Chapter 10: A shoulder to Cry On

810 9 1
                                    

Chapter 10: A shoulder to Cry On

Lumipas ang ilang buwan, sa dinami dami ng inoferan ko ng sideline ko, wala akong nakuha.. maraming interesado pero hirap sa pera.. wala rin akong na-recruite, at sila emilyn kumita na pero ako wala pa din.. palibhasa mas marami silang kilalang mayaman, samantalang ako wala akong kilala. Simpleng tao lang kasi ko at simpleng tao lang din ang mga kilala ko.. unlike sila mga may car at talagang may pera at mga modelo din ang nakukuha nila.. naniningil na si Bombay, nagipit din ako ng husto, wala na akong pambayad kay Bombay, inaakala kong kikita ako pero hindi nangyari.. nagagalit na si Bombay dahil lagi akong bukas ng bukas kapag naniningil na siya, nagipit sa pera ang mga magulang ko, pati sila nadamay, pati sila nagtiis dahil panay ang hiram ko sa kanila..sobrang down na down na ako.. gabi gabi iyak na ko ng iyak.. dahil di ko alam kung saan ako kukuha ng pera.. di ko alam kung paano ako makakabayad sa mga utang ko..di na ko nakakakain ng maayos dahil tinitipid ko ang pera ko, pati si Jaizer nadamay dahil pati sya nagtiis din, dahil halos pati baon niya ibinibigay niya na sa akin.. Pero ang nakaka-touch doon, walang sumbat akong narinig mula sa kanya..

Kausap ko si Jaizer sa CP habang umiiyak...

“Bhe, di ko na alam gagawin ko, di na ko pinapansin dito sa bahay dahil sa laki ng gastos ko parati, lagi na lang akong humihiram may maipambayad lang, di na ko kinakausap ni mama, ng kapatid ko, pati papa ko sinesermunan ako pag tumatawag galing abroad.. tapos yung nanay-nanayan ko nagtatampo na dahil sila daw ang ginigipit ni bombay dahil sila ang nag-recommend sa akin..Ano ng gagawin ko, sobrang depress na ko, di ko na alam gagwin ko!“ ang sabi ko habang umiiyak sa CP dahil sa sobrang lungkot ko at sobrang depress ko..

“Bukas na bukas gagawa tayo ng paraan, wag ka ng umiyak gummygirl ko.. please nasasaktan ako kapag umiiyak ka, tama na.. ssshhh. Tahan na, tahan na... gagawa tayo ng paraan, malalagpasan din natin yan.. sshh.. pahinga ka na, masyado ka ng umiyak, kanina ka pa umiiyak eh..maga na yang mata mo..“ ang sabi niya para lang tumahimik na ako sa paghahagulgol ko..

Kinabukasan.. nakita ko si Jaizer..

“Bhe.. eto na pera oh.. pambayad mo na kay Bombay..” ang sabi ni Jaizer..

“Bhe saan ka kumuha? Pareho tayo estudyante, wala ka namang pagkukuhanan niyan eh..” ang tanong ko sa kanya..

“Sinangla ko muna pansamantala yung celfone ko.. tutal lagi naman tayong magkasama eh.. ok lang yun.. matutubos din naman yon eh.. ilang buwan muna bago yon mareremata.. eh yan kasi kelangang kelangan mo na..” ang paliwanag niya..

Niyakap ko sya sa sobrang saya ko dahil na-solve din ang problem ko.. dahil doon nasagip niya ko sa isang problemang kay hirap lutasin mag-isa.. Si Jaizer naging bestfriend ko nung mga oras na yon dahil nadamayan niya ko ng sobra, higit pa sa nagagawa ng isang kaibigan..

“Bhe, nahihiya kasi ko magbayad niyan kina nanay Tess eh (ang nanay-nanayan ko) ikaw na lang magdala sa kanila, para ibayad na nila kay bombay“ ang paliwanag ko..(kafal ng face ko noh, siya na nga gumawa ng paraan, sya pa pupunta doon..

“Sige, idadaan ko na lang bago ako umuwi.. “ Ang sabi ni Jaizer..

Ngayon, makakatulog na ko ng mahimbing, dahil na-solve ang problema ko at yon ay dahil sa tulong niya, ni minsan hindi niya ko binigo kapag kinailangan ko ng tulong, andyan sya parati sa akin, sobrang alaga niya ko..

Dahil sa wala na kaming pera dahil sa marami kaming utang..Hindi na kami nakakapasyal non.. kaya lagi na lang kaming tambay.. sa tapat ng school..

Lumipas ang maraming linggo, naging masaya ang pagsasama namin.. para kaming suncel 24/7 unlimited kami laging magkasama.. Ewan namin pero hindi kami nakaramdam ng pagkasawa.. kahit linggo magkasama kami magsimba sa church nila..Born Again Christian kasi sya..

BUBBLE GUM (NOVEL-true story) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon