Chapter 12> ang unang anibersaryo
Ang araw bago ang aming unang Anibersayo..
"Bhe, anong plano mo sa anniversary natin?" ang tanong ko sa kanya habang naglalaro kami ng sims unleashed sa PC ko sa bahay..
"Huh? Kahit ano.. bahala na bukas.." ang sabi niya dahil busy sya sa pagbuo ng bahay sa sims, sabi niya kasi gumagawa daw sya ng dream house niya para sa amin..
"Ganun? Parang wala lang sayo ah..remember first anniversary natin to.. dapat i-celebrate natin kasi naka-survive tayo ng isang taon!" sabi ko na medyo may pagtatampo..
"Bahala na nga bukas kung ano mangyayari eh.. wag mong masyadong pag-iisipin kasi yon" ang paliwanag niyang muli na medyo may inis dahil busy sya sa ginagawa niyang dream house kuno sa sims unleashed...
Pagkatapos ng dalaw niya sa bahay namin..Palibhasa kasi welcome na welcome na sya sa bahay.. Umuwi na sya sa kanila.. sobrang lungkot ko kasi parang wala lang sa kanya ang anniversary namin.. buti kung pangalawa o pangatlo na naming ise-celebrate yon.. eh this time unang taon pa lang ng relasyon namin tapos wala kaming date..
Nagtext ako sa kanya.. eto ang sabi ko.. “Wag na muna tayo magkita bukas,aalis kasi kami ni mama.. celebrate mo nalang mag-isa ang anniv natin..tutal di naman importante yon“ tinext ko na may pagtatampo..
"Bhe ano ka ba? Ano na naman ba ang ipinagtatampo mo.. gummy girl ko kahit wala tayong gawin basta magkasama lang tayo, masaya na ko sa ganun.." ang paliwanag niya..
Di na ko sumagot kasi nalulungkot pa rin ako.. siguro nasanay ako na lagi na lang syang may surpresa sa akin, lagi na lang may ginagawa sya para sa akin.. this time wala syang binabanggit.. kaya ang lungkot lungkot ko..
My time napaka-sensitive ko, ang babaw ko minsan.. siguro naisip ko nasobrahan na ang pagkaka-spoiled ko, lagi na nga rin niya nasasabi yon na, naspoiled daw ako masyado..Nakatulog ako na umiiyak dahil naiinis ako sa kanya.. ewan ko ba, masyado na ko papansin minsan..
Ang himbing himbing ng tulog ko. Umaga na pala di ko pa alam, basta alam ko, masarap ang tulog ko..
May kumakatok sa pinto..ke-aga aga.. tulog pa ang lahat ng pamilya ko.. naalimpungatan tuloy ang ang buong pamilya ko..
"Sino ba yang kumakatok na yan, ke-aga aga" sabi ng mama ko..
"Si kuya Jaizer pala mama" sabi ng kapatid kong pangalawa.. Lingid sa kaalaman ko ang pagdating ni Jaizer ng sobrang aga..
"Magandang umaga po! Pasensya na po kung maaga po masyado ang dating ko..." sabi ni Jaizer sa mama ko at mga kapatid ko..
"Kuya tulog pa si ate eh.." sabi ng sumunod..
"kaya nga ako pumunta dahil gusto ko tulog pa sya.." sabi ni Jaizer sa kapatid ko..
"Puntahan mo na lang sya sa kwarto niya.." sabi ng kapatid ko..
"Sige salamat.." sabi ni Jaizer at tumungo na nga sya sa kwarto..
Naramdaman kong may dumantay na kamay sa bewang ko at parang nakatingin sa akin, pero di ko pinansin dahil inisip ko na kapatid kong lalake lang yon, yung bunso namin.. malambing din kasi yon eh, pero biglang May humalik sa labi ko, nagising tuloy ako.. (ano to sleeping beauty) hehehe! Pero yun talaga ang nangyari.. nahiya ako, lumayo ako agad kasi amoy fresh lumpia ang bunganga ng lola niyo… syempre kagigising lang diba.. napanis yon tiyak ko..heheh!
"Bhe, good morning.. happy anniversary.." ang sabi ni Jaizer sabay abot ng malaking teddy bear
"Wow.. thank you bhe.. ang sweet naman," ang sabi ko habang nagmumuta pa..heheh!
"Bhe may dala pa ko.." sabi ni Jaizer habang binibigay ang malaking paper bag na may laman ng mga isang taong sulat namin sa isa’t isa.. saka mga ticket ng arcade na nilaro namin pati ang ticket ng bus nung pumunta kami ng subic.. ultimo tissue nung una kaming kumain sa pizza hut na may pirma pa naming at may date pa. hahaha.. di ko akalain maitatabi niya ang mga bagay na yon.. kaya sobrang na-touched ako..
nagdate kami pagkatapos, as usual kumain kami sa labas.. Masaya kami ni Jaizer kahit na ako nga lang daw ang kasama niya, solve na sya, kasi nakita niya rin sa akin ang isang kaibigan, sa kanya na rin mismo nanggaling na, enjoy pa syang kasama ko kesa sa tropa niya.. paano daw kasi ang kulit ko, para kaming tropa lang pag magkasama..
Kumakain kami nang bigla akong napaso sa kanin.. hindi ko na iniluwa dahil nakakahiya, hinayaan ko sa bibig ko pero di ko muna ninguya at nakanganga ako....
Hinarap ni Jaizer ang bibig ko sa kanya habang nakanganga ako.. tapos hinipan niya.. habang ginagawa niya yon, nainlove na naman ako sa kanya.. simple yon pero malaking bagay na rin sa akin yon, dahil kung sa iba yon, ipapabalik na lang sa plato.. pero sya hinihipan niya sa loob ng bibig ko( hindi magkadikit na labi ah, ihip lang na malayo konti) at habang ginagawa niya yon, natutulala ako sa kanya
"Ano mainit pa ba? " ang tanong ni Jaizer pagkatapos niyang hipan ang bibig kong may kanin..
Ang tagal kong di nakasagot, pero nakatingin lang ako sa kanya, at saka ako nagsalita ng "Kaya ako naiinlove sayo eh.." sabi ko sabay ngumiti lang sa kanya..
Ngumiti lang sya at bumalik na kami sa pagkain namin…
Simple man ang ginawa nyang yon, pero ramdam ko kung gaano sya kasincere na hindi mapapantayan ng kahit na anong yaman..
BINABASA MO ANG
BUBBLE GUM (NOVEL-true story) completed
Non-FictionMy first novel.. regalo ko sa fiance ko sana nung 2nd year anniv namin pero nang minsan naishare ko sa isang forum site, nagustuhan nila kaya naman itinuloy ko hanggang 7years ng relasyon namin..at dahil sa novel nito, nadiskubre kong may talent pal...