Chapter 21: Together Again!

753 6 0
                                    

Chapter 21: Together Again!

Patuloy ang pagriring ng phone ko, hinayaan ko lang hanggang sa nag sawa at tumigil ito..

Pero di ko maintindihan ang pakiramdam ko na parang gusto kong tawagan ang tumatwag na yan..

Nagreturn call ako.. Di ako nagsalita.... inantay kong siya muna ang mauuna..

“bhe.... bhe.. si Jaizer to..” ang sabi ng nasa kabilang linya..

Tama ba ang narinig ko?? Si Jaizer na ba ang tumatwag na yon??

“Bhe, si jaizer to.. sumagot ka! Naririnig mo ba ako? “ ang sabi muli nung nasa kabilang linya..

“huh! Ikaw nga ba yan??” hahaha! Paanong nangyaring.....ibigsabhin nakaabot ka sa interview??!! Hahaha” ang sabi ko na halos di ako makapaniwala..

“hahaha! Oo mahabang istorya, pwede ba tayong magkita?” ang sabi naman ni Jaizer..

“oo ba! Bakit hindi.. hehe” ang kinakabahan na sagot ko..

Di ko mawari ang nararamdaman ko.. halong emotion, kinakabahan ako at excited dahil sa tagal naming di nagkita.. di ko alam kung ano magiging reaction ko pag nagkita kami sa personal? Ano ang una kong gagawin, yayakapin ko ba sya o casual lang..

......

(Jaizer ang nagkukwento):

Tawag ako ng tawag kay gummy girl ko.. bakit kaya di nya sinasagot? Sana ayos lang sya.. Pero di ko titigilan.. tatwagan ko pa rin sya ng tatawagan.. kaso, nakailang twag na ko di pa rin nia sinasgot.. hayz.. baka tulog sya o may ginagwa.. twagan ko na lang sya uli maya..

Aba, may tumatwag, naku! Ang gummygirl ko, sobrang excited ko naman.. sinagot ko ang tawag na hindi ko mawari ang nararamdaman ko sa sobrang saya ko at excited..

Sa wakas napapayag ko rin sya.. magkikita na rin kami..

.....

(Kris ang nagkukwento):

Sa Al Ghurair Deira, Dubai kami magkikita.. doon kasi ang alam ni Jaizer at wala ng iba.. kaya ako na lang ang mag aadjust baka kung mapaano pa sya at maligaw pa..

Ang usapan namin 3pm kami magkikita.. Dumating ako halos pasado alas tres na rin...

Pero wala pa rin sya.. hayz, na-late kaya sya? Di naman sya nali-late kahit noon pa pag may date kami dahil alam nya magbubunganga na ako pag nahuli sya.. pero pag sya ang nag aantay sa akin ng sobrang tagal eh hindi man lang sya nagagalit sa akin... hahaha.. namimiss ko na sya.. halos sya na ang tinuring kong bestfriend, kuya, partners in crime at bf.. lahat lahat na ata.. hehehe.. halos sa kanya na lang umiikot ang mundo ko nung nasa pinas pa kami dahil di na ako nagkaroon pa ng chance na makipagkaibigan dahil sya lang ay sapat na..

Sa Starbucks daw kami magkikita.. nag order muna ako at umupo..

May lumapit sa akin na staff ng starbucks, ma’am bubble gum po.. kain po muna kayo ng bubble gum bago kayo kumain ng cake po at drinks nio....

Napaisip ako? Nakakaumay ba ang kinakain ko para magbubble gum muna? Saka ang alam ko pagktapos kumain saka ako dapat mag bubble gum.. Di naman ako naninigarilyo para magbubble gum muna..Di naman to bulalo para maumay ako ah.. hayz.. bagong pakulo siguro ng starbucks to, baka kasi bagong product nila..

anyway, sige pagbigyan.. binuksan ko ang bubble gum.. pagbukas ko parang may nakasulat sa balat ng bubble gum..

Bhe,

My gummy girl, Nice to see you again.. i miss and love you..

Yours truly,

Gummybear

BUBBLE GUM (NOVEL-true story) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon