Chapter 3 (Good News or Bad News?)

958 12 0
                                    

Chapter 3: Good News or Bad News?

Lumipas ang humigit kumulang tatlong linggo mula ng makilala ko sya.. Mula non, sinimulan ko na ring hindi sya kausapin..Unti-unti ko na rin syang pilit binubura sa isip ko.. Handa na ako tumanggap ng manliligaw at wag umasa sa wala at imposible.. pero hindi ko pa rin tinatanggap ang mga panunuyo ng tropa niyang si Vince, siguro dahil di ko talaga sya tipo..

Sinimulan ko na ring iwasang sagutin ang mga text at tawag nya.. sa madaling salita, tinigil ko na ang pagpapantasya ko.. hahaha!

Tumunog ang celphone ko, hmm may 1 unread message ako..

Jaizer “ Gud pm Kris, musta ka na? di na kita matyempuhan sa school.. no na balita sayo?

Magrereply na ba ako, hayz, need ko na ring replyan sya para iparamdam di ako interesado sa kung anupaman,

Kris : “Eto ok lang..busy lang kasi..” ganun lang kaigsi ang nireply ko..

Bakit parang nalungkot ako sa ginawa ko.. Pero tingin ko tama na rin yun, di pa nga ako nakakarecover sa exbf kong niloko ako eto na naman ako, masasaktan na naman..Alam ko ito ang tama at dapat.. Sigh!

Tiningnan ko ang schedule ko.. Meron pala akong isang subject na never ko pang pinapasukan.. 3meetings na akong di umaattend.. paano kasi 8:00am ba naman ang start.. ang hirap gumising.. haha! Ang pangit ng sched ko, sabog! Hirap tlga pag transferee ka.. No choice! Need kong pasukan baka bumagsak pa ko at ayaw kong tumagal sa college..

Pinilit kong gumising, para naman makilala ko na rin kung sino ang teacher ko don at makilala ang mga classmates ko don..

Pagpasok ko sa room, as usual! Late ako! Haha! Nagulat ako dahil tinginan lahat sila sa akin. Ano kaya iniisip nila? Hmm.. Nagtataka ba sila dahil ngayon lang sila nagkaroon ng magandang classmate! Hahahaha! Kafal ko! Tataka sila marahil ngayon lang ako pumasok! haha

Akala ko sila lang ang magugulat, di ko akalaing ako rin pala! Dahil nagulat ako sa aking nakita.. Kaklase ko pala si Jaizer! OO nga pala, pang umaga pala ang lahat nyang subject.. AT hindi lang yun! Si Vince, katabi nya.. oopz pareho pala silang kaklase ko. Nakupo!

Dumeretso ko sa dulo at sa bandang likuran na ko umupo at pinili ko ang upuang wala akong katabi..Loner! haha!

Tumayo si Vince! Hmm.. saan kaya sya pupunta.. Teka! Bakit palapit ata sya sa akin...

“Hi Kris. Pwedeng tumabi?”

“Makakatanggi pa ba ako eh umupo ka na!”

“Hahaha! Ang cute mo pala magtaray!”

“Baka pwede kitang mayayang maglunch?” ang sabi ni Vince

“Pasensya na, may audition kasi ko sa dance group ng school natin.. Next time na lang, pwede?”

“Sure.. sige aasahan ko yan ah..”

Tumayo na rin si Vince at bumalik sa upuan nya at bumalik ako sa pakikinig sa aking professor, ngunit isa lang ang napapansin ko.. Hindi rin ako nililingon o binati man lang ni Jaizer.. Wala kahit ano..

Natapos ang klase, ni hindi ako nilapitan o nilingon ni Jaizer. HInayaan ko na.. Tanggap ko na may nililigawan na syang iba at dapat ko ng itigil ang kahibangan ko at gumising at harapin ang katotohanan..

Matamlay akong pumunta sa room kung saan ginaganap ang audition para sa sayaw.. Wala pa kong kakilala, medyo nahihiya ako pero kelangan kong gawin para may libangan ako at magkaroon ng mga kakilala.. Pumasok na ko sa room kung saan marami rami na ring tao..

Umupo muna ko malapit sa pintuan at inantay kong tawagin ako para sumayaw..

“Kris!” ang sigaw ng isang lalake na palapit at nakiupo sa tabi ko..

