CHAPTER 8: SURPRISE BIRTHDAY
”Di mo na kelangang maghirap pa.. dahil sapat na lahat ng ipinakita mo at naappreciate ko ng sobra..” ngumiti ako sa kanya at ipinakitang umaayon na ko sa inaasam niyang mangyari..
”Do you mean.. uhmm..” sumenyas sya na kung kami na nga raw at di niya masabi ang salitang yon..
”OO..” ang sabi ko ulit
Bakas sa kanyang mukha ang sobrang kasiyahan..at hinawakan niya ang kamay ko’t hinalikan at sabay sabing ..Thank you... at ngumiti..
Magkahawak na kami ng kamay palabas ng McDo, kinakabahan pa rin, nakikiramdam sa bawat isa.. Nang di sinasadya nakasalubong naming ang tropa niyang sina Jay, Lance at si Alex.
“Hanep pare, nakikita nyo ba ang nakikita ko?” ang sabi ni Jay at may pasiko-siko pa kay Lance.
“Hahaha! Congratz pare!” ang sabi ni Lance at napaapir sya kay Jaizer
“Salamat pare..” ang sabi ni Jaizer.
At ako ay medyo nahihiya hiya pa at napangiti lang..
“Asus ang landi mo, haba ng hair mo natatapakan ko paki usog usog nga konti..baka putulin ko yan eh! “ ang pang aasar ni Jay
“oh paano yan Kris, di lang bf ang meron ka ngayon, kundi barkada! Kaya isang package yan dahil inagaw mo na sa amin si Jaizer kaya di pwedeng di kami kasama sa mga lakad nyo ah!” ang sabi ni Alex.
“Ganun? Di ko pala masosolo si Jaizer dahil andyan kayo parati...” ang pabirong sabi ko..
“Ano ka ba? Kabago bago nyo pa lang gusto mo na agad solohin. . andito kami babantayan naming kayo, masyado kayong mapusok ah!” ang sabi ni Jay
Lumipas ang ilang araw mula nung naging kami.. Naging masaya kami ngunit hindi pa rin nawala ang pagsubok sa amin,simula nung nagkakilala kami hanggang sa ngayon na kami na, , lalo na’t marami ng nakakaalam sa school, na kami na ni Jaizer.
”Ahas! Ssssssssss...........” ang sabi ng isang lalake na bagong tropang sinasamahan ni Vince habang iginagalaw ang kamay niya na kunwari’y isang ahas, at nakatingin kay Jaizer
Magkahawak kami ng kamay ni Jaizer nung mga oras na yon.. nararamdaman ko ang pagdiin ng kanyang kamay habang nakahawak sa kamay ko.. tumingin ako sa kanya dahil di ko alam sa paanong paraan ko sya ipagtatanggol.. nakita ko lang na nakatingin din sya sa lalake, at medyo masama ang kanyang tingin, ramdam kong nagngingitngit na rin sya sa galit..
”Sssssssssss................” patuloy ang lalake at sumabay na ang marami niyang tropa, na mahigit kumulang nasa limang lalake sila na umaarte na parang mga ahas upang asarin ng husto si Jaizer at biglang sumulpot si Vince na nakatingin lang sa amin, doon nagsimulang sumama na rin ang loob ko na parang gusto kong sugurin si Vince pero mas pinili ko na lang na umiwas at magpakahinahon dahil nakikita ko na rin si Jaizer na nagagalit na rin..
”Huwag mo na lang sila pansinin...” tanging yun lamang ang naisambit ko, para lang maibsan ang pagkayamot ni Jaizer sa mga grupo ng mga lalakeng yon.. Wala kasi akong magawa.. di ko alam kung paano ko sya ipaglalaban..Pero tiningnan ko rin ng masama ang mga lalakeng yon..
”Alis na tayo dito, bago pa ako lalo maasar..” ang sabi ni Jaizer kaya’t umalis na kami agad
Nagkawatak-watak man ang tropa ni Jaizer.. Meron ding mga natirang totoong kaibigan niya.. at yun ang lagi naming kasa-kasama.. bukod sa nagkaroon ako ng mabait na boyfriend, nagkaroon din ako na mababait na kaibigan.. isang package na sila eh, instant.. kaya natuwa rin ako ng sobra.. dahil sobrang caring din ang mga kaibigan ni Jaizer. at na-enjoy ko rin ang company nila..
BINABASA MO ANG
BUBBLE GUM (NOVEL-true story) completed
SaggisticaMy first novel.. regalo ko sa fiance ko sana nung 2nd year anniv namin pero nang minsan naishare ko sa isang forum site, nagustuhan nila kaya naman itinuloy ko hanggang 7years ng relasyon namin..at dahil sa novel nito, nadiskubre kong may talent pal...