CHAPTER 24: TIME TO GO!
Nagreply ako..
Tingin ko.. u are almost perfect and i think im not deserving for you.. ayaw ko rin masira ang relasyon natin at mawala ka sa pamilya namin.. naging Masaya si papa dahil sayo kaya ayaw kong masira yon..
Sender
Mamon
Nagreply muli si marky
Yup, may point ka.. sige, from now on.. ganto na nga lang tayo.. ill be the bunso in your family..
I love you mamon..
Sender
Gummy bear..
Naging ganon na nga lang ang relasyon namin.. itinuturing ko na sya na parang kapatid ko na lang dahil sa napalapit na sya sa buong pamilya ko..
......
(cont. Ng conversation namin ng mga cousins ko sa Chapter 1 )
“Oh ano nagustuhan nio ba ang kwento ng buhay ko selly, ngayon alam nio na kung bakit naging malaking bahagi ng buhay ko ang bubble gum na yan”
“Ate sobrang kinikilig ako, kahit noon pa nung nasa college pa lang kayo at kinukwento mo ginagwa ni kuya Jaizer sayo sobrang kinikilig ako..” ang sbi ni selly
“oo nga ate! Mas love ko si kuya Jaizer kasi naglalaro kami lagi non tapos kumakandong ako lagi sknya” ang sabi ni ading..
Naalala ko na si ading ay halos 2years old pa lng sya noon nung naging mag bf/gf pa lang kami ni Jaizer, halos nakalakihan nia na si kuya Jaizer nia at ngayon ay 8years old na sya..
“osha sige na matulog na tayo.. kasi maaga pa tayo bukas! Papasyal tayo sa bulacan dahil binyag ni baby brax!” ang sabi ko sa kanila..
......
Kinabukasan, pumunta na nga kami sa binyagan ng aking pamangkin sa bulacan, siempre doon ako nakasakay sa kotse ni marky at doon naman ang pamilya ko sa kabilang kotse..
To cut the story short, nag enjoy kaming lahat, kaso ang nakakaexcite at interesting na nangyari doon, natulog kami sa isang haunted house na puro antique ang gamit, paano kasi nasa America na ang may ari ng house kaya di na natitirhan at napakalaking garden na halos mga puno pa ang nakapalibot, nakakatakot sa gabi at nagtatakutan kami.. lahat kami natulog sa isang kwarto kasama mga kapatid ko at si marky tapos sa kabilang kwarto ang mama at papa ko... pagdating ng hating gabi nagtaka ako bakit sumikip kami sa kama.. yun pala tumabi si mama at umiiyak dahil tinatakot daw sya ni papa sa kabilang kwarto.. hahaha kaya lumipat sa amin.. haha!
Maraming nagkacrush kay marky doon sa binyagan na yon, mapababae man o mapabading man.. haha.. yung iba nagtatanong kung bf ko ba sya kasi nga laging nakadikit .sa akin si marky at lalo na nung lasing sya ibinibigay sa akin ni marky ang wallet nia at susi nia dahil baka nga mawala ang pera nia.. Di na nia macontrol ang sarili nia pag nalalasing sya, di na nia alam ang ginagwa nia..
Di ko mabilang kung ilang beses si Jaizer tumawag sa isang araw, lalo na pag alam niang kasama ko si marky.. nagseselos siguro ang mokong.. hahaha! Di ko pa kasi naikukuwento sa kanya kung anong relasyon kami meron na ngayon with marky, akala nia pa rin siguro nanliligaw ito..
----
Kinausap na ni Jaizer ang mama nia about sa bagahe at ipinaglaban ako doon ni Jaizer. Pinagsabihan nia ang nanay nia at isinumbong nia ang mama nia sa papa nia.. Ang papa nia mabait at wala akong masabi doon.
Makalipas ang ilang linggo, oras na ng aking pag alis...
Di ko na tlga nabawi ang bagahe ko, babayaran na lamang daw ako ng emirates airlines, halos mahigit 20thousand din ang presyo ng nawala sa maliit na maletang yon..
Di ko na rin mineet ang mama ni Jaizer para sa mga padala nito. Haha.. ayaw ko nga sya Makita.. hehehe..
Syempre iyakan to the max na naman ang family ko.. May emergency na lakad si marky kung kaya’t di na rin nia ko naihatid pero maya’t maya ang tawag nia bago ang flight ko...
Nasa loob na ko ng airport nung muli syang tumawag...
“Mamon!!! Ingat ka ah! Mamimiss po kita” sabi ni marky
“Mamimiss din po kita! Ikaw din po mag iingat! Salamt sa lahat!
“Mamon, after six months uli ang uwi namin ni papa, sumabay ka uli sa pag uwi namin”
“haha! Maswerte kayo kasi every 6months lang kayo.. ako di pwede. Sana ganon lang yon kadali..”
“Sabihin mo kung gusto mong umuwi, padalhan kita pamasahe..”
“Salamat na lang... kahit pa padalhan mo ko eh kung di naman pwede sa trabaho ko..”
“Ganon ba? Sige ka maiinggit ka dahil pupunta kami kung saan saan uli..”
“haha! Di ko na lang po titingnan ang facebook nio para di ako mainggit..”
“hahaha! Ganon ba? Sige na nga.. ingat ka po ah..wag ka nang umiyak! bye” ang sabi ni marky
“ok po.. bye” ang sabi ko..
...
Namiss ko na rin ang buong pamilya ko, grabe din ang lungkot ko.. ang hirap pala sa dibdib pag umaalis.. sana wala na lang umaalis, sana puro na lang padating.. hahaha!
Umalis na rin ang eroplano at makalipas ang ilang oras.. tumuntong na rin ako ng Dubai..
Tinatawagan ko na rin si Jaizer para magpasundo..
“hello bhe.. andito na ako sa airport, pwed mo ba kong sunduin.”
“andito pa ko sa party ng kaibigan ko.. birthday nia kasi eh..”
“susunduin mo pa ba ako o uwi na lang akong mag isa..?”
“Gabi na delikado, intayin mo ko dyan..”
Nakuha ko na rin ang bagahe ko. Hayz nakakaphobia na.. kung pwede lang ihand carry ko na lang lahat para walang mawala. Hahaha..
Nasa labas na ako, di ko sia mahagilap.. nauna ba ko nakarating? Late ba sia? Palinga-linga ako pero di ko pa rin sia matagpuan..
Hanggang sa may nagtakip ng mata ko at nagkiss sa pisngi ko..
“Ganda ng baby ko ah! Tumaba ka sa pilipinas” ang bulong ni Jaizer..
“hahaha! Oo nga eh..”
BINABASA MO ANG
BUBBLE GUM (NOVEL-true story) completed
SachbücherMy first novel.. regalo ko sa fiance ko sana nung 2nd year anniv namin pero nang minsan naishare ko sa isang forum site, nagustuhan nila kaya naman itinuloy ko hanggang 7years ng relasyon namin..at dahil sa novel nito, nadiskubre kong may talent pal...