“huh? Kilala mo ko?” Ang tanging sagot ko..

“Ay, hehe! Ako pala si Jay.. Tropa ni Jaizer at ni Vince.. Magpapaudition ka?” ang tanging tugon habang pakamot kamot ng ulo..

“Hindi! Magsisimba! Hayz.. siempre magaaudtion ako noh! Tinatanong pa!”

“Aww.. pwede kang lumevel sa asaran ah! Pero di mo ko matatalo pagdating sa asaran, nagpapaiyak ako ng babae! Hahaha! “

“Aba may pagbabanta.. No wonder magtropa nga kayo ni Jaizer..”

“Di ah.. si Jaizer ang pikunin sa aming magkakatropa.. hahaha”

“Talaga?”

“So, kilala mo pala ko? Ibig sabihin kinukwento ko sayo ni Jaizer?” ang tanong ko para makakuha ng impormasyon. hahaha

“Hindi.. Si Vince bukambibig ka nya..kaya curious ako sayo, tapos galit pa si Vince kay Jaizer..” ang tugon ni Jay

Aww napahiya ako don ah.. akala ko si Jaizer nya nalaman ang name ko dahil mas madalas pa kami mag usap dati ni Jaizer kesa kay Vince..

“Bakit naman? Ano ba ginawa ni Jaizer?”

“May nakakita kasi na, minsan nag uusap kayo ni Jaizer at nagtatawanan.. Di kinakausap ni Vince ang lahat ng lumalapit sayo.. kaya ako iwasan kita maya magalit pa skin si Vince..”

“uhmm kaya pala..”

“Oh Jaizer! Andito ka pala! Kanina ka pa ba dyan.. ?” ang sabi ni Jay habang nakatingin sa bandang likuran ko..

Lumingon ako, kinabahan at nataranta!

“Asan? Asan si Jaizer?”

“hahahaha!!!! Ikaw ah! Binibiro lang kita eh. Type mo rin siguro si Jaizer ano?”

“Ano ka ba? Nagulat lang ako sayo kasi baka narinig nya mga sinabi mo.. ayaw ko lang ng gulo..”

“Palusot ka naman! Mga tao tlga oh.. bagay nga kayo ni Jaizer! Pakipot!” ang pabulong na sinabi nya..

“Ano sabi mo? “ pinauulit ko ang sinabi nya na parang medyo maganda sa aking pandinig o nag aassume na naman ako na para sa akin yon..

“ah wala.!.. (medyo tumahimik ng konti at paglingon ni Jay) Vince! Andyan ka pala.. hehe! Paalis na rin ako eh, mukha kasing ako na ang next na sasayaw!” Ang sabi ni Jay..

“Sus Jay! Di mo na ko maloloko! Di na mabenta yan! Pa-vince vince ka pa dyan! Hayz, kanina lang Jaizer ka ng Jaizer! Ewan!” ang sabi ko..

Nakita ko mukha ni Jay na parang gusto ko patigilin, pero huli na ang lahat.. Paglingon ko nga nakita ko si Vince na parang nagtataka sa nangyayari..

“Hehehe! Palabiro rin tong si Kris ano Vince.. hehe! Di na ko magtataka kung bakit gusto mo sya! Hehehe! Bagay kayo! Sige maiwan ko na muna kayo..” ang tanging tugon ni Jay pambawi sa kasablayan ko..

“Ahh ehh.. Andyan ka pala, hehehe! Gusto mo ring mag audition?”

“Hindi.. Gusto lang kitang makitang sumayaw at gusto kong suportahan ang taong mahalaga sa akin.” Ang tanging tugon ni Vince..

Hindi umalis si Vince hangga’t di nya ko masamahan at makitang sumayaw, nakikita ko sa kanyang mga mata kung gaano sia kasinsero at kasupportive sa akin..

Natuwa ako kay Jay dahil nakagaanan ko agad sya ng loob , ano kaya ang ibig sabhin nya na pakipot din si Jaizer?

Pakipot ba sa kanyang bagong nililigawan o pakipot dahil gusto nya rin ako pero hindi pwede dahil kay Vince?

Eto na naman ako.. assuming! Akala ko ba Tigil na ang pagpapantasya! Kasi naman tong si Jay eh bakit pa nabanggit banggit sa akin.. Hayz..

BUBBLE GUM (NOVEL-true story) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon