Chapter 5: Kung Pwede lang itigil ang Oras

935 12 1
                                    

Chapter 5: Kung Pwede lang Itigil ang Oras

“Ayaw ko!” ang tanging tugon ko.. at biglang tumahimik ang kapaligiran dahil sa sagot kong yon..

“Ano? Bakit?” ang panlulumong sagot ni Jaizer.

“Ayaw ko.. nga kasi....ng.. okra ah! Basta baboy o manok na ulam ayos na sa akin dun sa karinderya ni nanay mercy!” ang bawi kong sagot..

“hahahaha! May sira din ang tuktok mo ah!” sinabi nya habang kinikiskis nya ang kamao nya sa aking ulo..

“Oh ano pa tinatagal natin, gutom na ko!”

“haha! Sige tara na..”

Habang kumakain kami parehong pigil ang paghinga namin, parehong nahihiya, parang ang pagkain na masarap ay walang lasa..dahil pareho kaming naiilang..

“Uy, kamusta pala ang date mo? Di mo naikwento sa akin ang nangyari ah!” ang pagpuputol ko sa katahimikan..

“Ah yon! Wala eh! Haha! Di ko tinuloy..” ang tanging tugon nya

“Sus, baka wala naman tlga! Hahaha! Nagpapanggap ka lang ata eh”

“Di ah! Tanong mo pa si Jay eh kung nagsisinungaling ako..”

“Eh bakit di mo tinuloy aber!”

“Ahhh.. kasi.. nawalan ako ng gana!”

“Bakit naman? “

“Teka! Bakit ba ang dami mong tanong?kumain ka nga dyan!”

“Eto naman, sabi mo turuan kita para di ka maging torpe..ayaw mo naman ikwento sa akin ang nangyari, paano kita maadvice-an nyan ah!”

“Aba, parang may alam ka sa panliligaw ah.. bakit? Dati ka bang lalake? Hahaha! ”

“yabang neto!” ang tanging tugon ko

“Eh kayo ni Vince? Kamusta naman relasyon nyo ah?? Alagaan mo yung tropa kong yun ah, kahit di na kami nag uusap nun, tropa ko pa rin yon.. kaya lagot ka sa akin pag pinaiyak mo yon..”

“Aba! Di ko naman sya boyfriend ah, anong relasyong sinasabi mo ah? “ ang sagot ko na may pagtanggi

“Eto, tinatanggi mo tropa ko ah.. lagi kayo magkasama tapos sasabihin mo di kayo, may pabitbit-bitbit pa ng bag..”

“Eh ano naman sayo Kung binitbitbit nya bag ko ah? Saka porket ba binitbit na yung bag eh jowa na? Eh kung gentleman lang tlga yung tao.”

“wag ka nga magsungit kasi lumalaki butas ng ilong mo.. tinatanong ko lang naman ah.. Simula nung naging kayo di na ko pinapansin nung mokong na yon.. di naman kita aagawin sa kanya. Haha! Buti nga absent sya at nayaya kitang kumain ngayon..”

“Agawin mo ko. Hahaha! “ang pabiro kong nasabi sa sarili ko.. hahaha!

“ganun! .. hmm .. di naman kasi nga kami eh.. ang kulit mo!” ang tanging tugon ko sa sinabi nya

“kayo man o hindi! Ganun pa rin! Di pa rin kami nag uusap.,. Topakin din yung taong yon!”

“di ko nga alam bakit ganun yon..kakausapin ko nga yon pag pumasok..”

“Hayaan mo na, lilipas rin yon.. ganun lang tlga yon.. “

Masaya ako kahit papaano dahil nabuo ang araw ko at nangangarap na sana makisama ang oras, KUNG PWEDE KO LANG ITIGIL ANG ORAS para lang makasama pa sya ng matagal, kahit ganoong kwentuhan lang, MASAYA NA AKO..

Kinabukasan...

As usual sarap ng gising ko.. bakit? Dahil sa nangyari kahapon.. sana lagi na lang absent si Vince para laging dumikit sa akin si Jaizer..

Punta ulit ako sa practice sa sayaw.. sa dance group na sinalihan ko.. andun ulit si Jay, isa sa mga close friend ni Jaizer..

Wala pa ang dance instructor naming kaya may time pa para makipag kulitan sa mga kagrupo namin..

“Hi Kris, ayos ang sayaw mo nung nakaraang araw ah!! Lahat napapaindak, parang gusto ka na nga sabayan ni Vince sa gitna eh! Hahaha!” ang pang aasar ni Jay

“Nagsisimula ka na naman mang asar ah!”

“Di kita masyadong aasarin baka bugbogin pa ko ng dalawa pag inaway kita.. hahaha!”

Naputol ang usapan namin nang may tumapik sa likuran ni Jay.. Sina Lance at Alex pala na di ko pa nakakausap..

“Oi, tol! Andito pala kayo.. touch naman ako sa mga tropa ko mga supportive! Kaso kulang pa rin tayo. Wala si Jaizer at si Vince” Ang tugon ni Jay nang dumating ang dalawa..

“Pare! Di na tayo mabubuo... Hindi ayos ang dalawa! “ Ang tugon ni Alex at tumingin pa sa akin..

Napaiwas ako ng tingin at napayuko sa hiya, dahil marahil ako ang sinisisi ng mga ito dahil sa pagkawatak watak nila..

Tumabi sa akin si Lance, at sinabing “HI Kris.. ako pala si Lance”

“Sorry ah..” ang tanging nasambit ko..

“’Sorry saan?” tanong ni lance na may pagtataka

“Dahil sa akin kaya siguro hindi ok si Jaizer at si Vince.. kasalanan ko to..”

“Ano ka ba? Magkakaayos rin yon... wala ka namang kasalanan eh..” ang sabi na sumingit na si Jay..

“Selos lang talaga yon si Vince, kahit sino kasi dumikit sayo di nya na pinapansin.. haha!” sagot naman ni Alex..

“Marami kasing nagsasabi kay Vince na nakikita kayo ni Jaizer na parang Masaya ka pa kay Jaizer, at naglalunch pa kayo ng sabay.. kaya ganun na lang ang galit ni Vince kay Jaizer dahil nga di mo pa napapagbigyan ang isa..” ang sabi naman ni Lance..

“at saka, masama loob ni Vince kasi una ka daw nya nakita kesa kay Jaizer, yung time na nagpasama daw si Vince kay Jaizer sa isang subject dahil kaklase ka pala ni Vince, sinama nia si Jaizer para ipakita kay jaizer kung sino ang babaeng type nia..” ang pahabol na sabi ni Alex

“Teka! Hindi ah! Si Jaizer ang una kong nakilala at unang nameet nung unang araw ng school, nakaupo pa nga ako ng bubble gum nun eh sa bench” ang pagtanggi ko sa mga nalaman ko sa kanila..

“Yun lang ang sabi sabi at nalaman namin.. kaya kami medyo iwas na kami sa bagay na ikakatampo ni Vince sa amin, baka matuluyan pa ang pagkawatak watak namin.” Ang sabi ni Lance

“Ganun ba? Salamat sa impormasyon, kakausapin ko si Vince pag nagkita kami..” ang tanging tugon ko..

Pagkatapos ng practice, pupunta na ako sa computer lab namin para mag internet..Nang biglang may humawak sa kamay ko para kunin ang bag ko..

''Kris, samahan na kita..'' sabi ni Vince habang humahabol sa akin

''Sa comp. lab ako pupunta..'' ang sabi ko naman..

''Ok lang ba kung ako na magdadala ng bag mo?''sabi ni Vince

''Vince, alam mo bang lahat ng tao dito, ang akala tayo! Vince, ayokong maging bastos sayo, pero akala ko naiintindihan mo na ang gusto kong mangyari.. nasasakal mo na ko, pero nanliligaw ka palang, hindi pa tayo, how much more naging tayo na? Vince, hayaan mo na ko.. please? Kasi marami ang umiiwas makipagkaibigan, mapalalaki or mapababae, kasi kahit babae di makalapit dahil binabakuran mo ko.. paano ako magkakaroon ng chance na magkaroon ng kaibigan,Lalo’t bago pa lang ako .. paano?'' Sa wakas nasabi ko na rin ang lahat ng gusto kong sabihin sabay alis, di ko na alam kung ano na nangyari pagkatapos sa kanya..

Simula non, madalas umaabsent si Vince, para lang di ako makita.. lalo na sa mga subject na magkaklase kami..

BUBBLE GUM (NOVEL-true story) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon