Chapter 17: Gummybear to the rescue
Wala na akong choice kung hindi humingi ng tulong kay Jaizer… tinext ko sia.. at sinabi ko lahat ng problema ko sa apartment..
Nagreply din naman sia agad at eto pagkakasabi nia sa text..
“Bhe, wag kang mag alala hintayin mo ko jan ah.. pupuntahan kita..” text ni Jaizer sa akin
Pagkalipas ng isang oras mula cavite, dumating din sa wakas si Jaizer, tinext ko din ang kapatid ko at mama ko at kinwento ko ang nangyari.. lumuwas din ang kapatid kong babae, dahil nabasa ang kanyang mga libro kaya nag alala sia..
Nilinis agad ni Jaizer ang apartment ko, nilabas nia ang gamit.. nanghiram kami ng host at ako ang taga hawak habang sia ang nag wawalis…nilinis nia ng husto at sinabunan dahil baka kung anong sakit pa ang dala nito kapag di daw nia nilinis ng husto.. nakita kong pagod na pagod si Jaizer at habang pinagmamasdan ko sia, nasabi ko sa sarili ko..
Kung wala si Jaizer paano na pala ako.. sa lahat ng oras si Jaizer lang talaga ang natatakbuhan ko, si Jaizer lang ang laging handang tumulong sa akin.. si Jaizer lang naaasahan ko pagdating sa mga problema ko, isang text ko o tawag alam kong darating sia para sa akin…
“Oh bhe, bakit ka natutulala jan” ang pagputol ni jaizer sa aking pagmumuni muni..
“ha?! Wala, naisip ko lang, paano pag wala ka? Paano kung di ka dumating? Paano ko matutulog nito…? Buti na lang anjan ka..kung hindi di ko na alam gagawin ko..” ang nasabi ko na lamang sa kanya..
“hehe! Siempre ganyan ka kalakas sa akin, di ko naman matitiis na pabayaan kita sa ganitong kalagayan..ang tanong, magagawa ba to ng California boy mo ah!” ang pagbibiro ni Jaizer..
“hehe… alam kong di nia yan magagawa..pero alam kong may pera sia para magbayad ng maglilinis..” ang pagtatanggol ko kuno sa California boy..
“Pero iba pa rin yung ikaw mismo ang gagawa, oo magagawa nia dahil sa may pera sia.. ako kasi wala eh, wala akong perang pambayad sa mga maglilinis nito.. ang kaya ko lang gawin, pagsilbihan ka sa abot ng makakaya ko..” ang pagdadrama ni Jaizer..
Maya maya dumating na ang kapatid ko..
“Ate, nabasa ba mga gamit ko, yung libro ko? Naku di pwede mabasa yun kasi duty ko yun eh, mga pirma yun ng mga head nurse sa Ospital na pinagduty-han ko..” sabi ng kapatid ko..
“Yung first page lang mejo parang napunit, pero yung ibang page, patuyuin mo na lang..” yun nga lang ang baho na nian..hehehe!”
“kakainis, nagdalawang isip pa kasi ko kung iuuwi ko yan sa cavite o iwan eh, tinamad lang ako kaya iniwan ko muna dito..hayz..” sbi ng kapatid ko..
“Ma’am, ok na poh yung apartment nio mam, sige poh aalis na poh ako, text na lang poh kayo mam kapag meron pa poh kayong kelangan..” ang pabirong pagpapaalam ni Jaizer..
“Akala ko ba break na kayo?” ang sabi ng kapatid ko..
“eh sino aasahan kong gagawa at tutulong sa akin ditto, eh wala namang iba kundi sia lang naman matatakbuhan ko, sa tingin mo ba kaya natin tong dalawa kung hindi ako humingi ng tulong kay Jaizer..” ang pagtatanggol ko kay Jaizer sa kapatid ko..
Umalis na si Jaizer, mga 1:00am na din kami natapos.. nagwoworry ako kung saan matutulog si Jaizer..gayong pinaluwas ko pa sia from cavite to pasay.. tapos madaling araw na uuwi pa sia sa cavite uli.. tinext ko sia..
“bhe, saan ka matutulog ngayon, salamat ah..pagpasensiahan mo na kapatid ko..alam mo sobrang natutuwa ako dahil anjan ka para sa akin.. di mo pa din ako pinapabayaan.. salamat uli..Good night..” ang text ko kay Jaizer..
BINABASA MO ANG
BUBBLE GUM (NOVEL-true story) completed
Non-FictionMy first novel.. regalo ko sa fiance ko sana nung 2nd year anniv namin pero nang minsan naishare ko sa isang forum site, nagustuhan nila kaya naman itinuloy ko hanggang 7years ng relasyon namin..at dahil sa novel nito, nadiskubre kong may talent pal...