Chapter 14: My Ideal Guy!
Nagkukulong ako sa kwarto ko at iyak ako ng iyak, dahil namimiss ko na sya ng sobra.. gusto ko na syang puntahan at yakapin muli..
May kumakatok sa pinto ko..
“Anak, umiiyak ka ba?
“Ma, hindi po..”
“Pwede ba ko pumasok?”
“sige poh..”
“anak, may problema ka ba?”
“---“
“Anak, wag ka ng mahiyang sabihin sa akin… baka makatulong ako? Nag away ba kayo?”
“Hindi poh”
“Eh anong iniiyak mo..”
“Ma, kasi di pa rin makahanap ng work si Jaizer… Kaya nakipagbreak na ko..”
“ano! Bakit?! Anak mali yon, bakit mo ginawa yon.. ngayon pa na kelangan ka niya… dapat sa mga sitwasyong ganyan ano mang mangyari dapat kayong magsurvive sa kahit anong klaseng problema na magkasama pa rin kayo…”
“Ma, alam nyo naman po kasi na mahina din ako eh..:
“oo alam ko yon pero dapat paglabanan mo para sa kanya.. down na down din sya, di naman nya yon kagustuhan.. nakikita mo namna sa kanya ang determinasyon niyang makahanap ng trabaho diba.. buti kung tumatambay lang sya sa kanto pero hindi naman diba..Ganyan talaga sa umpisa, hindi lahat sinusuwerte gaya mo.. na nakahanap agad ng trabaho..”
“Salamat mama at naunawaan ko na po lahat…”
“Tawagan mo na sya at makipagbati ka na ah…”
“Opo..”
Medyo may pagka pride din kasi ako kaya di ko pa rin sya kinontak kaya pumasok pa din ako sa office na di ko pa rin sya kinokontak…
Nagulat ako ng bumaba ako ng building namin dahil may bibilhin ako, may lalakeng naghihintay sa akin sa baba..
“Bhe.. pwede ba tayo mag usap” sabi ni Jaizer na nakangiti sa akin
“Oh ang aga mo ah, maya pa hapon ang labas ko baka maghintay ka na naman ng 6hours jan..”
“Ok lang, excited na kasi akong ibalita sa yo na natanggap ako sa trabaho ko.. sa ortigas sa Banco De Oro..”
“Talaga! Congratulation..”
“Edi tayo na ba ulit?”
Sa totoo lang nahihiya ako kasi alam ko sa sarili ko na ako ang nagkamali pero para kay Jaizer, wala lang yon, isip pa nga niya sya ang may kasalanan at sya ang nagkulang…
“Bhe sorry ah kasi iniwan kita sa ere..!!” ang sabi ko..
“May mali din naman ako eh.. napahirapan ata kita ng husto.. iloveyou!..” ang sagot ni Jaizer
“Iloveyoutoo!” ang sagot ko naman..
“Oh ano? Treat kita ngayon may trabaho na ko eh.. haha.” Ang sabi ni Jaizer na parang nagyayabang.. hehe
“Sige ba!”
At natapos na ang problema namin...
Sa bahay namin.. Gabi na nun nasa terrace kami..
Pareho kaming nag di-daydreaming kung anong plano namin sa future namin, paano kami mag iipon at paano kami makakapag abroad..
“ Bhe, excited na ko makapag abroad tayo, para pag-uwi ko magpapakasal na tayo!” ang sabi ni Jaizer habang nakaupo kami sa may terrace namin..
“OO nga bhe eh, gusto ko na nga rin mag-abroad para mapaghandaan na natin ang future“ ang sabi ko naman..
Madalas hilig namin ni Jaizer ang tumambay sa may terrace namin lalo na’t gabi, mas gusto niya kasi yung nagkukwentuhan kami at nangangarap..
“Bhe patingin nga kamay mo ang cute cute kasi… ang liit..” ang sabi ni Jaizer
Habang nagkukwento ko di ko napapansin na ang daliri ko pala, pinapasok na niya sa kanyang ilong..
“yuck! Kadiri ka!” ang sabi ko..
“ano ka ba bhe, kung mahal mo ko dapat di ka nandidiri.. ano deal? Ipapasok ko na kamay mo sa ilong ko.. “ ang pagbibiro ni Jaizer
“haha! Ayaw ko bhe, pwede sa ibang way ko na lang ipakita pagmamahal ko? Wag lang to please? “ ang pakiusap ko dahil nandidiri ako..
“haha! Tinitiris mo nga mga blackheads ko, di ka nandidiri tapos eto ipapasok lng ang daliri mo sa ilong ko ayaw mo.. hahaha! Oh sige ako na lang magpapasok ng daliri ko sa ilong mo” ang sabi ni Jaizer..
“naku bhe eh sandok yang daliri mo eh di kasya sa ilong ko.. ang laki laki.. hinlalaki mo nga sa kamay, hinlalake ko na sa paa..hahah” ang pang aasar na sabi ko..
Masaya na kami kahit na dalawa lang kami lagi magkasama at nagbibiruan.. Kuntento na si Jaizer kahit ako lang ang kasama nya dahil nakahanap na rin sya ng barkada sa katauhan ko.. Game sya sa lahat, mangarap para sa future namin, makipagkulitan, magshopping , mag arcade ..
Maliit pa lang si Jaizer nasanay na sya sa gawaing bahay, ang mama kasi niya ayaw ng maruming bahay, at na-train na sila sa ganun, kaya 7am pa lang ginigising na sila para maglinis ng bahay, ang nakakahiya doon baligtad kami, ako hindi na-train sa ganun dahil lumaki ako na may katulong na kami sa bahay.. buti na lang accept ni Jaizer ang ugali kong ganito.. naalala ko noon..
Tumawag si Jaizer sa akin..
“Bhe! Tulog ka pa? 7:30 am na! Bangon na ang mga tamad! Hehehe! Ako ang dami ko ng nagawa, nakapagluto na ako ng almusal namin magkakapatid at nakapagwalis na ako ng labas ng gate namin, ikaw nakahilata ka pa jan..“ ang sabi ni Jaizer
“Bhe ang aga aga pa eh.. inaantok pa ako, oo babangon na ako maya maya..” ang sabi ko habang nakapikit pa dahil natutulog pa ko, nagising lang ako dahil tinawagan niya ko sa CP ko na nasa tabi ng higaan ko..
Kaya ayaw ni Jaizer ang maduming bahay, onetime nawalan kami ng katulong, dahil may ginawang kalokohan, kaya nung dumalaw si Jaizer sa amin, hind malinis ang bahay, ang daming alikabok.. timing na wala si mama kaya, sabi niya, bhe naiirita ako kapag marumi ang bahay, pansin mo ang bahay namin kelanman di mo nakitaan ng alikabok diba..lilinisin ko lang bahay nyo ah..
Naglinis si Jaizer ng bahay namin, at naghugas din ng pinggan, maasikaso din si Jaizer dahil onetime parang sya ang nakatira sa bahay, tinutulungan niya si mama magluto para sa bisita namin habang ako naman nakikipagkwentuhan sa tropa..
Nagmana kasi si Jaizer sa papa niya eh.. ang papa niya walang bisyo, taong bahay, ang gusto lang ng papa niya ay mag ayos or magkumpuni ng mga sirang gamit sa bahay nila, hindi tumitigil yon, para sa kanya yun na ang libangan, kesa ang magsugal at mamarkada.. bahay, church, malling, yun lang ang ginagawa ng papa niya kapag umuuwi ng Pinas.. kaya naisip ko doon nagmana si Jaizer.. Oh sadyang masipag lang tlga ang mga taga ifugao? Matiyaga tulad ng paggawa ng rice terraces? May connect ba? Hahaha!
Salat man sa kayamanan si Jaizer, di man sya sing talino ng iilang manliligaw ko na Nurse o Engineer.. Pero napaibig nya ako dahil sa kabutihang loob nya at sa kasipagan at determinasyon nya sa buhay.. at never kami nag away dahil sa babae, wala syang kahilig hilig doon.. Sa maniwala kayo’t sa hindi, ako ang kauna unahang GF nia.. baliktad diba? Pero yun ang totoo at proud ako sa kanya..
BINABASA MO ANG
BUBBLE GUM (NOVEL-true story) completed
Non-FictionMy first novel.. regalo ko sa fiance ko sana nung 2nd year anniv namin pero nang minsan naishare ko sa isang forum site, nagustuhan nila kaya naman itinuloy ko hanggang 7years ng relasyon namin..at dahil sa novel nito, nadiskubre kong may talent pal...