum sa pader nila..

“lagot ka kay mommy isusumbong kita!” – ang sagot ni Selly nang Makita nya ang ginwa ng kapatid nia

“Tama na yan, pag di kayo tumigil sige kayo uuwi na lang ako. Di na ko dito matutulog. Gusto nyo bang makinig sa story ko o uuwi nlng ako?” – Kris

“Ate sana kasi di nlng naimbento yang bubble gum na yan eh, pag kinain mo di naman pwede lunukin, titikman mo lang tapos pag wala ng lasa idudura mo rin naman, kumakalat lang tuloy at maraming nabibiktima pag natapakan pa. Hmm!

“ Ang pagtataray ni Selly

“ikaw tlgang bata ka. Di mo ba alam na malaking bahagi ang nagawa ng bubble gum na yan sa lovelife ni ate Kris mo?” ang tanging tugon ko sa aking pinsan

“bakit ate? Paano nangyari yun?” ang sagot na may pagtataka ni selly

“siguro ate binigyan ka ni kuya ng bubble gum tapos sinagot mo na, tapos may bf ka na!” ang sagot ng nakababatang kapatid ni selly

“hahaha! Di naman sa ganun. Sige, kung gusto nyong simulan ko ang kwento ko, dapat pumwesto na kayo sa higaan dahil tiyak, mahaba haba ang kwentuhan natin ngayon? Ayus ba un?”

“yehey!”

“bago ang lahat, tanggalin mo ang bubble gum sa pader adingggg!”

Nang dahil sa Bubble gum…..

First day ko sa school, transferee ako noong college ako sa AMA, habang naghihintay ako ng oras ko sa susunod na class ko.. umupo ako sa tapat ng tindahan, sa tambayan sa harap ng school namin.. May guy na tumambay din doon, nauna sa akin..

“hi, bago ka lang ba dito? Mukha kasi ngayon lang kita nakita..” sabi ng lalaking mga 5 dangkal ang layo sa inuupuan ko.. na ngumiti sa akin, pati mata ngumingiti..isang tsinitong lalake..

“oo, bago lang ako dito, lam mo ba kung saang banda itong room na to?” ang sabi ko..sabay pinakita ang sched ko..

“ah oo alam ko yan, sa may 2nd floor,tapos kumaliwa ka yung pangalawang room sa kaliwa yun yon..” ang sabi niya, habang ngumingiti sa akin..

“Sige salamat ah..“ at pagkatayo ko, bigla akong bumalik sa inuupuan ko.. sabay sabi niya ng

“Oh! Bakit ka bumalik?“ na may pagtataka sa kanyang mukha..

“Ah, wala. Mamaya pa pala ang klase ko..” ang pagsisinunglaing ko

“ah eh bakit parang irritable ka ata? May langgam ba pwet mo?” ang pang aasar nya!

Bigla kong tumingin ng masama, sabay bawi nya na. “hehe joke lang po, para kasing di ka matae dyan sa kinauupuan mo eh”

“Kasi ano eh, medyo may problema ko! Ano kasi, uhhhmmm..uhmm… nakaupo ako ng bubble gum!” nakayukong sabi ko..

nakakahiya, sa unang pagkakakilala namin, ganun agad ang entrada ko!

“Patingin nga..“ang sabi niya, sabay tawa “hehehe! Ay sorry, natatawa kasi ko..anyway maliit lang naman, saka nasa baba, di naman halata, ok lang yan.. pasok ka na baka ma-late ka..“sabi ng lalakeng tsinito,

“ganun ba? Sure ka? Ang tanging sagot ko na may pag-aalinlangan,

“may salamin ka ba? tingnan mo muna para malaman mo, kung gaano kalaki..”ang sinserong pagkakasabi niya…

“teka kunin ko lang ah..“ang nasabi ko, sabay kuha ng salamin at habang nakaupo ako, dumekwatro ko, at ibinaba ang salamin, para makita ko ang likuran na nasa pwetan, para malaman ko ang itsura.. ngunit habang ginagawa ko yun.. pasimpleng ngumingiti ang lalake..nakakahiya ang posisyon ko, makita ko lang ang pwetan ko.. “gosh, ang malas ko naman,nakakainis..sige alis na ko.. salamat sa pagtawa ah..“ hinila ko ang blouse ko paibaba para kahit papaano ay di mapansin at iniligay ko ang aking mga kamay sa likuran ko..sabay alis..

“Miss sorry, di ko sinasadya..sige ingat na lang.. di halata promise“ pahabol na sabi niya..

Ngunit hindi ko sya nilingunan dahil sa pagkainis ko..

Doon ko sya unang na-meet.. at simula noon, bakit lagi ko na sya hinahanap-hanap kahit ininis nya ko sa una naming pagtatagpo, dahil ba, sarap titigan ang mga ngiti niya, dahil pati mata niya ngumingiti..kakainis, di ko sya mahanap.. hndi ko pa alam ang name niya…

Pagkatapos ng klase, nasa baba ko ng school at nagbabasa ng biglang…

“Ser! Laro tau ng Counter Strike tara” sabi ng isang lalake kaya’t napatingin ako sa kanya habang pababa sya ng hagdan, may tinatawag syang isang tao, binalik ko ang aking pagtutuon sa binabasa ko..

“sige, susunod ako!”sagot ng isang lalakeng pamilyar sa akin ang boses at pagtingin ko, sya nga, ang lalakeng nakilala ko nang minsang nakaupo ko ng bubble gum biglang may sumagi sa isip ko

“Sir?” professor ba sya? Bakit sir ang tawag sa kanya..?

BUBBLE GUM (NOVEL-true story) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon