Chapter 7: NANANAGINIP PA RIN BA KO NG GISING?
“hahaha! Tropa ko sila..girlfriend ako ng tropa ni jaizer..” ang sabi ni Rhemmy..
“Sino don? Si lance, si Jay o si Alex?” ang tanong ko na may pagtataka..
“haha! Hindi noh.. imposible naman si Lance,
napakaseryosong tao non, halos mapapanisan ka ng laway pag yun ang kasama mo.. Si Jay naman parang damit kung magpalit ng gf, hahaha! Si Alex hmmm, di ko masakyan ang trip non eh, siguro muntik ng maging retarded pero naagapan lang.. hehehhe.. Ang bf ko si Reeve, di lang kami masyado na nakakasama kina Jaizer dahil nga iba na trip ni Reeve puro counter strike na lang nasa utak nun pero classmate ko at tropa ko sila since 1st year college, nito na lang kami nahiwalay sa grupo..” ang sabi ni rhemmy
“Ah I see.. pero salamat ah! Salamat sa pagtatanggol...” ang tanging nasabi ko..
“Walang anuman, maswerte ka dahil napunta ka sa tropa nila Jaizer, mababait silang lahat..lalo na si Jaizer, kung papalarin baka ikaw pa ang kauna unahang gf nya..”
“Ganun? Bakit wala ba syang ibang niligawan dito since 1st college kayo nun?”
“Wala eh! May mga crush sya, pero di nya tinutuloy.. ewan namin kung bkit? Minsan nga nakuha nya na ang number pero di nya naman tinetext kahit na alam nya na may gusto rin naman sa kanya ang babae..” ang sabi ni Rhemmy
“Ganun ba?”
“kaya maswerte ka kay Jaizer dahil napakabait nun at sincere sya dahil sayo naglakas loob sya manligaw na syang napakahirap gawin para sa kanya, alagaan mo sya.. So paano? Alis na ko, may klase pa ko eh.. Nice meeting you!”
“Nice meeting you too..”
“Pag may kelangan ka, andito lang ako.. “
“salamat..”
So ibig sabhin malaki din ang chance na hindi na lang din ituloy ni Jaizer ang panliligaw, maaaring hanggang ganto lang din kami tulad ng mga naging crush nia na di nia matuloy tuloy ang panliligaw.. bakit ganun? Wala naman sa itsura nya ang pagkatorpe.. minsan nga parnag ang hangin hangin nya. Haha!
Anyway, Masaya na rin ako sa araw na to.. dahil may bago akong naging kaibigan at mukhang makakasundo ko pa.. Ang ganda nia, simple lang ang beauty nia pero may dating. Gusto ko sya pag ngumingiti.. sana maging kaclose ko pa sya lalo at maging kauna unahang babaeng kaibigan ko sa school na to..
Kinabukasan..
“Kris, I love you so much! I want to be with u and be my girlfriend... (palapit ng palapit ang labi ni Jaizer sa aking labi, at pumikit na kami pareho upang lasapin ang init ng aming pagmamahalan)
Parang may mga paru-paro biglang lumilipad palibot sa amin at parang biglang may namulaklak na rosas sa paligid nang sinabi niya ang mga katagang yon at nagsimula ang instrumental songs habang kami’y naghahalikan..
”Hoy, babae!! Late ka na, anong oras na oh.. ang boses na ke-lakas lakas na syang nagpaudlot saa…..saan nga ba? Whaatttt? Nananaginip ng gising lang pala ako.. akala ko totoo na yun, hindi pala..
Pagkapasok ko sa school, nakita kong muli ang aking soon to be gummybear..
”Uy Kris sabay tayo ulit mag lunch ah.. saka meron din kasi akong importanteng sasabihin sayo, sige susunduin na lang kita pagkatapos ng klase mo ah.. Syanga pala goodluck sa quiz..(sabay ngiti, pati mata ngumiti din)” ang sabi ni Jaizer na parang ang blooming niya ng mga oras na yon, doon ko pa lang sya nakitang nagbihis ng husto at ang gwapo niya sa polo niyang kulay blue, kung noon prang tamang gwapo lang sya sa akin pero that time iba ang awra niya, parang ang aliwalas niyang tingnan at masaya
Di ako makapag-concentrate sa studies kasi inuulit ulit ko sa aking memorya ang mga sinabi niya.. Napabuntong hininga ako at nasabi ko na lang “Haay.. ano kaya sasabihin niya, parang kinakabahan ako, ano ang gagawin ko kapag nagsabi na sya na mahal niya ko, anong isasagot ko? O di kaya maya sabihin niya, Kris kamusta naman ang panliligaw ko sayo? Ano rin kaya ang isasagot ko? Magpapakipot ba ako? O Sasagutin ko na ba sya, kung oo ano na mangyayari pagkatapos, kinakabahan ako at naiilang dahil di ko alam kung ano ang dapat kong i-act para di sya ma-turn off sa akin..hayy! wish me luck na lang guyz..ang sabi ko sa sarili ko habang ang prof ay nagdidiscuss.. wala ako sa sarili, malayo ang iniisip ko nung mga oras na yon..
Dumating din ang oras na hinihintay ko.. bumibilis ang pintig ng puso ko..
Pagkababa ko, andyan sya naghihintay sa akin, malayo pa lang nakangiti na sya na halatang excited din sya..
”Tara.. “ ang tanging nasambit niya nung nakalapit na ako sa kanya..
Sa McDo lang kami kumain dahil lunch time at may klase kami agad after lunch, kaya di na kami lumayo pa.. McDo lang kasi ang malapit sa school namin..
Habang kumakain kami, halos 15mins din sigurong walang pansinan, parehong nakikiramdam sa isa’t isa.. parehong kinakabahan at pinapawisan ng malapot.. di na naman malasahan ang pagkain gaano man kasarap ito..
”Syanga pala bakit mo pala ako biglang niyaya at parang bihis na bihis ka pa..?” tinigil ko ang katahimikan na yun sa mga katanungang binitawan ko sa kanya..
Tumawa sya at sinabi niya na..”Actually kasi, yun nga ang iniisip ko kaya ako tahimik, iniisip ko kung paano ko uumpisahang sabihin sayo ang gusto kong malaman mo..
”Ano ba ang dapat kong malaman?” Sagot ko ulit sa kanya.. pero this time nakita kong hirap sya ipaliwanag at makikita na ang mga namumuong pawis sa kanyang mukha.. naiintindihan ko sya, mahirap para sa isang lalake ang umamin ng nararamdaman lalong lalo na raw sa babaeng gusto nilang seryosohin..
”Kris” Napabuntong hininga sya at nagsalita sya muli
”Kris, I’m sorry kung naduduwag akong aminin sayo na.. .. Pero siguro ang masasabi ko lang –t..there’s something in you na nagpa-attract sa akin.. hindi ko alam kung ano, pero gusto kong lagi kang nakikita’t nakakasama.. ang corny pero yun ang totoo..” sabi niya na halatang may kaba’t pinapawisan at higit sa lahat nabubulol, di niya alam kung paano i-eexplain sa akin ng maayos.. napayuko lang sya na parang nahihiya.. Doon ko nalamang may pagkatorpe pala talaga sya.. atleast pinilit niyang ipaalam sa akin..
Doon ko nakita talaga na parang biglang may namulaklak na rosas sa loob ng McDo at nagkaroon ng maraming makukulay na paru-paro at biglang may nagkaroon ng music..siguro sa sobrang saya ko, tumindi ang imahinasyon ko sa mga oras na yon
”So.. you mean.. you like me?” ang sabi ko sa kanya..
”OO, gusto kong manligaw sayo kaya lang wala akong lakas ng loob sabihin at magpaalam sayo kung pwede manligaw..kaya dinaan ko na lang sa pangungulit at pang aalaska sayo..” ang paliwanag niyang muli..”Eto lang naman ang gusto kong sabihin, yung malaman mo.. di kasi ko makatulog kung paanong diskarte ko sasabihin sayo..sensya na ah, bobo kasi ko pagdating sa ganito..” ang pahabol niya..
”Di mo na kelangang maghirap pa....” ang sagot ko sa lahat ng mga sinabi niya...
Nakita ko agad ang pagkagulat niya.. Na parang lalong kinakabahan..Di niya alam kung anong ibig sabihin ko sa mga salita kong yon.. maba-busted ba sya or masasagot ko sya..
BINABASA MO ANG
BUBBLE GUM (NOVEL-true story) completed
Não FicçãoMy first novel.. regalo ko sa fiance ko sana nung 2nd year anniv namin pero nang minsan naishare ko sa isang forum site, nagustuhan nila kaya naman itinuloy ko hanggang 7years ng relasyon namin..at dahil sa novel nito, nadiskubre kong may talent pal...